Chapter 14

881 31 2
                                    


It still feels like a dream. Back then when he ghosted me, akala ko ay tapos na 'yon, na kahit kailan ay hindi na muling magtatagpo ang landas naming dalawa. At mas lalo namang hindi ako umaasang magiging maayos pa muli kami.

Honestly, I really thought it would never happen. But then...

"Lalim ng isip ah," he laughed at agad naman akong napabaling sa direksyon niya.

It's been days since he told me about his feelings. It was awkward and I didn't know what to say dahil first time na may nagsabi sa akin ng nararamdaman. Akala ko ay noon lang niya ako gusto that's why when he told me na gusto pa rin niya ako ay hindi ko alam ang gagawin. I'm just thankful that he didn't laugh at me that time, pakiramdam ko kasi ay katawa-tawa ang expression ko.

"I'm already done," I smiled and showed him my sketchpad.

Ngumisi naman siya at itinaas din ang sketchpad niya. "Nauna ako."

What? Ako kaya?

I pouted. "Ako ang nauna."

Nandito kami ngayon sa tapat ng UST Main Building dahil naisipan niya biglang bumisita at chinallenge pa akong paunahan kaming iguhit 'yong building. Nagawa ko naman na dati kaya chill lang ako sa pagdraw at mabilis ko namang natapos, pero mukhang nauna nga siya.

"Oo na, nauna ka na. Hindi na ako makikipag-away." He chuckled and moved closer to me.

Naninibago pa rin ako sa kanya kahit na simula no'ng araw na 'yon ay lagi niya akong binibisita't inaabangan sa gate kapag wala siyang klase. Sabi naman ni Ria ay baka nanliligaw pero wala naman siyang sinasabi sa akin, so baka hindi naman.

Seriously, ayaw ko talagang mag-assume, ayaw ko rin kasing umasa.

"Don't worry, I am not expecting an answer."

Iyon lang naman ang sinabi niya. Ah, basta masaya ako ngayon sa kung anong meron kami. I don't feel alone anymore at pakiramdam ko, simula no'ng bumalik siya sa buhay ko ay nawala na ang emptiness na pilit kong pinupunan noon.

"You did it better though," pansin ko sa gawa niya. Hindi naman ako nagsisinungaling, kahit naman noon pa ay magaling talaga siya, at ngayon naman ay mas lalong gumaling.

Napatingin naman ako sa gawa ko, pwede naman na. I love sketching and all pero minsan pakiramdam ko ay may kulang. Masaya naman ako sa ginagawa ko pero ewan.

"Yours is great." Aniya at kinuha ang gawa ko para tingnan.

Hay, I don't want to spoil the mood kaya lumayo ako sa kanya ng bahagya dala-dala ang sketchpad ko.

"Stay still," I ordered him. Gusto ko kasi siyang i-sketch.

Bigla naman siyang parang hindi mapakali at hindi na halos makatingin sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Hey, try this position."

Lumapit ako sa kanya at sinubukang ayusin ang pose niya. I held his shoulders at bahagya siyang itinuwid.

"Uh," he looked away at doon ko lang napagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

I'm literally touching him pa. Gosh!

Agad akong napalayo. "Sorry!"

Nahihiya akong bumalik sa pwesto ko at sinubukang gumuhit na. Gosh, pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagguhit kahit na ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko. Pareho pa kaming tumahimik kaya ang awkward, mabuti nalang ay siya ang unang bumasag ng katahimikang iyon.

He chuckled. "Ang seryoso mo naman."

I cleared my throat before looking at him, na mas lalo ko lang yatang ikinakaba, gosh!

Ghost in the PresentWhere stories live. Discover now