three

6 2 1
                                    

Keene's POV

"Keene, just tell me if you're tired of me. I'll gladly break up with you." ang mga salita na lumabas sa mapula niya na labi.

Sa buong buhay ko, hindi ko inakala na pupunta kami sa ganitong punto. Higit sa lahat, I never expected to experience this much pain. It's as if my heart is being squeezed with bare hands.

Sa relasyon namin, lagi na lang ako ang umiintindi sa kanya. "I swear Shauna! You only think of yourself!" sigaw ko out of frustration.

Tuwing nakikita ko na may luha sa mga mata ni Rena mas nasasaktan ako kumpara sa emosyon na nararamdaman ko.

Pinigilan ko sarili ko na magpakumbaba dahil alam ko na wala ako sa mali. It's evident that this fight is not like our past ones.

Rena's frown got deeper as the tears finally escapes from her eyes, "I see..." sabi niya habang natatawa sa sitwasyon namin, tawa na alam mo may kasamang sakit. "It was nice while it lasted, Lee."

[ That's not what I meant, Rena! ]

Pinilit ko na maging matatag sa harap niya, ayaw ko makita niya kung anong epekto niya sa akin. "It's nice knowing you, Shauna."

[ No no no. This is not what I want. Ayaw ko maghiwalay tayo! Rena please! ]

Pinunasan ni Rena mga luha niya habang naglalakad paalis. Gusto ko siya pigilan, habulin, at yakapin para maayos namin 'to.

Sa halip ito ako nakatayo lang, not daring to move a muscle, wishing that all of this is an awful nightmare and I will wake up soon enough.

Sinaboy ko ang malamig na tubig sa mukha ko to freshen up, I look up at the mirror, hands on either side of the sink, "Pull yourself together, Keene."

"Alam mo na client mo siya, wala nang surpresa nung nakita mo siya kanina."

My soft sniffles echoes the empty comfort room, "Iba ka talaga, Shauna Irene" sabi ko habang umiling-iling sa sarili ko.

Napaduko ako nang naalala ko unang sulyap ko sa kanya pagkabukas ng pinto, goddamn she's still stunning.

Hindi ko mapigilan na ilarawan ang mukha niya: the way her wavy charcoal hair beautifully frames her angelic blue eyes, her adorable freckles that spreads out from the bridge of her nose to her cheeks, her lips that still shines with the strawberry lip gloss she always uses.

Even if she's in her mid-20s, she still has the same features from back then, just a bit more mature.

Napabuntong-hininga ako at tumalikod, dahan-dahan umupo sa sahig at sumandal sa pader. Kinuha ko panyo sa loob ng coat ko para punasan basa kong mukha.

Hindi ako makapaniwala na she still have the same effect on me.

I chuckle to myself, "How can this be?" tanong ko sa sarili ko habang inalala mga bitaw na salita ko:

I already moved on from her. It'll be no big deal if she's my client.

That was like three or four months ago, hindi ko na maalala pero isa lang ang malinaw ngayon; siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mamahalin ko kahit na sinaktan niya ako.

Isinuksok ko ang panyo pabalik sa coat ko ng mahagip ko na may kumikinang sa gilid ng mga mata ko, agad nabaling tingin ko at napangiti sa sarili, tinanggal ko ang nakakabit na pin.

I lazily spin it using my fingertips, being careful not to accidentally injure myself with its sharpened tip. Tinignan ko yung naka-engrave sa likod, 'SID 2015-2016 MY CUTE DINO' napangisi at iling ng maalala ko meaning nito.

I Miss You (I Blank You #1)Where stories live. Discover now