04

43 6 21
                                    

Nanlaki ang mga mata ko ng tignan ko ang relo ko.

"Uhm, uwi na tayo." saad ko kay Van. Nagtataka itong napatingin sa akin ngunit kalaunan ay tumango rin ito at tumayo na.

Naisip ko kasi ang bilin ni mama kanina, na umuwi ako nang maaga dahil may gagawin pa akong mga gawaing bahay.

Naalala ko noong mga bata pa kami ay hindi niya hinahayaan na mahirapan kami. Mahal na mahal niya kaming dalawa ng kuya ko, at handa niyang gawin ang lahat para lang maging ligtas kami at masaya.

Pero noon 'yon. Nagbago ang lahat ng mamatay ang kuya ko mula sa isang aksidente. Isang aksidenteng pilit kong kinakalimutan, ngunit hindi ko magawa.

Nakakatawa lang kung paanong sa isang iglap ay bumaliktad ang lahat. Mula sa pagiging mapagmahal na magulang ay naging malupit sila. Mula sa masayang pamilya ay napuno ng galit at sakit ang relasyon naming pamilya.

Nothing can take away everything unless you learned to accept it. But how can you accept something that made your whole life miserable to live?

Nang makababa kami ay ni-isa sa amin ay walang nagsasalita.

Napaluhod ako dahil hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko, nanghihina na rin ang mga paa ko para tumayo.

Pumantay sa akin si Van at bumuntong hininga.

He wiped my tears and tapped my shoulders.

"Kailan kaya dadating ang araw na hindi ka na iiyak?" tanong nito habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Hindi ko gusto na nakikita kang umiiyak dahil wala ka namang ginawang mali. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa'yo pero bakit ikaw lang ang nahihirapan at nasasaktan?"

Nakatitig lang ako sakanya. Busy siyang punasan ang mga luha ko na hindi na niya napapansing nakatitig ako sakanya. Iiwan din niya ako. Tatalikuran niya rin ako. Pero bakit narito pa siya sa harapan ko? Bakit narito pa rin siya para damayan ako kahit nakita na niya ang tunay na ako?

Hindi ko kailangan ng tulong niya. Ngunit kapag paagos palang ang mga luha ko ay nariyan na agad siya. Na tila ba alam niya kung kailan ako hindi masaya.

Tinayo niya ako at pinagpagan ang tuhod ko.

We reached the park. Kaming dalawa lang ang tao rito dahil gabi na.

Binigyan niya ako ng panyo. Seriously? Ilan ba ang panyo niya? I want to ask him because I'm really curious kung ilan ang panyo niya. Ngunit isinawalang bahala ko nalang ito. Si boy panyo talaga 'to.

Sa tingin ko, may isang kabinet siyang puno ng panyo. Napakarami na kasi niyang naibigay na panyo sa akin. Ibinabalik ko nga pero ayaw naman niyang tanggapin.

"Pagpagan mo ang damit mo dahil umupo ka sa kalsada at damuhan kanina. " he said while staring at me.

Pumunta ito sa likuran ko at tinanggal nito ang ipit ko para ayusin ang nagulo kong buhok.

Ako na ang nahiya sa ginagawa niya. Tila sanay na siyang mag-ipit ng buhok kasi maayos ang pagkakaipit niya sa akin at hindi ako nasasaktan.

Matagal bago siya tuluyang makalapit sa akin, ilang linggo siyang nagtiis na ilang dipa ang layo namin sa isa't-isa. Naiintindihan niya 'yon at hinayaan ako. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya pa rin ako tinigilan.

"Paniguradong magtataka ang mga magulang mo kapag nadatnan nila na magulo ang ayos mo." sambit nito habang inaayos pa ang buhok ko.

"I don't know anything about your problem. I don't know what you're going through. And I don't know why you always cry. Pero hindi magandang palagi ka nalang umiiyak. Sinasayang mo lang ang mga luha mo, dahil paulit-ulit nalang ang pag-iyak mo. Hindi naman maibabalik ng luha mo ang mga bagay na nangyari na. Hindi mo rapat kinukulong ang sarili mo sa isipin na mahina ka, kung kaya't iiiyak mo nalang ang lahat. You're strong, being alive today is also being strong. Living is crucial, and choosing to wake up everyday is a brave move. Stop being too hard on yourself. Crying will not always be your escape. It's okay to cry, it's okay to not be okay. But crying everyday is not okay, because you're missing a lot while crying. "

Alam kong may punto siya kaya ngumiti nalang ako.

Lagi akong kinakahiya ng sarili kong magulang, at kailanman ay hindi natrato bilang anak. Funny, on how it won't change the fact that they're still my parents. They're the one who made me see this world.

Naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit nila. Pero bakit hindi ang sarili nila ang sisihin nila? Bakit kailangang sa akin bumalik ang sisi ng lahat?

I always blame myself but why do they have to blame me more? Hindi ko ginusto ang nangyari, at kailanman hindi ko gugustuhin na mangyari 'yon kung ang ibigsabihin non ay magdudusa ako habang buhay.

Nabalik ako sa reyalidad ng pitikin ni Dane ang noo ko.

"You're spacing out."

"Sorry" sagot ko.

"Ang hilig mong magsorry. Si Justin Bieber ka ba?"

"Is it too late now to say sorry." Pagkanta nito kahit sintunado naman. Pumikit-pikit pa nga!

Natawa nalang ako at tumayo na.

"Thank you. " I said sincerely, kung hindi sorry ay thank you naman ang bukambibig ko. Nakakairita rin pala maging ako.

"It's not your fault, it's not your fault that you happen to be alive here today. It's not wrong to dreamed of being happy and free. Your past is now a past, it has nothing to do with yourself today. You're breathing today because you deserve to live in the future and be the person you wanted for yourself to be. You deserve to be you, Evaine."

Ayan lang ang gusto kong marinig. Atleast may mga tao pa ring hindi ako sinisisi sa nakaraan ko.

"Thank you, Dane. I don't know how to thank you. But know that I am very thankful that I met you. That you were there for me. If it weren't because of you, I would probably be alone for the rest of my life. " I whispered in the air before turning my back against him. Kumaway akong muli sakanya sa huling pagkakataon bago lisanin ang lugar na iyon.

Until I see you again  (UNDER REVISION)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz