Kabanata 2

5 0 0
                                    

Brianna's POV

Napapikit ako ng dumampi sa balat ko ang sinag ng araw. Palubog na ang araw pero nandito pa din ako malapit sa dalampasigan. Kahit nakapikit ako dinig na dinig ko pa din ang paghamas ng alon,at ang malamig na simoy ng hangin.

Dinig na dinig ko din ang tawanan ng mga batang naglalaro.

Bakit nga ba hindi na lang maging masaya? Everyone deserves to be happy pero bakit pinagkakaitan ata ako ng kasiyahan.

"Mali ka ng hinala,Sandra."
natatarantang usal ni Klein habang nagsusuot ng damit.

Umiiyak naman si Liza sa gilid habang nakatakip ng kumot. Hindi padin ako nagsalita,nanatili akong nakatayo doon habang walang emosyong nakatingin sakanila,pero punong puno na ng tanong ang isip ko.Sinubukang lumapit sakin ni Klein pero sinampal ko siya,napa-awang ang labi niya sa lakas noon.

"Mali ng hinala? Anong gusto mong isipin ko? Na naglalaro kayo ng bahay bahayan?"kalmado kong sabi habang pigil ang luhang nagbabadya ng tumulo.

"Kelan pa to?"

Hahawakan pa sana ako ni Klein pero sinampal ko ulit siya dahilan para matigilan siya.

"KELAN PA?! KELAN NIYO PA KO NILOLOKO?!"

"A year ago"


Nanghina ako lalo sa nadinig ko. All this time,niloloko lang nila ko? Pano nila naitago yon ng ganon katagal? Kaya ba hindi siya sumisipot minsan sa date namin kasi magkasama sila? Kaya ba absent minsan si Liza kasi magkasama sila?


"I'm sorry,Sandra"mahinang usal ni Liza habang naiyak. Si Klein naman ay napa hawak sa sentido niya.


"How could you do this? Of all people,bakit ikaw pa?"malamig kong sabi.


"May pangangailangan din si Klein,Sandra. I know hindi mo yon maibibigay,it's just i feel like I need to fulfill his needs."


"Putangina ganon ka katanga?! Hindi mo obligasyon si Klein,Liza. Kating kati ka na ba?! Sinong tanga ang sasapaw sa boyfriend ng bestfriend niya?! Malamang ikaw. Ang sabihin mo malandi ka talaga."singhal ko sakanya.

Inalo naman siya ni Klein na siyang mas ikinadurog ko. Napayuko ako at ngumiti ng mapait. Do I deserve this?



Dahan dahan kong minulat ang mata ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. It's been 3 weeks since that day happened,matapos iyon ay hindi ko na muli pinansin si Liza. Pinutol ko nadin ang ugnayan namin ni Klein,there were times na pumupunta siya sa bahay pero sinasabihan ko si Brian na hayaan na lang. Alalang alala sina Papa ng umuwi akong umiiyak,pero hindi muna sila nagtanong kung bakit,hinayaan muna nila akong mahimasmasan,kinabukasan ay kusa ko na itong kinwento.


"I think you need this."


Napalingon ako sa panyong nakalahad saakin,dahan dahan akong napatingin sa kung saan galing iyon.


"Aero."

Bumuntong hininga siya bago inilagay sa palad ko ang panyo,umayos din siya ng upo,tumabi siya saakin ngunit binigyan padin niya ako ng espasyo para hindi magkadikit ang mga balat namin. Ang kulay kahel na liwanag dulot ng araw ay tumatama sakanyang maputing balat. Kahit pa nakasimpleng damit lang ito ay napaka gwapo padin niyang tignan.


Sa tatlong linggong iyon,hindi din kami nag usap ni Aero. Were not that close,hindi rin naman kami magkaibigan kaya wala lang iyon saakin. May pagkakataong nakakasalubong ko siya sa hallway pero hindi kami naguusap.


