eight

3 1 4
                                    

Shocked by his sudden outburst, napanganga na lang ako habang nakatulala sa pader. 'Yung selpon dahan-dahan kong binaba, recovering from the events. Muli ko inalala mga salita niya;

"Resolve this issue on your own. You're a grown woman. You said you've changed? Prove it."

Napalunok ako at inunawa mga binitawan niya na mga salita na pawa ba nawala ang alcohol sa aking sistema.

Moments later, I let out a gasp habang pilit na inalala kung bakit kami naghiwalay, foundation day year 2016 nun.

"Miss dean's lister!" rinig ng lahat ang boses ni Jayce.

Pareho kami napatingin ni Keene sa direksyon niya, itinaas ko ang kamay ko at kumaway, "Does he know?" nabaling atensyon ko sa kanya at itinaas ang isang kilay, "Na isa ka sa speaker for today?" dagdag na sabi ni Keene.

Umiling lang ako sa kanya at nagkibit-balikat, "It's not that important."

Nakapamewang na humarap sa amin si Jayce, "At ano nanaman pinag-uusapan niyo?"

Diretso siya tumingin kay Keene, "Are you talking bad about me?" he says while trying to copy Keene's accent. Although, failing miserably.

"Yeah, I'm telling her that we should ditch you since we have an early dismissal today," sabi naman ni Keene na may kasamang paglabas ng dila.

Jayce gasps dramatically at itinuro si Keene, "Ipagpapalit mo 'ko dito? 'Wag ka papadala sa matamis na salita niya, René! Tapos na ang pagsakop ng ibang bansa sa atin!"

Nakisakay lang si Keene sa trip ni Jayce at inakbayan ako, "Too bad, I already invaded her heart and mind" nakangisi niya na sabi habang ako naman ay umiling-iling sa kalokohan nila, may ngiti na hindi matanggal sa aking labi.

"Rena? We need you up the stage, mag-start na tayo niyan any minute" nakangiti na sabi sa akin ng isa sa student council.

Tumango lang ako sa kanya at humarap muli sa dalawang lalaki, "That's my cue. No fighting dahil wala ako."

Inikutan lang nila ako ng mata at madalian na tinulak ako papunta ng stage, "Ako na bahala kay Keene kapag natingin 'yan sa ibang babae, kabado ka masyado" biro na sabi ni Jayce.

Agad naman ito sinabihan ni Keene, "Wouldn't change my Dino for anyone though."

Jayce just groans at us, sanay na siya sa pagiging komportable namin sa harap niya. Pinakitaan ko ng ngiti na mapang-asar si Jayce at tumingkayad para mag-iwan ng halik sa pisngi ni Keene.

"I ror you, Dino~" matamis ko na himig habang ang kasintahan ko naman ay natatawa, "I ror you more, beautiful" balik na salita niya.

Meanwhile, si Jayce ay nag cricringe sa gilid. Kahit na ilang beses na niya kami nasaksihan ng ganito ay hindi niya mapigilan ang mga ekspresyon na lumalabas sa kanyang mukha.

"Umakyat ka na ng stage bago pa kita isubsob papunta dun" biro ni Jayce.

"Inggit ka lang," saad ko habang tumalikod sa kanya at rinig ang pabulong niya na reklamo, "Gandahan mo kuha sa akin ha!"

"Gonna capture your worst angle possible!" balik na salita ni Jayce kaya't natatawa na lang ako na pumunta ng stage.

The event started moments later. It didn't take long before my name was called, "Now let's hear our consistent topnotcher, Ms. Shauna Irene Dilamis of third year BSBA in Entrepreneurship."

Napuno ng palakpakan at hiyawan ang tahimik na kwarto, tumayo ako mula sa aking upuan at naglakad papunta sa gitna ng stage. Ipinasa ng isa pa na estudyante ang mikropono sa akin bago siya bumalik sa kanyang upuan.

I Miss You (I Blank You #1)Where stories live. Discover now