Nang makasampa kaming dalawa sa bangka ay unti-unti na siyang nagsagwan kaya naman gumalaw na ang bangka papunta sa gitnang bahagi nitong Burnham Lake. Napatingin ako sa likuran ng lalaki na kasama ko rito sa bangka dahil naroon si Jiovanni at kumakaway habang nakangiti nang nakakaloko.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ko sa kaniya nang hindi nagsasalita-buka ng bibig at ekpresyon ng mukha lang ang gamit.

Nagkibit-balikat lang siya at inilabas pa ang dila para asarin ako, saka siya biglang nawala sa paningin ko. Napailing na lang ako at kinuskos ang mga mata. Nanatili akong kalmado at sinulit na lang ang ibinayad ko. Siyempre, mas mahal ang renta rito sa bangka kumpara sa bisikleta.

Lumingon ako sa 'di kalayuan para tingnan ang iba pang mga bangka. Iba-iba ang kulay at disenyo ng mga ito. Ang iba ay tipikal na disenyo ng bangka, may mas malalaki pero ganoon din ang hitsura, at may swan boats din. Hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako habang nagmumuni-muni. Pero biglang kumunot ang noo ko nang marinig na naman ang boses ni Jiovanni.

'Bumaba ka na riyan, may naghihintay na sa 'yo...'

Kalmado lang akong lumingon sa likuran ko at wala akong nakita roon kundi ang bakanteng upuan sa dulong bahagi ng bangka. Muli akong napailing at napapikit. "Puwede na po ba tayong bumalik?" Mabilis kong binago ang ekspresyon ng aking mukha dahil mukha yata akong nakasimangot.

"Nako, sir, hindi ka pa po nakakatagal, sayang po ang bayad niyo," tugon niya. Kita naman sa mukha niya na concerned siya dahil masasayang nga naman talaga ang pera ko.

Pero mukhang hindi na naman ako tatantanan ni Jiovanni. Mukhang bangungot ko na yata ang bugok na 'yon.

"Ayos lang po," nakangiti kong sagot sa kaniya kaya nagsagwan na siya pabalik sa bababaan namin.

***

"NOBODY'S leaving this place! Kailangan ko ang cell phone na 'yon, my selfies are there!" singhal ng isang matangkad na dalaga.

Base sa tindig at postura ng kaniyang katawan ay mukha siyang sikat na model, idagdag pa ang maganda niyang outfit. Kasama niya sa paghahanap ang sa tingin ko'y personal assistant at driver niya.

"You're so stupid! Bakit hindi mo nakita na nalaglag ang cell phone ko?" Halos sampalin na niya ang kaniyang kasama sa sobrang galit.

Lahat ng taong malapit sa amin ay nakatingin sa kaniya dahil nag-eeskandalo na siya. What a class this girl has!

Dinukot ko na mula sa bulsa ng aking hoodie ang cell phone na napulot ko kanina bago sumakay ng bangka. Baka-sakaling kaniya ito. "Is this yours?" sabi ko na sapat na para marinig niya.

Napahinto siya at maarteng hinawi ang buhok bago humarap sa akin. "You-"

"Is this yours?" walang emosyon kong tanong uli at saka ko inilapit sa kaniya ang cell phone.

"Yes, that's mine." Mabilis niyang hinablot ang cell phone sa kamay ko. "Magnanakaw." Taas-kilay niya akong pinaratangan at agad tumalikod sa akin.

"Hey," seryoso kong tawag sa kaniya.

Humarap naman siya at nanatiling nakataas ang isa niyang kilay. "Yes? Wanna get punished?" Nagawa pa talagang ngumisi ng babaeng ito sa harap ko.

"Kung ninakaw ko ang cell phone mo, bakit ko pa ibabalik sa 'yo?"

Naglakad na ako palayo habang umiiling. Ako na nga ang tumulong, ako pa ang minasama. Sana pala ay ibinato ko na kanina sa tubig ang cell phone niya para hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila.

"Wait," she called me.

"Why? Are you going to arrest me?" I just smirked and waited for her to say something, or better yet, apologize.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now