“P-Payag na ako,”

NAGMADALI ako sa pagpunta sa hospital pag-alis ni Jairus. Kaagad kong ibinigay sa doktor ang cheke at ilang minuto na lang ay ooperahan na si Yrich— matatanggal na ang tumor niya sa utak.

“Saan nila ako dadalhin Kuya,” takot na tanong ni Yrich nang nagising siya habang hila-hila ng mga nurse. Maiiyak na sana siya nang pinatahan ko siya at sinabing magiging okay na ang lahat.

“Sir hanggang dito na lang po kayo,” Hinarang ako ng isa sa mga nurse. Umupo na lang ako sa waiting area at pinanood ang oras sa pagtakbo. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang naghihintay. Sakto namang lumabas ang doktor ni Yrich kay nilapitan ko ito.

“Kamusta po ang kapatid ko?”

“Ayos na ang kapatid mo, maya-maya ay ililipat na namin ulit siya sa kwarto niya,” sagot nang doktor bago tuluyang umalis. Sumilip ako sa kwarto kung saan dinala si Yrich at nakita ko siyang may bandage sa ulo at wala pa ring malay.

“Baka pwede na naming makuha ang pera?” Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. Bigla akong nilukob ng kaba nang makita ang mga sugarol na ninakawan ko. Lumapit sila sa akin saka ako hinawakan nang isa sa balikat. “Nagbibiro lang,” nagtawanan sila na para bang may nakakatuwa, pero hindi ko naman maintindihan.

“Brix nga pala,” saad ng lalaking nakahawak sa balikat ko. Siya ata ang lider nila. “At tungkol doon sa pera, ayos na yon,”

“A-Ayos na yong pera?,” Tumango siya.

“Kamusta naman siya?” Dumako ang mata niya sa kwarto kung nasaan ngayon si Yrich.

“A-Ayos na raw s-siya,”

“Relax, wala naman kaming gagawin sa 'yo.” Umupo sila sa bakanteng upuan. “Alam mo bang si Yrich ang dahilan bat hindi na namin kukunin ang pera?”

Umupo na rin ako at humarap sa kanila. “Si Yrich? Pano?”

“Palihim kaming nagpupunta dito nang hindi mo alam, para kunin ang loob niya para kapag hindi ka nagbayad ay agad namin siyang papatayin...” nanlaki ang mata ko. Bakit walang nasasabi sa akin si Yrich? “...sa mga araw na iyon ay lagi kaming nakikipagkwentuhan sa kanya at ang laging bukambibig niya ay ikaw. Lahat ng mga sinakripisyo at isasakripisyo mo para lang mapaopera siya, ang tingin niya sa 'yo ay isang superhero,” pagpapatuloy ni Brix. Napalingon ako sa kwarto ni Yrich at dahan-dahanang tumulo ang nagbabadyang mga luha.

“Kaya dapat lagi mo siyang mamahalin at alagaan.” Tumayo ang isa sa kanila at tinuro ako.

“Tama!” pagsang-ayon nang iba.

“S-Salamat sa inyo,” bahagya akong lumuko habang pinipigilan ang mga luha kong kanina pa tumutulo.

“Sige, aalis na muna kami, balitan mo kami huh?” saad ni Brix at isa-isa silang kumaway at umalis.

Mga ilang sedundo lang pag-alis nila Brix ay saka naman inilabas si Yrich sa operating room at ibinalik sa kwarto niya. Sumunod ako at tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya at humalik sa noo. Tila ako nabunutan ng tinik sa dibdib dahil naoperahan na siya.

Umuwi muna ako sa bahay para kumain, magastos kasi kapag sa labas pa ako kakain, saka kunti na lang ang natitira sa perang binigay ni Jairus. Kailangan ko munang magtipid hangat hindi ko pa nakukuha ang kalahati pang milyon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may kumatok sa pinto, wala naman akong inaasahang bisita kaya napakunot pa ang noo ko bago tumayo at dahan-dahang buksan ang pinto. Mata pa lang ang nakita ko mula sa 'di inaasahang bisita ay kilala ko na agad kung sino ito. Muli kong isinara ang pinto at nag-panic kung anong gagawin ko. Nagmadali ako sa paghalungat ng mga damit pambabae at isinuot ito, bubukasan ko na sana ulit ang pinto ng nakalimutan kong wala pala akong suot na wig. Bumalik ulit ako sa pagkakalkal at hinanap ang wig. Nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ay saka ko lang ulit binuksan ang pinto at pinatuloy si Jairus.

