Chapter 6

116 7 1
                                    

Yasha's POV

Habang palakad-lakad ako sa kalagitnaan na gubat ay napagpasyahan ko na ding kumuha ng mga kahoy upang may maitulong naman ako kay
Liah nakakahiya naman kasi

Itong si Lenox naman nakalimutan na akong balikan tirik na ang araw ay wala pa din,lero Infairness kahit nakapaa ako ay hindi ako napapaso o naiinitan ang paa ko,siguro ganito talaga sa mundo nila,napakibit balikat na lang ako

"Eto maaari mo itong gamitin"

Hmm?boses ba yung narinig ko?

Dahanndahan akong lumapit sa pinanggalingan ng boses-

Ay put! Agad akong napatago sa likuran ng puno ng makita ko ang hitsura nila,siguro ay normal yun dito mayroon silang color purple na tattoo sa pagitan ng mga mata nila,that's odd actually

"Sige kamahalan" dinig ko pang sambit muli ng isa sa kanila kaya napagpasyahan kong dungawin iyon,nanlalaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig sa akin nakita

Napapaligiran ng mga ibat ibang klaseng dahon ang tatlong lalake,pero hindi naman ako bobo dahil mahilig akong magbasa ay alam kong hindi karaniwang dahon ang mga iyon ang unang nakaagaw ng atensyon ko ay ang 'Castor Bean' ang sumunod ay ang 'fox glove' w-what! magpapakamatay ba sila?! hindi ba nila alam ang tawag sa ganung uri ng halaman,those kind of plants are poisonous

Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa kanila ganoon rin meron din syang color purple na tattoo at may inabot sa isang lalake

"Eto ilagay mo ito sa inumin nila sa palasyo"sambit pa nya,omg! nanlalaki at kinakabahan kong pinilit dugawin kung ano iyong inabot nya sa lalake shet!

'Delphinium flowers' oh no,ano kayang gagawin nila dyan marami na ang hindi nakaligtas sa lason na iyan

"Sige na humayo na kayo,siguraduhin ninyong mawawala na sa landas natin ang mga Luna" may bahid ng pag istrikto ang kaniyang boses na syang nagpakilabot sa akin,pagkatapos ay bigla syang ngunisi't biglang lumingon sa aking bahagi

Agaday napayuko ako at napa,sign of the cross,ano ito Lord hindi ko alam na totoo ang kontrabida "Please sana hindi nya ako nakita" mahinang mahinang bulong ko


Ilang minuto pa ang hinintay ko tsaka napagpasyahang tumayo at tignan ang paligid,hay salamat wala ng tao-

"Ayyyy!" Napatalon at napasigaw ako ng may makita akong tao sa likuran ko handa na sana akong umiyak ng bigla syang nag bow sa akin

"P-paumanhin binibini kung natakot kita,ipinahahanap ka sa akin ni Prinsesa Merliah" aniya tsaka sya muling nag bow at binigyan ako ng maliit na ngiti

Dalawang beses pa akong napalunok bago ko sya tinanguan at sinundan

Oh my gosh,nakalimutan kong bitbitin iyong mga kahoy





"Yashaaaaaa" halos mabasag ang pandinig ko ng marinig ang matinis na pagsigaw ng prinsesa nila,binungaran ko naman iyon ng ngiti,tsaka sya kumapit sa akin at inalalayan ako patungo sa upuan "Yasha hapon na't hindi ka pa rin nakakabalik kaya't napagpasyahan ng aking kapatid na ipahanap ka sa kawal" masayang sambit pa nya,napataas kilay ako si Lenox? Ha!? yung hambog na yun-

"Si Deryhm,dumayo sya rito upang kamustahin tayo,kanina pa,kakaalis nya lamang" napabagsak balikat na lang ako at malalim na bumuntong hininga

"Ahh" nasambit ko na lang at napapikit at muling bumuntong hininga

"Bakit may inaasahan ka bang maghahanap sayong iba Yasha?" agad akong napamulat at napa tingin sa kanya at ano naman ang aasahan ko sa animal na yun?!

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya

NEW YOU (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon