Chapter 13

939 42 5
                                    


I think that was the closure I needed. Aizen and I parted peacefully that day with smiles on our faces. I immediately felt like a heavy burden was lifted from my heart, ang hirap din palang magdala ng sama ng loob.

But now, I am finally happy. Magaan na ang loob ko, I feel free.

Dad's already recovered at nakauwi na rin siya kung kaya't bumalik na rin sa dati ang lahat. I always see Ranielle's uncle visiting dad and I assume that they're talking about the case, ilang beses ding bumisita si Ranielle kung kaya't medyo nakakausap ko rin siya.

I just hope that justice will be served at managot na ang mga dapat na managot.

"May meeting tayo mamaya, ikaw na ulit isasama ko ah?" Bungad ni Ria isang araw.

No'ng mga nakalipas na meeting nila ay hindi niya ako sinasama dahil sa nangyari at ngayon niya lang ulit ako inanyayahan dahil okay na rin ang sitwasyon.

"Sige," pagsang-ayon ko saka bumalik sa ginagawa.

Hindi ko na tinuloy ang pagququit ko sa org dahil wala na rin naman akong dahilan. Aizen and I are already cool, hindi man kami friends katulad ng dati ay okay na kami.

Bandang alas singko ng hapon nang dumating kami sa usual meeting place namin, medyo nahuli kami dahil late na dinismiss sa last class. 'Yon tuloy medyo nagugutom ako dahil hindi kami nag merienda.

Napaiwas ako ng tingin no'ng magkatinginan kami ni Aizen. It was the first time we see each other after that day at medyo sariwa pa sa isip ko ang sinabi niya.

He liked me. Gusto kong ngumiti na ewan sa tuwing naaalala ko 'yon. But it's all in the past now kaya okay na, tapos na 'yon.

Umupo na ako sa tabi ni Ria at nagulat naman ako no'ng may naglapag ng strawberry milk at sandwich sa tapat ko.

Napaubo si Ria at natawa naman si Jensenn, ako naman ay hindi ko alam ang irereact ko lalo na't nakatingin na yata silang lahat sa amin.

"Uh..." I don't know what to say, really.

Aizen smiled. "Hindi ka pa nagmemerienda, diba?"

Ha? Paano niya nalaman? Ria cleared her throat kung kaya't napatingin ako sa kanya.

She told him? I mean...how...why....ewan!

"T-Thank you." I awkwardly said bago 'yon kinuha. Mas lalo naman akong nahiya no'ng marinig ang paimpit na tili ng isa sa mga nasa harapan namin.

What is this scene? Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa hiya.

He just smiled saka bumalik na sa ginagawa niya sa laptop. Dahan-dahan ko namang binuksan ang binigay niya dahil gutom na rin naman na talaga ako.

"Anong meron?" Napatigil ako dahil sa pagsiko ni Ria sa akin. Nakangisi naman siya no'ng bumaling ako sa kanya.

"Ha?"

"Ang sabi ko, anong meron? Sinabi ko lang naman sa kanya na on the way na tayo dahil late na nagdismiss pero bakit alam niya agad na gutom ka? Gosh, tiningnan ba niya sched mo na naka attach doon sa application form mo? Gosh. I need air!"

What? Oo nga, that's what I was thinking earlier. Nagtataka tuloy akong napatingin sa kanya.

My eyes widened when I realized something. Baka he's thinking na ngayong nagkita na kami ay kailangan niyang panindigan ang pagiging kaibigan niya sa akin?

I sighed. There's seriously no need for that. Ang importante ngayon ay nagkakilala na kami at pareho namang maayos ang kalagayan naming dalawa. Alam ko namang busy siya kaya hindi na dapat niya ginagawa 'to. We can't be instantly friends again, naiintindihan ko naman 'yon. Kaya there's no need to push that kung medyo awkward naman.

Ghost in the PresentWhere stories live. Discover now