"'m sorry, Gavin. 'm sorry, 's my fault..." humikbi siya. "Sorry. Sorry. Please... please forgive me..."

I remembered the lifeless eyes I tried so hard to bring joy to, now covered in small tears.  Hinawakan ko ang kamay niya. "S-Sorry din, Finn... kung nagalit ako..."

Umiling siya. "Valid. Was my faultㅡ"

"Kung nandito din naman si Kuya, hindi 'yon papayag. Kaya huwag mo nang isipin na kasalanan mo okay?"

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala. Lagi kitang iintindihin. Ako lagi ang bestfriend mo na maniniwala sa'yo."

I tried to be tough. I worked so hard to be the solid and strong friend that the three of them can rely on. I buried my insecurities and doubts in a bright smile so they wouldn't be worried.

Nandoon ako sa bawat anniversary ng magulang ni Finley. Minsan ay sumasama sina Ree at Baste kung walang kailangang gawin. Nananatili kami sa kwarto ni Finn at manonood ng movies pagkatapos bisitahin ang puntod nina Tita Alyanna at Tito Finnian. I shared jokes with her, tickled her on the bed, cooked her favorite foods, and read aloud her favorite stories. There are also times where Finn is just too clingy and she makes me tie her hair in different styles. Tapos itatali niya rin ng gano'n ang buhok ko.

The boy that I was fell in love with her. After all, Finley was just impossible not to fall in love to.

Naaalala ko pa noong nagtampo ako sa pangako ni Ree at Baste na magpakasal kaya inaya ko siya. My heart soared when she said yes.

But here I am, standing in front of her parent's grave, telling them about how she's going to be married to another man.

"Ang bilis ho ng panahon, Tito 'no. Parang bata pa lang si Finley pero ngayon bubuo na ho siya ng totoong tahanan niya."

I smiled as I saw the familiar set of flowers. It always appeared pagkatapos naming bumisita. Kahit noon ay napapansin ko na kung paano nadadagdagan ng hindi kilalang bulaklak ang puntod nina Tita. It makes me wonder who was visiting them after us.

"Naaalala niyo pa po ba noong kinuwento ko sa inyo na may crush ako kay Finley?" malakas akong natawa. "Imposible naman po talagang hindi magkagusto sa kaniya. Pero gaya nga po ng pinangako ko, hindi ako ang lalaking maghihintay sa kaniya sa dulo ng simbahan. Ako ang lalaking maghahatid sa kaniya patungo do'n."

I loved Finley, but it wasn't enough. In front of her, I will always be this man who hides under a mask. Lagi akong magpapakatatag at magpapalakas para i-assure na pwede siyang maging mahina sa'kin.

Kung may magtatanong... paano naman ako? Paano naman ang sakit na nararamdaman ko? Paano naman kung sobrang bigat na rin ng damdamin ko?

"Well, kung ako rin tatanungin, makikipagbreak ako sa'yo para kay Finley."

Awtomatiko akong napangiti nang marinig ang boses ni Eunice Yra. Nilingon ko ang babae na nagturo sa'kin paano magpakatotoo. She was standing there in a plain white shirt tucked in black slacks. Mukhang galing sa isang meeting ang mahal ko. Pinasabog naman ata niya ang ulo nina Ethan sa sobrang ganda ng ngisi niya ngayon.

Itinaas niya ang dalang paper bag. "Dala ko na regalo natin kay Finn. Relo. Para may oras pa siyang umalis doon sa lalaking 'yon."

The man that I am is falling in love with this girl everyday.

Simple ang mga gusto ko sa buhay, at gano'n din sa mga babae. Mga kasing-simple ni Ree at Finn. Mahinahon at mabait na may tapang. Eura is the complete opposite. The first time I met her, I was overwhelmed at how loud she was.

Rogue Wars OnlineWhere stories live. Discover now