"THANK you so much!" I said from the bottom of my heart.
"No, you don't have to say that. You knew that I always do this right?" She said while raising her eyebrow.
Mahina akong tumawa sa itsura niya. Tinaas baba nga ang kilay pero 'yong dalawang kilay naman tumaas. Parang tanga.
"Don't laugh! Gusto kong maging mataray minsan kaso hindi ko alam kung paano itaas itong kaliwang kilay ko. 'Yong itong kaliwang kilay lang talaga. Hindi itong dalawa. Ang hirap naman!" busangot niyang sabi. At pumadyak-padyak pa siya na animo'y batang hindi binibigyan ng candy.
"Porket tinaas mo ang kilay. Mataray agad? Hindi naman ganyan. Appearance, action at the way na magsasalita ka is enough. Parang expression lang 'yang kilay, e." sabi ko sa kaniya.
"Edi, ikaw na 'yong marunong mag taray!" saad niya at inikot ang kaniyang mata at ilang segundo lang ay tumawa siya. May lahing baliw talaga.
"Ganun ginagawa nila di 'ba? 'Yong mga mean girl sa movie. At saka umuwi ka na! Malapit na mag 5. Basta huwag mo na 'yan balak pa gawin ulit. Hindi bagay sayo," aniya ko sa kaniya at kunware nasusuka ako sa ginawa niya kanina.
"Hindi bagay sa akin? Akala ko mukha akong cool, e." kumamot pa siya sa kaniyang batok at may mahinang tawa.
Napailing ako sa sinabi niya. Tumingala ako nang mapansin ko na dumilim ang kalangitnan. Maya-maya uulan na.
"Ali, uulan na maya-maya. May payong ka bang dala?" tanong ko nang bumaling ang aking tingin sa kaniya.
Umiling-iling siya. "Wala akong dalang payong. Sige na, uuwi na ako Kaye." Tatalikod na sana siya.
"Teka, Ali! Gusto mo bang pumunta muna tayo sa bahay namin? Para humiram ka ng payong. Baka kasi hindi ka maka-uwi kasi maab-"
"Ano ka ba! Hindi na. At saka malapit din naman, e. Tatakbo lang ako."
"Sigurado ka?"
Ngumiti siya at tumango-tango. "Oo naman. Para namang hindi mo ako kilala. Nga pala, Kaye. Nood tayo ng anime mamaya! Anong episode na nga tayo?"
"Ohhh! Please, tuksong panood ng anime layuan mo ako!" hinampas-hampas ko ang kamay sa hangin na para bang pinapalayo ko ang hangin na panood ng anime.
"HAHAHAHA baliw ka talaga. Shuta!Kailangan ko ng umalis, Kaye. Uulan na talaga. Usap tayo sa phone mamaya, bye!" at diretso siyang tumakbo. Pinagmasdan ko ang kaniyang pigura na palalayo. Hindi manlang ako nakapag paalam ng maayos.
Humawak ako sa strap ng bagpack ko at nag simula na rin maglakad patungo sa bahay namin. Galing kami sa school namin at lagi kaming sabay pumasok at umuwi. At ito ang laging mangyayari kada uwi namin. Nasa iisang village kami nakatira. Medyo malayo pa ang kanilang bahay dito kaya nag-alala rin ako na baka maabutan siya ng ulan. Nagsisimula na rin kasing pumatak ang ulan kaya ganoon nalang ang kaniyang pagmamadali kanina. Medyo lumakas ang pag patak ng ulan ngayon pero hindi ko iyon alintana. Hinawakan ko ang ulo ko. Basa na pala. Binilisan ko ang paglakad ko para makapasok na sa bahay.
Pagpasok ko palang sa loob ng bahay rinig na rinig ko ang kanilang tawanan sa kusina. Andito na naman siya. Tahimik akong naglalakad patungo sa hagdan para makapunta sa kuwarto ko.
"Kaye! Andito ka na pala. Ngayon ka lang ba naka-uwi anak?" Napatigil ako sa paghakbang. "Andito pala ang Tito mo, anak. Baka gusto mo rin siya kausapin habang nag memeryenda kayong dalawa." dugtong niyang saad. At kasabay nun ang pag-akbay niya sa akin. Kumuyom ko ang kamao ko.
"May kailangan kang kunin or ano?" mahina kong tanong at naunang naglakad sa kaniya. Gusto ko kasing makalayo sa akbay niya.
"Kukunin ko lang 'yong towel, kasi nabasa ang Tito mo sa ulan kanina. Kinuha niya kasi 'yong mga sinampay ko sa labas kahit sinabi ko sa kaniya na huwag na. Kinuha niya pa rin. Ang bait di 'ba? At saka ayokong magkasasakit siya kasi may trabaho pa siya bukas." halata sa kaniyang boses na masaya siya sa nangyari kanina.
CZYTASZ
CHASING THE RAIN (COMPLETED)
RomansFor her, focusing on acads is important but after meeting him. Everything is changed. Why I can't cry in front of the people? Why I can't express my feelings? Posted date: 02/24/22 Ended date: 11/16/23
