SUPREME

31.6K 868 356
                                    

The whole story will be written from the female's lead point of view. She is stubborn, boastful, and bratty so if you don't like that kind of character you can stop from here. Thank you!

•••••

Mabilis akong bumaba ng aking kotse nang maiparada ko ito sa parking lot ng isang kilalang bar dito sa BGC, the colorado.

Nagsimula na akong maglakad papasok nang na sabing bar hindi alintana ang lahat ng maiinit na tingin ng mga tao sa akin. I only have one purpose on why I'm here in this kind of place, and that's to unwind with my male best friend. Gabrielle.

Gulo at usok ang sumalubong sa akin nang makapasok sa loob, napakaingay ng paligid na masakit na sa tenga pero dahil wala akong choice kailangan kong tumambay kahit kaunting sandali dito.

Mabilis na hinanap ng aking mga mata ang kaibigan kong sigurado akong may kalandian na namang iba, Gabrielle changes his woman every day like it's his clothes. Nang makita ito naglakad na ako papalapit sa kaniya.

"Malandi" simple kong ani na nakaagaw ng atensyon ng dalawang taong naghahalikan, nakita ko ang mabilis na pag ngise ni Gab nang makita ako at ang pag putla naman ng mukha ng kahalikan nito.

Who wouldn't, I am no other than the great Samantha Abbygale Dale an heir apparent to the Dale group of companies one of the most successful clothing businesses in Asia.

"Excuse me," I said before seating beside him.

"S-sorry po!" Nagmamadaling umalis ang babaeng kahalikan ni Gabrielle kanina hindi na nga nito hinintay ang iba ko pang sasabihin.

I gently look at Gabrielle's arrogant face before ordering my first drink for tonight.

"Mukha kang binagsakan ng langit Samantha, what happened?" Pilyong tanong nito habang malaswang nakatingin sa babaeng waiter na dumaan.

"Eyes on me asshole" mariin kong turan bago mabilis na ininom ang margaritang inabot ng bartender, na kita ko pa ang pagkindat nito sa akin pero inirapan ko lang ito. Playboy.

"Chill Samantha. Ano bang atin at pinatawag mo ako sa meeting de avance na ito?" Natatawang tanong ni Gab bago uminom sa kaniyang whiskey.

Nakasimangot naman akong tumitig sa aking baso bago bumuga ng hangin, I didn't say a word na mabilis naman nitong na intindihan.

Uminom lang kami nang uminom hanggang sa maramdaman ko na ang tama ng alak.

"Now you're drunk, so care to tell me what happened?" Usiserong anito bago nagsumiksik sa aking tabi na para kaming nagpaplano kung paano pumatay ng tao.

"Lumayo ka ngang sira ulo ka, baka pagkamalan tayong magsyota diyan sa ginagawa mo" inis kong singhal bago ito tinulak, humalakhak naman ito bago umayos ng upo.

"So ano nga?" Chismoso talaga ang lalaking ito.

"I'm very beautiful right?" Panimula kong tanong dito, tumaas ang kilay niya bago ngumise.

"Taas ng kumpyansa sa sarili ghorl ah" mabilis ko itong hinampas na lalong nagpatawa dito, mukha itong takas sa mental na ngayon lang nakarinig ng joke.

"Gago!"

"But you're beautiful Samantha, what's new?" He said to me sincerely after a few seconds.

"Sexy din ako, mayaman, at makapangyarihan. Perpekto na akong tao Gabrielle, alam mo iyan" hindi sa pag mamayabang pero na sanay na lang akong ganiyan ang turing sa aking sarili dahil na rin sa mga taong ganiyan ang tingin sa akin.

"So ano nga ang bottom line?" Tanong nito bago uminom sa kaniyang baso.

"Amados proposed to me" simple kong ani dito.

Naibuga naman nito ang iniinom bago malakas na tumawa na nakahakot ng iilang tingin mula sa ibang tao

"Heck! Pero wala namang kayo hindi ba?" Tanong nito na nagpatango sa akin

"Ano sagot mo?" Puno ng pang uusisa ang boses nito habang malalaki ang matang nakatingin sa akin, mukha akong alien kung tignan ng gwapong mata nito.

"I simply said no"  naghugis bilog ang bibig nito bago sandaling na tahimik.

Na gulat ako nang mabilis na hinampas nito ang mesa bago ako yinugyog sa balikat, mukhang may napagtanto ito.

"Don't tell me you're still head over heels to your unrequited love way back college?" Mausisang tanong nito sa akin, kumunot ang aking noo bago tinampal ang kaniyang mga kamay.

"Hindi na, gago ka ba?"

"Maniwala, love mo pa ang panget na iyon kaya hindi mo sinagot si Amados noh?" Nang gigigil kong hinigit ang tenga nito bago siya sininghalan.

"Wag mo nga siyang tawaging panget, it should be ugly Gabrielle!"

"Ginawa mo lang English Samantha, pero totoo nga?" Humaba ang labi ko bago siya inirapan.

Mabilis naman itong umubo bago ngumise. "Iba talaga ang alindog ng Marcus na iyon!"

Kakaibang kiliti ang dumaan sa katawan ko nang marinig ang pangalan niya.

"His name is really beautiful" wala sa sarili kong ani.

"Ano?" Gabrielle asks me while leaning his face on me, tinulak ko naman itong muli bago umiling.

"Wala"

"Walang hiya Samantha, tindi ng pag ibig mo ah! Walang kamatayan" malokong ani Gabrielle sa akin, maliit ang matang tumingin ako dito bago siya sinipa.

"Baka gusto mong ikaw ang mamatay Gab, wag mo akong simulan!" Asik ko dito na nagpataas ng kaniyang dalawang kamay, alam ko kasing ichichismis lang ako nito sa mga tao. Madaldal at wala pa namang preno ang bibig ng lalaking ito.

"Oy, hindi ha. Joke lang naman iyon ghorl" mabilis na anito habang humahaba ang labi.

"Pero seryoso ka ba talaga? Sa ganda mong iyan hanggang ngayon patay na patay ka pa rin doon sa panget na si Marcus na iniwan ka lang sa ere?"

"Gago hindi nga siya panget, ako lang ang may karapatang tumawag sa kaniya non. At ano bang pake mo kung patay na patay pa din ako sa gagong iyon?" Galit na ani ko bago muling uminom ng margarita.

Mabuti na lang at hindi na nagpapacute sa akin si kuyang bartender kung hindi maiihampas ko sa kaniya ang maingay na si Gabrielle.

"Sana all naman Samantha. Paano naman akong single"

"Ang jeje mong tarantado ka!"

"Samantha naman ang bibig para kang hindi babae!" Turan nito sa akin, inirapan ko lang ito bago inayos ang aking mga gamit.

"Uuwi ka na?" He asks while eyeing me, tumingin ako dito bago tumango.

"Yeah, pagod na ako sa pakikinig diyan sa maingay mong bunganga" seryoso kong sagot dito bago tumayo.

"That hurts you know?" Anito habang nakahawak sa kaniyang dibdib, inirapan ko naman ito bago tumalikod.

"Kaya kong mag maneho, ikaw na lang magbayad ng mga ininom ko. Salamat"

Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis nang marinig ang malakas nitong sigaw.

"What the fuck? You just drink 15 glasses of margarita, wala akong cash Samantha!" Gulat na sigaw nito.

Kumaway ako sa kaniya patalikod habang may ngise sa labi. Serve him right.

Pursuing the Supreme ✓Where stories live. Discover now