07

29 4 13
                                    

⚠️ Trigger Warning: Physical Abuse, Verbal Abuse

Nang makarating kami sa fishball-an ay saktong kumalam na naman ang sikmura ko.

"Tay!" sigaw ni Van nang makita namin ang tatay niya. Nabanggit ko na hindi ba? Na isang fishball vendor ang tatay niya. Matanda na ito, sa tingin ko'y nasa edad limampu't-anim na ito.

I looked at the vehicle and an amuzed reaction plastered on my face. Isa lang siyang motor na may parang lamesa. Pwedeng lutuan at may mga nakalagay na pagkain-on-stick.

Muka siyang marumi dahil sa kalsada lang ito nakapwesto ngunit malinis talaga ito dahil halata namang malinis sa katawan ang tatay ni Van. Naka-apron siya at hairnet. Naka-facemask din siya upang hindi matalksikan ng laway o ng pawis ang kanyang mga paninda. Malinis ang kabuuan nito at maayos din ang pagkakasalansan ng mga gamit.

"Oh Dane, bakit ka narito?" tanong ng tatay niya.

"Eh tay, kasama ko po kaibigan ko." saad ni Van at gumilid upang makita ako ng ama nito.

Ngumiti ako nang madako sa akin ang paningin ng tatay ni Van. Magkamuka sila, magkamukang-magkamuka. Tila carbon copy 'tong si Van ng tatay niya. Kahit bakas na ang katandaan nito ay makikita mo rin ng kapogian dito. Maputi at makapal ang kilay. Matangos ang ilong at kulay kayumanggi ang mga mata. Kung ganyan kagwapo ang tatay, edi ano pa ang anak?

"Ang gandang bata mo naman. Ano'ng pangalan mo, hija?" Nakangiti nitong saad sa akin.

"Evaine po." sagot ko habang nakangiti rin, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang compliment ng papa ni Van dahil hindi naman ako sanay rito kung kaya't nanatili nalang akong nakangiti upang hindi ako mapagkamalang bastos.

Napangiti ito at tumango-tango. Parehas na parehas sila ni Van na mahilig ngumiti. Hindi ba nangangawit ang gilagid at panga nila kakangiti? Hehe, joke!

"Kay gandang pangalan naman." Tila gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil nahihiya ako sa lahat ng compliment na ibinibigay sa akin ng papa ni Van.

Nako, tito! Compliment pa nga lang ng anak ninyo hindi ko na maprocess, paano pa kaya yung compliment ninyo??

Natawa nalang ako at umiling.

"Ano palang ipinunta mo rito?" nalipat ang tingin nito kay Van. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil inialis na nito ang paningin sa akin.

"Kakain po kami fishball."

"Sigurado ka bang gusto ng kasama mo nitong paninda ko?" tanong ng tatay nito. Napatingin ito sa akin kung kaya't ngumiti ako nang matamis at tumango.

"Sabi niya po eh." sagot naman ni Van.

"Opo! gusto ko po kasing tikman itong tinitinda ninyo!" nakangiti kong sabi.

"Ganun ba? Edi mabuti! Nako, masarap ang sauce ko! malinis din ang mga paninda ko, talagang hindi ka magsisisi rito. Baka makalimutan mo pa ang pangalan at edad mo kapag natikman mo ang paninda ko!"  Masayang sambit nito habang may malawak na ngiti. Tumango ako at natawa bago kumuha na ng stick.

"Ano po ang tawag dito?" tanong ko sa tatay ni Van.

"Kikiam" sagot nito.

"Eh, eto po?"

"Fishball, hija."

"Eto naman kwek-kwek, squid ball, at chicken ball." Pagpapatuloy na saad nito at tinuro na isa-isa ang mga sinasabi niya.

Hehe baka nainis na siya sa kakatanong ko kaya nilahat na niya.

Tinikman ko ang lahat ng niluluto niya at napangiti dahil totoo ngang masarap ang sauce niya.

Until I see you again  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now