Pinunasan ko ang aking luha bago tumingin sa araw na palubog na.


"Ang ganda no."usal ko.


"Oo maganda."

Nagtama ang paningin namin ng lumingon ako sakanya,tumukhim naman siya bago lumingon ulit sa sunset.


"Nagtatagalog ka pala."mangha kong sabi sakanya,napangisi siya. Napalunok naman ako dahil ang gwapo niya lalo doon.


"Bakit ka pala nandito?"


"I was about to go to my favorite café but I saw you here."



Napatango ako at tumingin ulit sa sunset. Halos padilim na kaunti na lang ay lulubog na ng tuluyan ang araw.


"Are you okay?"


"Ayoko magsinungaling. Hindi."sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa sunset.



"Do you want to talk about it?"



Napatingin ako sakanya,nakatingin na din pala siya sakin.


"Are you willing to listen,Aero?"


"I am. But,if you don't wan----"


"My boyfriend cheated on me with my bestfriend."ngumiti ako ng mapait bago pinigilan ang luha kong nagbabadya ng tumulo.


Natahimik si Aero,naghihintay ng sasabihin ko. Napayuko ako ng tuluyan ng bumuhos ang luha ko.


"Noong araw na nilibre kita yuon din ang araw na nahuli ko sila. I was about to surprise him pero ako pa ang nasurprise."natawa pako habang kinukwento yon.

"Just because I can't give him what he want nagawa nila yon. Do I deserve this?"


"No. You deserve the best."

Mas lalo akong napahagulgol pero natigilan ako ng hawiin ni Aero ang buhok ko at iniharap ako sakanya,nagtama ang mga mata namin na naging rason para kumalabog ng sobra ang dibdib ko.


"In the past three weeks,lagi kitang nakikitang malungkot. Alam kong maaga pa para sabihin to pero hindi mo pwedeng ikulong ang sarili mo sa ganyan. You deserve to be happy."



"How can I be happy again?"


Ngumiti siya sakin,lalong lumakas ang tibok ng puso ko.


"Start loving yourself. It's not the end of the world,cheer up."



He pat my head after that,nagulat ako ng tumayo siya at nilahad ang kamay niya. Nagtataka naman akong tumingin sakanya.


"Let's go to the mall,we'll buy some foods. Payat mo e."natatawa niya pang sabi.


Inirapan ko naman siya at inayos ko ang aking sarili. Nakakahiya naman kasi kay Aero,ang gwapo gwapo tas ganito lang itsura ko. Ng makaayos na ako ay tumayo na ako. Akala ko ay magkocommute kami pero may dala pala siyang sasakyan halos lumuwa din akong mata ko ng makita ko iyon,pano ba naman kasi BMW,pinagtitinginan tuloy kami non.



When we arrive at the mall binili niya ako ng mga pagkain na gusto ko,treat niya daw,pero burger at fries lang pinabili ko sakanya. Naglaro din kami sa arcade, and I really had fun. Hindi man kami ganoon magkakilala ni Aero pero sobrang gaan na ng loob ko sakanya. Tinanong niya pa kung saan bahay ko at ihahatid niya daw ako dahil gabi na daw.


"Dyan na lang sa tabi."sabi ko.

Itinigil naman niya yung sasakyan,bukas pa ang ilaw sa sala malamang ay nandoon sina Papa. Tinanggal ko na ang seatbelt at tumingin kay Aero na kasalukuyang sinusuri ang labas ng bahay namin.


"Gusto mong pumasok muna?"


"Maybe next time,late na din kasi."nakangiting usal niya.


Napatango naman ako.


"Thank you for today,Aero. Nag-enjoy ako."


Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatid ako sa may gate.


"Salamat uli ha. Libre na lang ulit kita ng isaw sa susunod."



Sabay kaming tumawa. Nagpaalam na din siya saakin bago sumakay ng kotse.


"Ingat ka!"

"Goodnight,Brae."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paper AirplaneWhere stories live. Discover now