PART I

214 11 12
                                    

MRS. SORIANO

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang bagay na ito, bumabalik sa akin ang lahat.

Sa pagkislap nito tuwing natatamaan ng ilaw, tila kumikindat ito na para bang hinihikayat niya akong haplusin siya.

Sa huli, kinuha ko ito mula sa estanteng kinatatayuan niya. Ang aking korona.

Ilang korona na rin ang aking napalanunan. Mga titulong minsan ko na ding na-angkin dahil sa pagkapanalo sa mga patimpalak na sinalihan. Pero wala nang mas hihigit pa sa titulo na noon pa'y pinangarap ko matapos makamit ang tagumpay,

"Misis ko?"

Napangiti ako't lumingon sa pintuan. Ang asawa kong si Christian. Tumanda lang ng ilang taon pero hindi halata. Mas lalong gumwapo. Mas lalo akong na-inlove.

Ibinalik ko sa kanyang kinapapatungan ang aking korona. "Anything you want me to do, mister ko?"

Pumasok ito sa loob ng aking opisina at isinara niya ang pintuan sa likuran. At nang marinig kong ni-lock niya ito, nakadama na ako.

"Love," May bahid ng babala kong sambit nang magtagpo kami. "Papasok ka na. Magugusot itong suot mo. Pinlantsa ko nang maigi kagabi 'yan."

Pilyo itong ngumiti at marahan akong pinudpod ng halik sa mukha. Pinipigilan ko siya pero ako rin mismo ang sumusuko. Inilalapit niya pa ako sa kanyang katawan. Naglibot ang kanyang mga palad sa ibang bahagi ng aking katawan. Ramdam ko ang kanyang mainit na palad sa pagitan ng akin at ng roba na gawa sa sutla. Inakap niya ako nang magtagpo ang aming mga labi. Marahan at banayad ang kanyang mga halik.

"Sige, sige na, love," Kumalas na ako sa pagkakahalik niya. "Male-late ka na sa opisina."

Nakita ko namang nabitin ito't ngumuso. "Isa lang, love."

Tinulak ko na siya palabas ng maliit na kwartong ito. "We have a busy day ahead, love. Next time na lang, okey?" Kalmado ko pa ding sabi sa kanya.

Bago pa siya lumabas ng tuluyan, pumaling ito paharap sa akin.

"Mahal na mahal kita, misis ko."

Matamis ko ding ibinalik ang mga ngiting iyon sa kanya.

"Walang duda. Mas mahal kita, mister ko."

* * *

Hinawi ko ang makakapal na kurtina na tumatakip sa malalaking bintana ng aming tinutuluyang penthouse. Tumagos ang liwanag mula sa pagitan na aking ginawa. Tumama ito direkta pahalang sa aming higaan kung saan mahimbing pang natutulog ang asawa 'kong gigising na din kapag nainitan na sa araw.

Maingat akong lumabas ng kwarto. Itinali ang roba sa aking katawan. Naroon na sa aming kusina si Ate Melba.

"Good morning," Bati ko dito at nagtulong na kami na maghain ng almusal.

"Pakihanda na lang ho 'yung baon ni Cassian." Suyo ko sa kanya. "Ako na ho ang tatapos ng almusal natin."

Si Ate Melba ang naging kasama namin sa bahay. Sabay silang dumating ni Aimee na yaya ng aming si Cassian. Pareho silang nirekomenda ni Nanay Pats dahil sila ay kanyang mga kababayan. Hay, namiss ko bigla ang Nanay Pats. Parang dati lang ay magkasama kaming nagsisilbi sa aming mga amo, ngayon, naroon na siya sa kanilang probinsya't ini-enjoy na ang buhay bilang retirado.

Ang dami na ring nagbago sa buhay ko nitong mga nagdaang taon.

'Yung mga pinakamatatalik 'kong kaibigan na sila Erika, Micah, at Roxanne ay successful na sa kani-kanilang mga tinahak na career. Masasaya na din ang mga puso dahil nakahanap na rin ng love life! Pati na itong best friend 'kong si Rodson na minsan na ding nagtapat ng kanyang pag-ibig sa akin ay masaya na sa kanyang dalawang anak. Buhay mister na rin siya.

Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)Where stories live. Discover now