"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Dette habang hinahanda nya yung baunan nya ng pagkain dahil sa may rooftop namin napagplanuhan na kumain.

Imbis na sagutin sya ay niyaya ko na sila na magpunta doon.

"Next month may gaganapin na anniversary ng isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas..." kwento ng manager namin. Lahat kami nakatingin sa kanya habang kumakain kami. Mukhang bigatin kase ang tagal ng preparation kung ngayon palang ay iniinform na kami.

"Dito napili ng mga Santillan na i-celebrate iyon. At ipapakilala na yung bagong succesors nila..." dugtong ni Ma'am. Doon ko naalala yung babae sa office ni Roi kanina. Si Sam. At yung lipstick stain sa gilid ng labi nung hudas.

"Makikita natin ulit si Sir Jaune at Ma'am Red." kinikilig na turan ni Dette.

Sila Roi at Sam talaga ang bagay. Pareho silang galing sa marangyang pamilya.

Mayamaya ay natigilan kami ng biglang bumukas yung sa may pintuan at humahangos na Roi ang lumabas doon at may bitbit na pagkain. Mga nataranta itong mga kasama ko kaya pasimpleng irap yung binato ko kay Roi. Ang lakas manakot.

"Just relax. Be yourself. Kasama nyo kong mananghalian." saad nya at binaba sa gitna namin yung mga pagkain. Parang ilang segundo nawala sa mga mata ko yung sungay nya ng sabihin nya na para sa lahat yung dala nya. Yun lang nagkasungay sya ulit ng tumabi sya ng upo sakin at pasimple nyang binulong na...

"You are suspended..."

Sobra pagkakalingon ko sa kanya at seryoso sya.

Nakangisi sya at lumingon sa manager namin.

"Francine, pakibigyan ng booklet ng code and conduct itong si Daph..... 7 working days syang suspended at kapag narinig kong umangal sya ngayon it going to be 15days...." anunsyo nya.

Letche!!!!!

....

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay nung makauwi kami galing trabaho ay binato ko sa kanya yung bag ko.

"Napakasama mo!" sigaw ko.

Ang hayop natatawa pa.

"What?" kiber na tanong nya at nagawa pang maupo sa sofa dito sa salas at kalmadong binaba yung bag ko sa gilid nya.

Napailing na lang ako at naglakad na lang papasok ng kwarto ko. Napakanonsense mag rant sa kanya dahil hindi sya nakikinig

Sa sobrang buwisit ng nararamdaman ko kay Roi. Nakaidlip ako at pagtingin ko sa orasan sa dingding ng kwarto ko ay pasado alas syete na ng gabi. Bumangon ako at nagpalit ng damit pangbahay. Magluluto pa ako ng hapunan. Napataas ang kilay ko ng makita ko si Roi na magluluto na sa kusina at parang may kausap sya sa phone.

"Yes... That's exactly what I want....And I don't care what her father--- I dont care about his opinion or what so ever.... That month is for Santillan." Seryosong saad nito sa kausap. "Kapag nasapok sya ni Kaia ewan lang...."

Pagpihit nya ay napangiti sya sakin at walang paapaalam na pinutol nya yung tawag.

Naupo ako sa may harap ng hapagkainan ng senyasan nya ako na maupo na. Napadako ang paningin ko sa masarap na pagkain na hinain nya.

"Galit ka pa?" parang natigilan yung puso ko ng tanungin nya ko ng ganyan... Para kaseng may bakas ng lambing at panunuyo iyon.

"Sino bang hindi?" naiinis ako sa sarili ko kase nawawala yung inis ko kapag ganito 'tong sira ulo na 'to.

Kapag talaga yung gago eh parang naglalambing ewan bakit nakakawala ng inis.

"May pambawi ako..." saad nya at doon napaangat yung tingin ko sa kanya. Para akong nawala sa sarili ng pagmasdan ko sya habang may tangan syang dalawang plane ticket at cool na nakatingin sa akin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora