At first, I was hesitant. Bar? Ni hindi pa nga ako eighteen. Pero wala akong magagawa. Kailangan ko magtrabaho para sa amin ng kapatid ko. I never did sex with guys in that bar. Hanggang foreplay lang kami. As funny and unbelievable as it seems, virgin pa ako.

That explains why I dress like this and I know how to seduce guys. That was my work before I studied to become a detective. I always get paid quite a big amount kaya napag-aral ko ang sarili ko at ang kapatid ko.

And now, after how many years of longing for a care of a mother, nagbalik ang magaling naming nanay. And yes, she came back with a big bonus! She has a family with two kids! Wow, that made me so happy. So happy na kapag nakikita ko ang pagmumukha niya, gusto ko isumbat lahat ng paghihirap naming magkapatid sa kanya. Gusto ko ipakita sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang nanay.

Luckily, I held myself. Napigilan ko ang pagsabog ko. I accepted her but I did not forgive her. Sabi ko sa kanya, maibabalik lang ang tiwala ko sa kanya kung makakaya niyang bantayan ng maayos ang kapatid ko habang wala ako. Pero wala. Pinabayaan niya lang ang kapatid ko. Palagi nalang. Palagi niya nalang kaming pinapabayaan.

I harshly wiped my tears away. Ngayon, mas determinado na akong tapusin ng maaga itong kasong 'to. Kailangan ko nang makauwi, kailangan ako ng kapatid ko.

I grabbed my things and shove them in my bag. Pagkalabas ko sa office ko, nakita kong nando'n sina Jodi at Angela kasama si Francis. Oh, ba't magkasama na 'tong dalawang 'to? Bati na ba sila?

"Mikaela, hindi ko alam na may secretary ka na pala. Classmate namin 'tong si Francis dati eh." Nakangiting sabi ni Angela habang nakahawak siya sa braso ni Francis. Eto namang ugok, nakangiti habang nakatitig kay Angela. Bahala sila diyan.

Tinanguan ko lang si Angela at aalis na sana ako nang hinawakan ako ni Jodi sa braso. "Saan ka pupunta?"

"Sa dorm ng bangtan. Mag-iinvestigate ako doon. Maghahanap ako ng mga evidence."

Napabitaw naman siya sa'kin at saka kumunot ang noo niya. "Sabi ng mga pulis, silver bracelet lang raw talaga ang nakitang ebidensya. Wala nang iba."

Mahina akong natawa. "At naniwala naman kayo? I know there's more to that. At sisiguraduhin kong hindi ako uuwi ng walang dalang ebidensya."

"'Wag ka na pumunta dun, Ms. Miranda. Sinasayang mo lang ang oras mo." Sabat naman ni Francis.

I raised my eyebrow and narrowed my eyes on him. "Why do you even care?"

Tumalikod ako at hahakbang na sana paalis pero hinarap ko siya ulit. "Or do you even care? Baka naman may motive ka kaya gusto mo 'kong pigilan?"

He shrugged and raised both of his hands as if saying that he's surrendering. Nirolyo ko nalang ang mga mata ko at saka umalis na.

Malayo palang, kitang kita ko na ang mga police cars na nakapark sa labas ng dorm ng bangtan. I thought wala na sila, ba't sila bumalik dito?

Pagkatapos kong i-park ang kotse ko ay agad na akong pumasok sa dorm ng bangtan at dumiretso sa room ni Jeon Jungkook.

"Ma'am, bawal ho pumasok." Sabi ng isang pulis habang hinaharangan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka papasok sana ulit sa crime scene pero bahagya niya akong tinulak. How dare he.

"I'm a detective. I have every rights to look closely in the crime scene."

"Pero bawal raw po sabi ng head police namin dito. At tsaka isa pa, matagal nang natapos ang investigation dito. May nakita na kaming evidence."

Hinilot ko ang sentido ng ulo ko at saka bumuntong-hininga. "Who's your head police?"

"Sir Blake-"

"Then tell that Blake I dont give a fuck and he can't stop me."

Sa wakas, nakapasok na rin ako sa crime scene. Nilabas ko na ang camera ko at niready ang tape na kakailanganin ko.

"Kung ako pa sayo detective, lalabas na ako. Binalaan ka na ng mga pulis pero hindi ka parin nakinig."

Lumingon ako sa likod ko at saka tinaasan ng kilay ang lalakeng nakasandal sa pader. "Ako si Blake Mendoza, head ng police na inatasan mag-investigate dito. I'll give you one more chance para makalabas or you wouldn't like what would happen next."

Tumawa ako ng mahina at saka pinaningkitan siya ng mata. "You can't threaten me. Kapag ako, may nahanap na ebidensya dito confirming na hindi lang isang silver bracelet ang evidence, isasali kita sa suspects ng kasong ito. I would dig your past and background if I have to, mr. police."

Tumalikod na ako at saka nagsimulang maghanap. Kung may makikita akong ebidensya dito, I swear, this Blake Mendoza won't get away with it.

-
Someone's POV

"Nasaan ang kapatid mo?"

Tinapos ko na ang sigarilyo ko at saka tinapakan. Tiningnan ko lang siya at saka tinaasan ng kilay. "Ano naman sayo?"

"I care for you. Kaya siyempre, gusto ko malaman kung kamusta na yung kapatid mo."

Mahina akong natawa at saka nirolyo ang mga mata ko. "You care? And to whom? For me? Wag mo kong niloloko. Alam kong hindi ako ang mahal mo."

Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat. "Pero seryoso nga, kamusta na siya? Okay na ba kalagayan niya?"

Napasimangot ako at umiling. "Hindi. Hindi parin siya nakakarecover sa sakit niya. Hindi parin siya magaling. May hematomania parin siya. Maraming salamat sa mga Jeon, nagkasakit ang kapatid ko."

(hematomina - obsession sa blood)

"Isang tao nalang rin naman ang natitira. Pagkatapos mong maghiganti sa papa nina Angela, tapos na. Wala na."

Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa ng hindi makapaniwala. "Ano? Isa nalang? Dalawa sila, kira. Papatayin ko rin si Angela Jeon."

Kumunot ang noo niya at galit akong tiningnan. "Una palang, sinabi ko na sayong 'wag mong gagalawin si Angela."

Tumawa lang ako at saka napa-iling. "Edi para saan pa 'tong paghihiganti ko kung hindi ko papatayin si Angela Jeon?"

Bigla niya nalang binagsak ang lamesa at dinuro ako. "Kapag sinabi kong 'wag mo siyang gagalawin, makinig ka. Kilala mo ako pero hindi talaga ganon kaigi para malaman mo ang mga kaya kong gawin sayo."

Tumayo na rin ako sa upuan ko at saka inilayo ang kamay niyang nakaduro sa'kin. "Alam mo kung paano ko tinanggihan ang alok mong maghiganti ako sa pamilya nila dahil mahalaga din sila sa'kin! Sina Angela at Jungkook! Pero anong sabi mo sa'kin no'n? Sabi mo duwag ako. Putangina, sabi mo sa'kin masyado na ba akong duwag para hindi ipagtanggol at ipaghiganti ang kapatid ko. Sabi mo tutulungan mo'ko sa labang ito, kira. Pero anong ginagawa mo ngayon? Ayaw mong patayin ko rin si Angela? Hindi ba ikaw yung duwag? Nanghihina ka na ba?!"

"Hindi ko naman maikakaila na mahalaga parin si Angela sa'kin kahit na nagawa niya iyon!"

Tiningnan ko siya at 'di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Marahas ko itong pinunasan at saka lumabas na.

Kahit na anong sabihin niya, nakapag-isip na ako. Buo na ang desisyon ko.

Papatayin ko si Angela Jeon.

-
question of the day:
sino sa tingin niyo si kira? bakit?

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon