" I think... something's wrong with me" mahinang sabi ko habang nakatingin lang sa harap... nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin sya sa akin...

" what do you mean?" tanong nya kaya napaabuntong hininga na naman ako tsk!

" hey, pang sampung buntong hininga mo na yan, baka naman nakapatay ka kaya ganyan?" automatic na nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin sa kanya..

" of course not! Basagulero ako oo, pero hindi ako mamamatay tao!" sabi ko pero nagulat ako nung tumawa sya...

" what's funny?" pinagtri tripan ba ako ng babaeng to? Tsk!

" haha, that was supposed to be a joke pero kumagat ka making it more funnier hahahaa!" at saka sya tumawa ng tumawa tsk!

" whatever" at saka hindi ko na sya pinansin hanggang sa tumigil sya sa pagtawa..

" okay, seryoso na.. bakit mo naman nasabing may mali sayo?" tanong nya..

Tinignan ko sya nang matagal dahil baka mamaya tawanan ako nito pagsinabi ko.. mukhang naintindihan naman nya kaya natawa sya tsk!

" don't worry, hindi ako tatawa promise haha" napasimangot naman ako sa sinabi nya..

" yeah right, hindi tatawa pero tumatawa ka na? tsk!" sabi ko naman..

" fine fine.. ehem.. okay na hindi na ako tatawa" sabi nya kaya tinignan ko sya ng mariin, itinaas naman nya ang kanang kamay nya na parang nanunumpa..

" promise" napabuntong hininga nalang ako, bahala na..

" its about Valderama" sabi ko..

" oooh.. girl problem" sinamaan ko sya ng tingin..

" shut up! Patapusin mo ako pwede?" angal ko at natatawa naman syang tumango tsk! What's wrong with this woman? Nakasinghot ba to? Tawa ng tawa eh wala namang nakakatawa tsk!

" fine.. spill" huminga na muna ako ng malalim bago nagpatuloy...

" its just that.. lumalabas lahat ng mga feelings na hindi ko naman gustong ilabas kapag meron sya.. diba nga cold ako?" tanong ko at tumango naman sya..

" cold ako, at hindi mabilis magpakita ng mga emosyon pero nung dumating ang babaeng yan, lumabas na at ang nakakainis I'm starting to feel something na hindi ko mapangalanan.." sabi ko..

" what kind of emosyon?" tanong nya kaya napatingin ako sa kanya, kailangan pa ba nyang malaman yun?

" com 'on! Paano kita tutulungan kung hindi mo sasabihin lahat?" sabi nya at parang nabasa nya yung pag aalnagan ko tsk!

" fine.. naiinis ako kasi palagi syang nandyan at parang reyna lang, naiinis ako kasi parang wala syang paki alam sa mundo.. pero nung 3 days na absent sya ay bigla ko namang hinahanap hanap yung presence nya... tapos nung bumalik sya nainis na naman ako kasi ang yabang pa rin nya! Tapos bigla akong nakaramdam ng galit nung mag usap sila ni ICE na parang may relasyon sila.. tapos naiinis ako pag nakikita ko silang mag kasama! Ugh! Basta nakakainis!" hinihingal na sabi ko pero hindi pa naman sya nagre-react kaya nagpatuloy ako...

" pero biglang bumibilis yung tibok ng puso ko kapag tinitignan nya ako, kinakausap, basta! Feeling ko may sakit ako sa puso! At kasalanan nya yun!" inis na sigaw ko at tumingin sa kanya..

Pag tingin ko sa kanya ay nagtaka ako nang nakanganga syang nakatingin lang sa akin at nanlalaki ang mata..

" hoy magsalita ka" sabi ko sabay tapik sa kanya, mukhang natauhan naman sya sa ginawa ko..

" hahahahahahahahaha!" napakunot noo ako ng bigla syang tumawa ng malakas, as in sobrang lakas na napapatingin na sa amin yung mga naglalakad tsk! Nakakahiya tong babaeng to -.-

" anong nakakataw? At manahimik ka nga para kang baliw" sabi ko..

" i-ikaw! Haha ikaw ang nakakatawa!" sabi nya kaya nagtaka ako..

" ako? Nakakatawa? Ano ako clown?" inis na sabi ko pero tawa pa rin sya ng tawa hanggang sa sya rin mismo ang tumigil...

" grabe.. mga lalaki talaga ang tanga" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin, makasabi ng tanga parang wala ako sa tabi nya eh..

" sorry pero yun ang totoo.. you don't even know what you feel, and that makes you an idiot" sabi nya, namumuro na to ah!

" okay fine, mukhang matalino ka naman kaya sabihin mo nga sa akin, ano tong nararamdaman ko?" taas noong tanong ko.. sa gulo ng sinabi ko kanina, imposibleng alam nya kung ano nga tong nararamdaman ko, ako nga hindi alam sya pa kaya tsk!

" oh! That's easy as penny.." sabi nya habang tumataas baba ang kilay tsk!

" dami mong sinasabi, sagutin mo yung tanong ko" sabi ko..

" based on your rants.. I think, no scratch that.. I know your IN LOVE"

Napanganga nalang ako sa sinabi nya.. what the heck?

@#@#@#@#@#@#

Si Tj sa side.. sinong mas bagay kay art?

Vote. Comment. Follow

_yen_

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now