Section 2: Pahinga

37 2 0
                                        




Rest is essential in life. May iba't ibang uri ng pahinga, mayroong tahimik at payapa, mayroon namang maingay at marangya. Pero karamihan, hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag pahinga.

Maraming beses sa punto ng buhay kong makasaksi ng mga taong napapagod, sumusuko, at hindi na muling bumabangon. Marami rin namang nagpapatuloy. Samantalang ako, nasa isang tabi lamang, nakikinig sa ingay ng paligid at pinagmamasdan ang bawat isa na nagpapatuloy sa kanya-kanyang buhay.

With that, I am at peace. Maswerte ako dahil madaling mapawi ang pagod ko sa simpleng pagtatanong niya sa akin ng "kumusta?" at "mahal kita". Dahil kung iisipin ko, sa mahabang araw at nakakapagod na magdamag, bandang-huli, may pahinga ako.

"Pahinga muna tayo."

Kaya siguro noong nagbitaw siya ng mga katagang iyon, natigilan ako at naramdaman lahat ng pagod sa isang iglap. Because I never thought that even once, I am his burden or misery. Kung siya ang pahinga ko, ako nama'y isa sa mga rason ng pagod niya.

"Okay," sabi ko.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit?"

Lumingon ako sa kanya at walang bakas nang hinanakit. "Pagod ka. Pagod ka kaya kailangan mong magpahinga."

Bakit ba nagpapahinga ang tao? Dahil sa pagod, 'di ba?

I have no tear drops. But I am breathing hardly. Masakit sa dibdib, masikip, mabigat. May mga tinig na gustong kumawala, siguro'y palahaw ng iyak na ayaw ilabas.

He gave me a concerned look and I almost forget the sincerity in it because I cared about me the most.

"Babalik ako. Ganoon ang pahinga ko, Elithia."

Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya. "Take your time."

Sa pagpihit namin patalikod sa isa't isa. May ilang bagay lang akong napagtanto; may mga pagod pala talagang hindi kayang daanin sa pahinga, may mga bara sa dibdib na hindi kayang idaan sa isang pag hinga, kahit malalim pa. May mga sugat na matagal na nga maghilom, hindi pa nabubura dahil permanenteng nakatatak na.

Sa puntong ito na nawala sa akin ang pahinga ko, nabatid kong nakakapagod nga talaga ang mundo. Nakakapagod gumising kada araw at mag-isip.

"Wala ka bang ibang alam gawin kundi ang tumunganga tuwing umaga at maghintay sa oras?" My friend exclaimed with angst, she put the cup of coffee at the side table.

"Gabi na ang shift ko, Leil. Hindi pa gising ang diwa ko."

Umismid siya at umupo sa aking tapat. Kinuha ko ang isang kopita at maingat na hinipan muna bago ininom ang mainit kape.

"Bakit hindi ka na hinahatid at sundo ni Xylo?" usyoso niya.

"Hindi ko naman siya service," nasabi ko na lang.

Binato niya ako ng isang kurot ng tinapay. Humalakhak siya at nang-iinis na tinignan akong muli.

"All around man mo nga iyon, e. Naninibago lang ako nitong mga nakaraan at wala nang bumubusina sa ibaba natin." Sambit niya bago marahang uminom ng kape.

"Wala na kami."

"Tangina?" gulat na gulat nitong usal matapos lumagok. Nauubo pa siyang tumayo at padarag na kumuha ng tubig. "Ang aga-aga mong topakin, Eia! C'mon, you can't lose him, alam ko 'yan."

"I just did," nakangisi ngunit may pait kong tugon sa mayabang nitong sinabi.

Weeks after Xy and I decided to take a break, I never cry even once. Even there where so many nights I was alone, I remained fixed. Hindi ko ininda iyon physically, pero para akong nililiyaban nang paulit-ulit sa aking loob.

Untold but UnderstoodHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora