Entry 3

1.1K 18 2
                                    

Entry 3

Ocrober 29, 2013

Dear Diary,

Dalawang araw ko nang hindi nakikita si Davis pagkatapos ng nangyari. Di ko na rin siya matawagan. Ni hindi niya rin ako binibisita. Siguro ay sobra siyang nasaktan sa nangyari pero sa ikabubuti niya rin naman ito. Sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya at makakasama niya habambuhay.

Pinipilit ko na siyang kalimutan Diary pero di ko magawa. Siguro, magsisilbi na lang siyang isang magandang ala-ala para sa akin at inspirasyon para magpatuloy sa buhay ko.

Si Jen at Ogie nga pala, nagkatuluyan na. Masayang-masaya ako para sa dalawa. Alam ko na noon pa na sila ang itinadhana ng kapalaran.

Hanggang dito na lang muna, andito na pala ang doktor na mag-oobserba sa akin.

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon