MAKE ME CRY 4

30.7K 758 57
                                    

MAKE ME CRY 4

 

 

SKYLER’S POV

Ahhh! The best talaga ang home made meals. Sigurado pa akong walang maglalason sa’kin. Sa bait kong ‘to? For sure eh maraming magooffer sa’kin ng pagkain na may mga nakakalalasong kung anu-ano.

“Pwede bang makishare?” Isang maliit na boses ang narinig ko. Hindi kaya inieengkanto na ako? Baka duwende yun. Joke lang naman yung sumpa thing kanina. Tsk! Baka kasi may ibig sabihin yung words na sinabi ko. Imbento lang naman yun. Naku naman, wag naman sana. “Uupo na ako ha.” At sumulpot ang babaeng makulit. Si Invisible girl.

“Pwede ba nauna ako sa’yo dito kaya pwede umalis ka na lang?” Utos ko sa kanya.

“Pero kasi naman, ikaw lang yung kumakausap sa’kin.” At nagpout pa ang loka. Sabunutan ko ‘to eh. Konting bagay lang iiyak na agad. “Gusto ko lang namang makipagkaibigan.”

“Just a piece of advice ha. Wag kang makikipag kaibigan. Kasi your best enemies are your friends.” Kumunot ang noo nya. Naku, slow pa nga ang bruha. “Ganito kasi yan, kalimitan kung sino pa yung tunay mong kaibigan sya pa yung tunay mong kaaway.”

“Totoo ba yun? Kaya ba wala kang kaibigan? Eh di mag-isa ka lang sa mundo? Nakakaawa ka naman pala.” At humikbi pa sya. “Ako lang pala ang magiging nagiisa mong kaibigan.” Papayakap sya sa’kin pero itinulak ko sya.

“Hoy marami akong kaibigan no! Hindi ako nakakaawa.” I rolled my eyes. “Mukha lang akong walang kaibigan. Ayoko lang kasing magtiwala. Mga kaibigan kasi yan ang mga unang inggitera sa mundo. Kung gusto mong magkaron ng kaibigan dapat lalaki, yung ka gagayahin sa fashion style mo, sa hair and make up at sa mga posts mo sa instagram and facebook.” Naaalala ko lang dati yung high school bestfriends ko. My gosh, pinangalandakan na na maganda daw sya. Yung buhay sariling upuan ang peg. Hindi na inintay na purihin ng iba. Kapag pinuri naman feel na feel di nya alam naka-cross finger ang nagsabi nun.

“Panget ba ang past experiences mo about friendship?” tanong nya.

Tsismosa rin ‘tong babaeng ‘to eh. “Hindi naman. Pero kasi may mga kaibigan ako nung high school na inggitera. Kapag nagpost ako sa instagram na kita ang legs, aba gagaya na sila akala mo naman flawless. Magpopost ako ng nakasleeveless, aba mamaya magpapalike na ng pictures na nakapost din ang pictures nila. Akala mo naman ang puti ng kili-kili. Di na nahiya. At ang pinakworst, alam na nga nilang super crush ko yung lalaki anong ginawa? Kunyari ilalakad ako pero anong totoo? Inilakad yung sarili. Buhat silya na nga lakad sarili pa. Buwis buhay. Mga nakakaawang nilalang.” After kong magkwento nakita kong naiyak na si invisible girl. “O bakit ka naiyak?”

“Kasi may similarities pala tayo. Kaya lang yung sa’kin crush din ako ng crush ko pero nasulot nga lang. Ang sakit no? Maghapon akong umiyak nun. Ikaw ba?” Sabunutan ko ‘tong babaeng ‘to eh. Pangalandakan pa sa’kin na nagkagusto sa kanya ang crush nya at sa’kin hindi? Naku kapag hindi ka nga naman nakatiris ng kutong lupa.

“Siguro umiyak ako nun – sa panaginip. Alam mo wag mo ng aksayahin ang laway ko ha. Magrereview pa ako. Kung gusto mo ng kaibigan ang tip ko sa’yo kaibiganin mo yung kaaway mo. Kasi kung yung best friends mo ang best enemies mo, possible din na yung best enemies mo ang maging best friends mo. Di ko pa nasusubukan. Conjecture ko lang.” Then I smiled. Naisip ko kasi kung tama yun baka ang dami ko ng friends ngayon. Sa dami ba naman ng kaaway ko. Eh ano naman? Wala naman akong kinakatakutan sa mundo. Gagawin ko na ang lahat habang nabubuhay pa ako. Kesa pagsisihan ko kapag nasa kabilang buhay na ko.

*******************************

GREG’S POV

“Dude nakita mo yun? Sinupalpal ni witchy girl si The Queen mo. Di ba syota mo na yan?” tanong ni Scott.

Make Me Cry! Don't Dare To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon