MAKE ME CRY 1

41.3K 995 238
                                    

MAKE ME CRY 1

 

 

SKYLER’S POV

 

 

Ang sarap pala ng pakiramdam sa college. Paano mas maraming maaarte kaysa sa high school. Feeling nila ikinaganda na nila ang legal na pagme-make up dahil lang nakawala na sila sa high school. Maganda rin sa school na ‘to kasi freestyle. Maraming baduy pumorma. Akala naman nila bagay sa kanila ang mga pauso nilang style?

Maaga akong dumating sa classroom. Ang mga students friendly kuno, sa bandang huli sila-sila rin ang magkakaaway. Tanungan kung anong brand ng gamit, sa ukay-ukay lang naman nabili. Pati ba naman brand ng panty at bra tinatanong pa. Bakit papasok ba sila ng yun lang ang suot? Tss! Mga babae nga naman.

Sa likod ako naupo kapag ganito. Para mabantayan ko kung sino ang may masamang intensyon sa’kin. Kita ko rin kung sinong mga nagpaplastikan, naglalandian at kung anu-ano pa.

“Good morning. May nakaupo ba sa tabi mo?” Sabi ng isang student.

Tiningnan ko sya then tiningnan ko ang upuan ko. “May nakikita ka ba? Kung meron, congratulations. Biniyayaan ka ng third eye. Anong itsura?”

“Ha? Wala – wala naman akong nakikita.” Nauutal nyang sabi.

“O eh bakit mo pa ako tinatanong kung may nakaupo? Akala ko pa mandin nakikita mo na si Junjun.” Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. “Palagi sya kasing nakasunod sa’kin kahit saan. Yun ang multo ng bata kong kapatid. Hindi nya kasi ako mapatawad sa ginawa ko sa kanya. Sayang naman hindi mo sya nakikita. Gusto ko pa sanang magkwentuhan tayong tatlo. Sige na, maupo  ka na. Okay lang daw na magshare kayo.”

“Si – sige. Dun na lang ako sa – sa kabila.” Mabilis syang naglakad palayo at muntik pang madapa dahil tinalapid ng mga lalaking feeling siga. Ang mga lalaking pumapasok para lang mangolekta ng babae, manghingi ng baon at magimbento ng project para makihingi ng malaking pera sa parents nila. In short, pasok-papera. Kawawang mga bata, sa bahay talaga nagmumula ang corruption.

“Good morning class. Take your seats.” Ang nakakaantok na simula ng klase. Ang walang sawang introduce yourself. Blah blah blah. Paimpress dito paimpress dun. Nakakaantok. “Okay next, girl at the back. Lady in black with eyeglasses, it’s your turn.”

Ako na pala, nakaidlip na kasi ako sa tagal. Tumayo ako at tumingin sa lahat. “I’m Skyler Wamego. You’re not friendly neighbor. What you see is what you get. I don’t cry, so if you think you have the guts, come on make me cry! Thank you.”

Napatingin lahat sila sa’kin. “Oh my gosh! She’s Skyler Wamego? The one from McMuffin.”

Make Me Cry! Don't Dare To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon