DON'T DARE TO FALL 2

28.8K 801 74
                                    

DON’T DARE TO FALL 2

 

 

GREG’S POV

 

 

“One hundred seventy four girls bro! Buong high school. I’ll double that ngayong college.” Hindi naman sa pagmamayabang or sa pagbibilang pero ganyan talaga ang buhay. Ang iyak ng mga babae ay parang musika sa aking pandinig. “Today, it’ll be one hundred and severty five.”

“Grabe ka bro! Wala kang awa. Ako ang naaawa sa mga babaeng pinaiiyak mo. Kapag ikaw nakahanap ng katapat ewan ko na sa’yo.” Laging ganyan ang sinasabi nitong kaibigan kong si Scott. Palibhasa sya kung maggirlfriend eh matagalan talaga at ang ending sya pa ang umiiyak.

“Bro naman, bago palang magsimula ang lahat sinasabi ko na sa kanila na wag na wag nilang subukang mahulog sa mga matatamis kong salita. Hindi ko naman sinabing umiyak sila. I’m just irresistible!” Papogi gestures pa ako. “Kung makakahanap ako ng katapat eh di good! But I’ll make her cry harder than the others. Girls are meant to cry bro! Hindi tayong mga lalaki kaya ikaw tigilan mo na ang pag-iyak sa mga nagiging girlfriend mo! Ang baduy!”

“Hoy bro ang kapal mo ha. Ako mahal ko talaga ang mga nagiging girlfriends ko at hindi ko sila pinapaiyak. Ibahin mo nga ako! Kapag ikaw lang talaga eh nakarma magpapaparty talaga ako. Ipapatawag ko lahat ng 174 girls na yan para magcelebrate!” Sabay batok ng lokong ‘to sa’kin.

“Siraulo ka talaga. I’m just enjoying my life while I’m young. Ito lang ang reason kung bakit ako pumapasok sa school. Kung hindi ko ‘to gagawin ano pang purpose ng pagpasok ko? Tsk! Bilisan na lang natin at hindi na ako makapaghintay makita ang mga bago nating classmates.” Umakbay ako sa kanya at pailing-iling lang sya. “Suportahan mo na lang ako. Magkaibigan tayo.”

“Greg! Greg baby!!” Uh oh! Ito na ang si 175th.

“Hey Fluffy baby!” And the show begins.

“Please tell me you’re not serious. That we’re still together. That you still love me.” Hinawakann nya ako sa kamay. Oh my precious hand. “Greg, I know – I know we love each other. Don’t do this to me.”

“Fluffy – ” Hinawakan ko rin ang kamay nya, “ – I was in love with you. Believe me I did love you. But there are things that I couldn’t explain.” Hinawakan ko pa ang pisngi nya. “I have priorities in life. I am sorry but we’re over.” I smiled at her.

“Nooooooooo!!! I trusted you with all my heart and soul! I gave you everything and here’s what I deserve? I can forgive you, but not now. But I hope we can still be friends.” Ang mga linya nila halos pare-pareho lang. Sila na nga ang iniwan sila pa ang nakikipagkaibigan. Ang reason? Umaasa kasi silang meron pang balikan. Kaya lang sa 175 na girls na pinaiyak ko, kahit isa wala naman akong binalikan.

Make Me Cry! Don't Dare To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon