Ngumiti lang ako sa kanya at umiling iling. "Hindi naman po papa. Sana'y na po."

"Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo, anak. Kami na ang naaawa sayo dahil sa wala kang kapaguran sa pagtatrabaho. Pagpahingain mo din minsan ang sarili mo." pangangaral ni mama.

Wala naman sa sariling napakamot ako ng ulo. Hanggang ngayon para parin akong bata na sinasabihan ni mama. Eh ang tanda tanda ko na kaya. 27 na kaya ako.

"Ma, naman e. Ang tanda tanda ko na. Pero hanggang ngayon pinagsasabihan mo parin ako. Para padin akong bata sa inyo. Alam nyo naman ang rason ko diba kaya ko ito ginagawa." makahulugan kong sabi sa kanila.

Nakita ko naman silang natahimik. Pero maya maya, napabuntong hininga na lang sila. Alam nila kung ano ang ibig sabihin ko.

"Alam namin iyon anak, pero alalahanin mo din ang kalagayan mo. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo." sabat naman ni papa sa usapan.

Mapabuntong hininga na lang ako dahil sa seryoso silang dalawa. Wala akong magawa kundi ang tumango. Hindi naman kaya na suwayin sila. Magulang ko parin sila.

"Oo na, oo na. Kayo na po ang panalo." natatawang pagsuko ko.

Natawa na lang din sila sa akin. Suminyas naman sila na lumapit ako sa kanila. Kaya agad akong tumayo at umupo sa gitna nilang dalawa. Ang saya ko dahil nandiyan lagi sila. Hindi nila ako pinabayaan.

"I love you, mama, papa. Maraming salamat po dahil hindi nyo ako pinabayaan. At lagi kayong nadiyan kapag kailangan ko kayo." buong puso kong pasasalamat sa kanila.

Naramdaman ko naman na niyakap nila akong dalawa. At hinugod hugod ang likod ko. Kaya gumaan ang pakiramdam ko sa yakap nilang iyon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"A-ano ka ba, anak. Kami dapat ang magpasalamat sayo dahil hindi mo kami pinabayaan. Ginawa mo ang lahat para makaahon tayo sa hirap. Sobra sobra na nga e. Nagpapasalamat kami sayo dahil kung hindi sayo, baka wala na ang papa mo." pigil iyak na sabi ni mama sa akin.

Ramdam ko ang mas lalong humigpit ang yakap nila sa akin.

Naghari ang katahimikan dito sa sala. Walang nagtangkang magsalita sa amin. Hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak sa pisngi ko. 

"Shh! Tumahan ka na, anak." pagpa-pahinahon ni papa sa akin habang hinuhugod hugod ang likod ko.

"Hindi kana bata, nak, para umiyak ng ganyan kaya tumahan ka na sa kakaiyak. Hindi ko alam na may pagkaiyakin ka pala. Haha!." pagbi-biro ni mama sa akin.

Bigla akong napasimangot. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sila ng nakanguso.

"Ma naman e, masama bang umiyak? Lahat naman tayo umiiyak e." pagmamatol ko.

Natatawa naman silang ginulo ang buhok ko. Kaya mas lalo akong napanguso. Para na akong bibe.

"Ang ganda ganda talaga ang anak ko. Manang mana sa akin noong dalaga pa ako. Kaya nga na in-love sa akin ang papa mo e. Patay na patay sa akin." natatawang sabi ni mama. At kinatyawan pa si papa.

Kaya wala din sa sariling natawa. Nakita ko kasing umasim ang mukha ni papa.

"Ikaw kaya ang patay na patay sa akin. Noon lagi kang nakasunod sa akin, pero hindi kita pinapansin. May isang araw na sinundan mo pa ako e. Agad agad kang magtatago sa mga halaman kapag babalakin kong tignan ka." katyaw naman ni papa kay mama.

Mas lalo akong natawa dahil sa pag ganti ni papa ng biro. Kaya kitang kita ko ang pagkamula ng mukha ni mama. Pustahan tayo, kinikilig na 'yan loob loob niya.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now