Chapter 1

1.4K 44 25
                                    


Aizen. Kahit kailan ay hindi ko nakalimutan ang pangalang 'yon.

"Archi?" He asked while looking at me.

Hindi ako mapakali and my tongue seems tied kung kaya't hindi ako nakasagot agad, si Ria pa ang sumagot para sa akin.

"Oo. The one I told you last time, kaklase ko sa tatlong subject."

The Aizen guy nodded at saka itinuon na ang pansin sa hawak-hawak niyang notepad.

My heart's still beating so fast because of embarrassment pero pasimple ko siyang pinagmasdan. Like what I saw earlier, nakasuot siya ng blue t-shirt na may nakaprint na National U, nakasuot ng ID, nakasuot ng specs, clean cut hair, skin a bit darker than mine, nasa 5'11 or 6 ft. siguro 'yong height, and uh...gwapo.

"Gwapo, diba? Sabi ko na sayo. Maraming nagkakacrush d'yan. Tapos mabait din." Ani Ria at bigla naman akong nahiya. Nakita niya ba akong nakatingin?

"Running for summa cum laude 'yan." Ngumisi pa siya no'ng mapatingin sa amin 'yong tinutukoy niya, ako naman ay agad nag-iwas ng tingin at bumuntong-hinga.

Kalma, Amil. Hindi lang iisa ang Aizen sa mundo, at ang Aizen na kilala mo taga-probinsya 'yon. At malay mo, niloloko ka lang naman nun, baka hindi naman pala Aizen ang tunay na pangalan.

I sighed and massaged my temple a bit bago bumaling sa unahan.

Kahit na maraming tanong sa isip ko ay sinubukan kong magconcentrate sa meeting dahil kailangan. It's my first assignment afterall at ayaw kong sirain ang tiwala ni Ria sa akin. I don't want to fail.

They discussed the big event that they'll implement which is a 3-day seminar and workshop, open to all students taking engineering, architecture, and other art-related courses.

I made sure to take note of all the important details as well as the people in-charge. Habang nagsusulat ay hindi ko naman maiwasang mapansin na ang seryoso ng president at halatang gusto niya na maayos ang lahat. Totoo nga siguro ang sinabi ni Ria na responsable at sobrang hands on siya kapag may projects or events.

While looking at him ay biglang pumasok sa isip ko ang Aizen na kilala ko. He's good at drawing, mahilig din magpaint, knows how to play a guitar, music lover, kpop fan, and achiever. Kaya nga kami nagkasundo nun because we both love music and arts, pero arts talaga ang madalas naming pag-usapan.

"Did you take note of that?" Ria suddenly asked at agad naman akong tumango.

After an hour and half ay nakahinga ako ng maluwag dahil meeting adjourned na. I looked around and noticed na bigla silang naging maingay.

"They're friends, same school kasi...kaya medyo noisy, diba?" Ria said habang nakatingin doon sa mga nakauniporme ng puting polo.

"Ah gano'n..." Tumango ako. Nagpaalam naman si Ria na makikipag-usap muna sa kanila kaya naiwan muna ako sa upuan.

Bigla namang nanginig ang kamay ko nang mapagtanto na kami nalang dalawa ng president ang natira sa long table dahil umalis na ang iba. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtatype ng notes sa ipad ko.

Habang nagtatype ay bigla akong napaangat ng tingin dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Tama nga ako because I saw him looking at me.

"Welcome to the org again. Hope you stay with us until next sem." Medyo seryoso niyang sabi saka nagpakawala ng maliit na ngiti.

Parang bigla nanamang nagkadabuhol-buhol ang dila ko.

"Uh...salamat," 'yon lang ang mabilis kong nasabi bago muling iniharap ang mukha ko sa ipad.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon