03

41 7 15
                                    

I sigh heavily before dozing out of my room.

"At saan ka pupunta?!" sigaw ng nanay ko sa harap ng muka ko.

Napaigtad ako at tumungo. Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatungo.

"Kinakausap kita! huwag kang bastos!" sigaw nito at sinampal ako nang malakas.

Napa-angat ako ng tingin sakanya dahil sa gulat at takot. Napakurap ako ilang beses at umatras ng ilang metro mula sakanya.

"D-diyan lang po, may bibilhin lang po." pagdadahilan ko.

"Umuwi ka ng maaga, marami ka pang gagawin na gawaing bahay. Hindi ka lang dapat tumutunganga! Wala kana ngang kwenta, wala ka pang tinutulong sa bahay!" sigaw nito sa muka ko bago banggain ang balikat ko upang makadaan siya.

Dali-dali akong tumalikod at naglakad papalabas sa bahay.

Naglalakad ako nang mabilis at nang makalayo ako ng bahay ay tumungo ako at hinawakan ang kamay kong nanginginig. Pinagsaklop ko ito at pinakalma ang mga ito.

Napaigtad ako ng makitang may dalawang pares ng paa sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin si Dane.

He offered his hand, may hawak na naman itong panyo.

Tinitigan ko siya, tumango siya senyales na kunin ko ang panyo.

"Umiiyak ka na naman, mauubos ang panyo ko kapag ganyan!" he said lifting up my mood. I laugh at what he said.

Ni hindi ko nga namalayang umiiyak na naman pala ako.

"Pasensya kana talaga, ibabalik ko rin ang mga panyo mo." saad ko, umiling naman ito at ngumiti.

"Hayaan mo na 'yon, nagbibiro lang ako!"

Napatawa nalang ako sa kakulitan nitong lalaking 'to.

"Come with me, I'll bring you somewhere." saad nito kung kaya't napaangat ang tingin ko.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

Natauhan naman ito at huminto. Kung kaya't napangiti ako.

"Ayaw mo ba? Edi huwag, girl. Pagsisihan mo 'to." Saad nito kung kaya't natawa ako. Napaka-siraulo talaga.

"Malayo ba yan?" Tanong ko.

Ngumiti lang ito at hindi sumagot. Niyaya lang niya akong sumunod sakanya kung kaya't sumunod na ako.

Sino kayang matinong tao ang tatanungin mo tapos ang isasagot lang sa'yo ay isang ngiti? Parang nagtatanong ka kung anong pangalan niya tapos ang sagot sa'yo ay "5 years old"!

Halos ilang buwan na rin kaming magkaibigan ni Dane. Araw-araw niya akong pinapatawa sa chat at sa tuwing magkikita naman kami nang hindi inaasahan ay sinasamahan ako nito.

Everyone is staring at us, may mga babaeng kulang nalang ay halikan ang katabi ko dahil sa sobrang pagkamangha.

Alam ko namang pogi itong katabi ko ngunit hindi ko inakalang ganito ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid ko kapag nakakita sila ng lalaking pogi. Ngayon lang ba sila nakakita ng pogi?

Wala bang pogi sa planeta nila? I mentally laugh at what I said nang matauhan ako.

Pati pangit na humor ni Dane ay nagagaya ko na!

Nakakaramdam ako ng mga titig kaya bigla akong nahiya at natuop sa kinauupuan ko.

Napatungo ako at alam kong napansin iyon ni Dane.

Tinakpan ni Dane ang muka ko gamit ang panyong dala niya.

Kaloka! buong bag niya ata ay tanging panyo lang ang laman.

Nilingon ko si Dane at nakitang sinasamaan nito ng tingin ang mga babaeng masasama rin ang tingin sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin at hindi na muling tumingin sa gawi nila.

"Malapit naba tayo?" nagtataka kong tanong. Tumango ito kung kaya't hindi na ako nagsalita pa.

Nang makababa kami ay binelatan ni Van ang mga pasahero sa jeep. Napaka-isip bata talaga!

Tinignan ko ito nang masama at nakita kong nagkakamot na ito ng batok niya. Na para bang wala siyang ginawang mali.

Namula naman ang mga tenga niya kung kaya't naglakad na ito papalayo dahil sa hiya.

Sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng lugar.

It's a small garden with a lake.

Napatakbo ako papalapit sa mga bulaklak, inamoy ko ito at napangiti nang malawak dahil sa bango nito.

"Ang gandaaaa!" mangha kong saad habang nakanganga. 

Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko akalaing may ganitong lugar pala na nageexist. Masyadong perpekto para gawing pugad ng mga tao.

Maswerte ako na nakapunta ako rito. Dahil alam kong kaunti lang ang nakaka-alam ng lugar na ito. Sa sobrang tago ay hindi na ito napupuntahan pa ng iba.

He's right about this place. This place is a free place, a free pass to a temporary peace for everyone.

"Palagi akong pumupunta rito kapag malungkot ako. Me and my family used to go here when my mom was still alive. Ang ganda ng lugar na ito, hindi ba?" sambit nito.

Napangiti ako sakanya at tumango-tango. Maganda nga, sobra.

Napahinto ako at napalingon kay Dane ng may marinig akong isang "click" mula sa shutter.

Napakamot ito sa batok niya.

Hilig magkamot ng batok, may kuto ba ang batok niya?

"Nagpipicture ako ng sarili ko. Ang pogi ko kasi." sambit nito, tumango nalang ako at muling humarap sa paligid.

Napangiti ako nang malawak ng marating ko ang lawa.

Umupo ako sa damuhan at ibinabad ang mga paa ko rito.

Pwede naman siguro 'tong ginagawa ko, hindi ba?

Nakarinig muli ako ng click kung kaya't napatingin muli ako sa pinanggalingan nito.

"Ano kasi ang ganda ng lugar! Namiss ko kasi rito!" saad ni Van at tumakbo papalayo bitbit ang telepono niya.

Bakit ba siya nageexplain eh hindi naman ako nagtatanong? Tumingin lang naman ako sakanya! Defensive siya!

Kinuha ni Dane ang polaroid na nasa leeg ko at kinuhanan ako ng litrato. Nakalimutan kong meron pala akong dala na polaroid.

"Mag-pose ka kukuhanan kita ng litrato. Pwede mong ipost sa instagram mo." napangiti ako at ginaya ang sinabi niya.

"Wala akong Instagram." Nahihiya kong saad sabay ngiti ng hilaw.

Tumango lang ito, naiintindihan ako.

"Sabagay, hindi naman lahat ng kabataan ay mahilig sa social media. Nakakagulat lang na wala ka non, mukang ka kasing instagrammable."

"Ano bang meron sa instagram?" Curious kong tanong dito.

"Seryoso ka hindi mo alam yun?" Nakataas kilay nitong tanong, tila gulat na gulat.

"Hindi? Wala nga ako nun eh kaya paano ko malalaman?" Nakakunot noo kong sagot.

"Ay, hehe. Oo nga naman." Saad nito at natawa nalang sa sarili.

"Basta next time kapag may load na ako ipapakita ko sa'yo." Sabi nito at lumayo na.

"Next time na ha? Wala pa akong pang-load eh!" Saad nito sabay tawa. Tumawa nalang din ako at tumango.

Until I see you again  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now