05

35 6 12
                                    

⚠️ Trigger Warning: Physical Abuse, Verbal Abuse, Self harm

"Gabi na, saan ka nagpunta?" Tanong ni Dad ang bumungad sa akin. Nagulat ako dahil mismong pagbukas ko ng pinto ay muka niya agad ang bumungad sa akin.

"Siguro lumandi na naman, may kasama sigurong lalaki at humaharot." saad ni Mommy na kadarating lang. Nakasuot siya ng isang pulang silk dress at silver heels. Tanging ang tunog ng takong niya na papalapit sa akin ang naririnig sa buong kabuuan ng bahay.

Kasabay ng papalapit niyang yapak ay ang tibok ng puso kong natatakot sa kung ano man ang gagawin niya.

"Pagod po ako, una na po ako." saad ko, at nagsimula nang maglakad papalayo sakanila.

Ganoon nalang ang gulat ko ng hatakin ako pabalik ni Mommy at sampalin ako.

Hilig manampal, teh????!!

Nagulat ako at napaawang ang labi ko.

I faced her with so much confusion. Napangisi ito dahilan kung bakit nagsimulang magwala ang puso ko. Hindi dahil sa sakit ng sampal nito, kundi dahil sa galit dahil sinampal ako nito.

I can say that she enjoyed what she did. No traces of regret in her eyes are evident. Walang puso, walang pakiramdam. Ni hindi manlang niya maisip na anak niya pa rin ang minamaltrato niya. Anong klaseng ina siya?

"Sorry, nadulas. " saad nito habang nakangisi. Iwinaksi ko ang mga kamay nito sa braso ko at umalis na.

I looked at my father for the last time and I can see his face with sadness. I just smiled at him to assure him that I'm fine.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tsaka nagbagsakan ang mga luha ko.

Nanghihina kong sinalampak ang sarili ko sa kama.

Tinawanan ko ang sarili ko. Your life is a whole comedy, Evaine.

"Kuya, bakit kaba namatay?!" sigaw ko sa hangin.

Nagsimula akong magwala. Hinulog ang mga gamit at ngumawa nang malakas. Wala na akong paki kung marinig nila ako. Gusto kong ilabas ang galit ko!

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to kuya! Kung hindi mo ako hinabol at hindi mo ako tinulungan ay hindi ka sana namatay!" Puno ng hinanakit kong sigaw.

"Sana ako nalang yung nasa posisyon mo, sana ako nalang yung namatay!"

"Sana ako nalang yung nagbuwis ng buhay, sana ako nalang yung pumrotekta sa'yo!"

"S-sana imbis na ikaw, a-ako nalang."

Hindi na ako nagulat ng dali-daling pumasok ang ama ko sa kwarto upang tignan ako.

I faced him with so much anger and sadness.

"WHY DO I FUCKING HAVE TO SUFFER FROM YOUR ANGER? NI MINSAN BA TINANONG NINYO KUNG ANO NGA BA YUNG NANGYARI? NI MINSAN BA TINANONG NINYO KUNG KUMUSTA AKO?" sigaw ko rito. I pushed him, I pushed my father out ngunit nanatili pa rin siya nakatayo sa harap ng pinto ko.

"Putangina, kasalanan ninyo naman yung nangyari eh! Kung hindi kayo nag-away edi sana hindi namatay si kuya! Kasalanan ninyo! Mga gago kayo, kayo ang pumatay sa kuya ko! Ang kapal ng muka ninyong sisihin ako sa bagay na kayo naman ang may kasalanan!"

Sinubukan niya akong hawakan ngunit tinatanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan, papa. Huwag kang magpanggap na may paki ka kung sa loob ng sampung taon ay nanahimik ka at wala kang ginawa habang nakikita mong minamaltrato ako ni mama!"

Napaluhod nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at umiyak nang umiyak.

Lumuhod siya sa akin at niyakap ako pero patuloy kong tinatanggal ang pagkayakap niya.

"Bakit kasalanan ko? Bakit biglang naging kasalanan ko lahat? Hindi ninyo ba matanggap na kayo ang dahilan ng lahat? O dahil hindi ninyo naman talaga ako hiniling kaya nang may mangyari ay sa akin ninyo ibinato ang sisi?"

"Tao lang ako, pa. Bata pa ako. Bata pa ako, pa. Ayoko ng ganito. Bakit ako nahihirapan ng ganito?" Nanghihina kong tanong.

"Sino ba naman ako para sumaya, hindi ba? Sino ba naman ako para makatakas sa perwisyong iniwan ni kuya, hindi ba?"

Sinabunutan ko ang sarili dahil sa sakit at inis.

Humiwalay ako sa tatay ko nang nandidiri sakanya.

"Umalis ka na, papa." Mahinahon kong saad ngunit umiling siya.

"Hindi ako aalis, anak. Dito lang ako. Makikinig si papa sa'yo." Mahinahon at puno ng kalungkutan nitong saad.

May tila kung anong nahugot sa akin at nag-init ang dugo ko.

"Makikinig?! Tangina? Sampung taon bago mo ako pakinggan? Sampung taon akong nagdusa! Hindi ako makausad, hindi ako makagalaw, wala akong proseso, at hanggang ngayon ay nahihirapan akong bumangon tapos ngayon pupunta ka rito para sabihing makikinig ka? Nagpapatawa ka ba?!"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Umalis ka na." Nagtitimpi kong sabi rito.

"Tinawag mo pa akong anak, ang pangit pakinggan. Dahil pagkatapos ng pagkamatay ni kuya ay hindi ka na nagpaka-ama sa akin. Itinapon mo ang relasyon natin. Hindi mo na ako anak, dahil hindi mo ako tinuring bilang isa. Huwag kang magpanggap at magmatigas na may anak ka pa. Huwag mong ipilit ang sarili mo! Isipin mo rin ang nararamdaman ko!" Sigaw ko rito.

Napatungo lang ito, kung kaya't tila natauhan ako.

Nagulat ako nang may sumampal sa akin at sumabunot.

"Ang kapal ng muka mo! Gago ka! Ikaw na ang pinapalamon, pinapa-aral, at binibihisan ikaw pa may ganang magalit at sigawan kami! Ang kapal ng muka mo! Wala kang utang na loob! Wala ka na ngang kwenta, ikaw na nga ang may kasalanan ng nangyari sa anak ko ay ikaw pa ang may ganang magtapang-tapangan at magalit sa amin! SAAN MO BA NAKUHA YANG KAKAPALAN NG MUKA MO, HA? Nakuha mo ba yan sa lalaking nakakasama mo?" Sunod-sunod na saad ng aking ina at walang tigil ang panghahampas sa akin.

Umiiyak na ito, kung kaya't inalo ito ng tatay ko.

"Pakiusap, ma at pa. Umalis na kayo. Hayaan ninyo na ako. Please, kahit ngayon lang. Pagod na ako. Umalis na po kayo." Mahinahong saad ko dahil sa sobra-sobra na ang narinig ko sa nanay ko.

"Hindi, gago ka! Hindi kita titigilan! Ang kapal ng muka mo! Wala kang kwenta! Sana hindi ka nalang namin naging anak! Puro pasakit at galit lang ang ibinibigay mo sa amin! Walang hiya ka!" Sigaw nito habang hinahatak na siya ni papa palabas ng kwarto ko.

Nang makalabas sila ay isinarado ko ang pinto at ngumiti nang mapait.

"So much for today, huh?" I weakly said while laughing before darkness dominated my whole system.

Until I see you again  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now