“Na...napadalaw ka ata,” hingal kong turan bago uminom ng tubig.

“Just checking on you, baka kasi takasan mo ako,” Napalaki ang mata ko, di ko malaman kung nagbibiro ba siya o ano? Seryoso kasi ang mukha niya at mukhang may problema.

“Ano ka ba? Hindi naman kita tatakas.” Tumawa ako nang peke pero sumeryoso din nang tumingin siya sa mga mata ko.

“Nevermind,” nilibot nang mata niya ang kabuuan ng kwarto. “Ikaw lang mag-isa dito?”

“Oo, 'yong kapatid ko nasa hospital pa at baka ilang linggo na lang ay makakauwi na siya,”

“That's great, 'yong mga magulang niyo? Nasaan sila?”

“Sabi nila Tita noong bata pa kami ay naaksidente ang mga magulang namin at namatay, hindi ko na nakita ang mga labi nila dahil sa malayo raw ito ibinurol,”

“I see, sorry,”

“Ok lang...ikaw, bakit mo kailangan ng pekeng girlfriend?”

“Dahil sa magulang ko. Mahabang kwento, saka ko na lang sasabihin,”

“Ang duga naman nito, bakit nga? Gwapo ka naman, mayaman, at mukhang matalino, kaya bakit mo pa kailangan ng pekeng girlfriend?”

“May tamang panahon para d'yan. Siya nga pala, tungkol doon sa pag-pro-propose ko sayo next week, i-te-text na lang kita kaya kailangang lagi lang handa,” Inilabas niya ang cellphone niya at hiningi ang number ko.

“Ano...kasi...wala akong cellphone,” hindi ako makatingin ng deretsyo sa kanya, nakakahiya na ako na lang ata ang taong walang cellphone. Nagpaalam siya saglit at may tinawagan sa cellphone, bumalik din pagkatapos. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano at minsan ay mga mga pagkakapareho kami. Natigil lang ang kwentuhan namin ng may kumatok sa pinto

“Ako na.” Tumayo siya at siya na nga ang nabukas ng pinto. Pumasok ang ilang lalaki na may dalang pagkain at ilang groceries. Nanlaki ang mata ko at hindi alam kung anong i-re-react ko. Bumalik sa tabi ko si Jairus dala naman ang isang itim na kahon. Inabot nita ito sa akin na siya namang tinanggap ko at binuksan. Lalo namang nanlaki ang mata ko sa nakita. Kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yong pinakabagong labas na cellphone ngayon na napanood ko sa isang comercial sa TV.

Tumingin ako kay Jairus pero ngiti niya ang bumungad sa akin. Hindi ko maiwasang maiyak, hindi ako naiiyak dahil sa mga groceries o sa cellphone na bigay niya. Naiiyak ako dahil nakokonsensya ako sa ginagawa kong panloloko sa kanya.

“Bakit ka umiiyak?” Alalang tanong niya. Umiling ako at saka ngumit sa kanya.

“Wala lang 'to, tears of joy lang,” pagsisinungaling ko at pinunasan ang mga lumalandas na luha. Kahit na kailan ay napakaiyakin ko.

Napatingin siya sa relo na at biglang nagpaalam, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Bumalik na lang ako sa pagkain at kinalikot ang cellphone. Hindi ako masyadong marunong gumamit ng phone pero alam ko ang mga basic, gaya ng pagtawag, pagsagot ng tawag at pagpapadala ng mensahe. Habang abala sa pagkakalikot sa cellphone ay bigla itong tumunog at may mensaheng dumating galing sa isang numero. Binuksan ko ito at nalamang galing pala kay Jairus.

Hey, it's Jairus save mo na lang number ko. Sorry kung umalis ako agad, may biglaang meeting kasi sa office. Next week maghanda ka dahil mag-pro-propose ako. Good night.
— Jairus

Inilapag ko ang phone sa mesa at nagkulumbaba. Iniisip kung ano kayang mangyayari sa proposal niya. Kahit na kailan ay hindi ko naisip na may mag-pro-propose sa akin dahil nga lalaki ako, pero kapag iniisip na gagawin ito ni Jairus ay hindi ko maiwasang kiligin.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now