Entry 15

545 13 1
                                    

Entry 15

December 6, 2015

Dear Diary,

Ang di ko inaasahan ay dumating na.

Nasabi ko ang hindi ko dapat sabihin.

Nailabas ko ang nararamdaman ko na bawal pang ilabas.

Hindi ko sinasadya.

Nasabi ko kay Zac na mahal ko siya.

Diary, hindi ko talaga alam kung bakit ko sinabi iyon. Iniingatan kong huwag sabihin iyon sa kanya pero sa sobrang pag-iingat ko ata ay nasabi ko ang mga katagang iyon.

Bumisita si Zac kanina. Tumabi siya sa akin at umiwas ako. Doon na siya nagtaka.

"Bakit mo ako iniiwasan nitong mga nagdaang araw?" naalala kong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya hindi ako nakasagot kaagad sa katanungan niya. Dahilan iyon upang mas lalo pa siyang magtaka.

Ikinagulat ko ang sumunod niyang tanong, "Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong masama?"

Nang dahil doon ay nagsalitang muli ang bibig ko, "Hi-Hindi. Hindi ako galit sa iyo"

Mas lalo kong ikinagulat ang sumunod niyang ginawa. Mas lalo siyang lumapit sa akin at tumitig sa aking mga mata. Dahilan iyon para mas lalo akong mamula at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi lang iyon, rinig na rinig ko pa ang bawat pintig ng aking puso. Malakas ito. Sobrang lakas.

"Miracle, hindi kita maintindihan. Bakit ka nagkakaganyan? May problema ba?"

Parang sasabog na ata ang puso ko. Ang lapit niya sa akin tsaka ang mga sinasabi niya pa ay mas lalong nagpapakaba sa pakiramdam ko.

Naramdaman ko pa nga na itinaas niya ang aking baba at mas lalo akong tinitigan, "Tumingin ka sa mga mata ko Miracle"

Pero ang mga mata ko, pawa talagang ayaw tumingin sa kanya. Pakiramdam ko nga ay binubulungan ng puso ko ang mga mata ko.

"Miracle..." isa pang tawag niya sa akin.

Mas lalo lang na tumibok ang puso ko. Pabilis nang pabilis. Di ko namamalayang tumutulo na ang aking pawis na nanggagaling sa kaba. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya nang diretso. Pero naisip kong baka malaman niya kung bakit ako nagkakaganito kung hindi ko susundin ang sinabi niya kaya naman tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.

Seryoso siya. Ako, hindi ko na talaga alam. Ang utak ko ay nasasaliwan na ng aking puso. Pakiramdam ko na kami lang ang tao sa mundo nang makatingin ang mga mata ko sa kanya.

"Miracle, pwede mo na bang sabihin sa akin ngayon ang problema?"

Ang mga tingin niya. Ang nag-aalala niyang mga salita. Ang kanyang ngiti na nakapagpapatunaw ng iba. Ang lahat nang iyon Diary, sa mga panahong iyon ay hinding-hindi ko malilimutan kailanman.

At doon na nga. Sa kawalan ng sarili ko ay nasabi ko ang mga katagang hindi inaasahan.

"Ma-Mahal kita Zac"

Saka ko lang naalam ang mga sinabi ko nang makita ko ang reaksyon niya.

Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang ekspresyon sa mukha niya. Pagkagulat? Pagtataka?

Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos noon. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Pareho kaming natahimik.

Akala ko ay habambuhay na kami ganoon. Naputol ang katahimikan namin nang magsalita siya.

Pero hindi ko inasahan ang sinabi niya.

"La-Lalabas lang ako"

Hindi na rin siya nakabalik. Naiintindihan ko naman. Masyado ata siyang nabigla sa sinabi ko. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko siya haharapin pag nagkita ulit kami. O baka hindi na ulit kami magkita.

Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon Diary. Pero ang hindi ko malimutan ay ang reaksyon niya pagkatapos ko sabihin ang nararamdaman ko. Namumula siya at hindi makatingin sa akin.

Ayoko hilingin na magkita ulit kami. Ayoko rin hilingin na hindi rin kami magkita. Alam mo yung pakiramdam na gusto mong makita ang mukha ng mahal mo at maipaliwanag agad ang nangyari sa kanya pero hindi mo alam kung paano ka haharap sa kanya, Diary? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Ano na lang ang mangyayari kinabukasan? Ano ang kailangan kong gawin?

Sasabihin ko ba sa kanya ang tunay kong nararamdaman o hindi? Mabuti kung sasabihin ko pero masama din ito.

Diary, huwag na sanang magbukas. Hindi ko pa alam ang gagawin ko tsaka pag nagbukas na kaagad, mababawasan ang mga araw nang pananatili ko sa mundong ito.

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon