PART III

124 5 1
                                    

MRS. SORIANO

Sa Japan namin isinelabrate ni Christian ang ika-pitong taon ng aming pag-iibigan. Isiningit lang namin ito kahit pa patong-patong ang aming schedule.

Seven years na rin pala iyon, ano. Pero bago pa ako pumayag na maging kami, matagal na akong may pagtingin sa kanya. Natatanaw ko lang siya noon. Ina-admire sa malayo. At gwapong-gwapo sa kanya. Ngayon, siya na ang sumasalubong sa umaga ko.

Ngunit matapos din ang isang linggo na bakasyon naming dalawa na iyon, naging abala na naman kami sa kani-kanyang mga gawain. Lumipad si Christian kasama ang Papa Clarence sa isang business expo sa Dubai. Isang linggo din sila doon. Kaya bago siya umalis talaga namang pinagbigyan ko siya. Ibinigay ko ang best performance ng buhay ko.

"Anak," I called Cassian to his room. I knocked softly as I opened his door. "Cassian, my love, dinner is ready na."

Abala ito sa paglalaro sa kanyang iPad habang kampanteng naka-upo sa ibabaw ng kanyang higaan at nakasandal sa pader.

"Susunod na po ako, mommy."

Tumango naman ako kahit sinilip lang ako nito at bumalik sa kanyang paglalaro. May bata na nga talaga ako. I remember having Cassian after Christian and I got married, our hearts are filled with joy. Katulad ng kanyang Kuya Seve, pareho silang hinulma sa mukha ni Christian. Dati sa tuwing nangungulit ako ay nagpapadala siya. Ngayon, kung minsan ay nagkukulong lang ito sa kwarto at bumubuo ng sariling mundo. Gano'n na nga yata siguro ang mga bagets ngayon.

Madaling araw nang ma-alimpungatan ako sa pagtulog. Humarap ako sa side ni Christian at yayakap sana sa kanya. Ngunit kama ang dinampian ng aking mga braso. Napadilat ako para tignan ito. Wala siya sa kanyang higaan. Nakalatag ang parte niya ng comforter pero nakatiklop sa itaas na bahagi.

Natulog ako na wala si Christian sa tabi ko. Nagtext siya kagabi na mag-o-overtime sila sa opisina. Ngayon, alas dos na ng madaling araw, at wala ito sa aming higaan. Bahagya akong bumangon para tignan ang aming silid. Wala ito doon. Bumangon ako at marahan na lumabas ng kwarto. Lumakad sa pasilyo patungo sa aming opisina. Sinilip ko ito ngunit wala siya.

Sa aking pagliko patungong salas, naroon siya. Nakabukas ang glass door patungo sa balkonahe. Nakatunghod sa grills habang may kausap sa cellphone. Napakunot naman ako ng noo. Sino naman itong kausap niya ng ganitong oras? Trabaho pa rin?

Lumakad ako bahagya papalabas ngunit ibinaba na niya ang tawag. Nang humarap siya pabalik na sana sa loob ay nagulat sa hindi inaasahan 'kong paglabas.

"Hindi makatulog?" Lumagpas ako sa kanya at ako naman ang tumunghod sa grill ng balkonahe.

"Hmm..." Dinig ko sa aking likod. Naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa akin mula sa likod. Nagstay lang kami na gano'n ang posisyon ng ilang minuto. His chin resting over my shoulder as we look at the quiet and dark view from ours. Umiihip ang malakas na hangin sa amin na dumagdag pa sa feels.

"Love,"

"Hmm?"

"You think magtatagal tayo hanggang sa pagtanda natin?" I asked him out-of-nowhere.

Hindi siya gumalaw. "Why'd you ask that?"

"It just crossed my mind."

Mas naramdaman ko pa ang pagkakahigpit ng kanyang yakap.

"Kahit hanggang after life pa, asawa ko," Marahan niya akong iniharap sa kanya. "Tayong dalawa pa rin para sa isa't isa."

* * *

"Through this, mas magiging interactive ang competition for the fans."

Natapos ang aming meeting sa opisina para sa nalalapit naming pagtanggap ng applications para sa Miss Universal Queen Philippines. Madami na din kaming naririnig na mga magbabalik at mga baguhan. At kapag nakikita namin ang mga profile, nako, sure akong mahihirapan ang magiging judges para edisyon na paparating.

Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)Where stories live. Discover now