Chapter Fifty-Five: Summer is Here

2.8K 246 203
                                    

-chapter fifty-five-

FINN

"Finn!"

Binawi ko ang throwdagger na nakasaksak sa clone, letting it fall on the ground. Lumingon ako kay Gavin dahil siya ang tumawag sa'kin. He was holding an apple in front of me.

Ano na naman kayang kawirdohan ang naisip niya?

"Isa ka ng mansanas sa tingin ko." anunsiyo niya habang tinataas pa rin ang mansanas. "Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

Umiling ako.

"You're the apple of my eye!"

Ang tahimik na agos ng ilog at huni ng mga kuliglig ang tanging tumugon sa sinabi ni Gavin. Dumaan ang hangin sa pagitan naming dalawa nang ilang segundo na at hindi pa rin ako sumagot. I don't know how to respond to that so I just kept quiet.

If I remembered it right, apple of my eye means that they cherish the person above anything else.

I nodded at Gavin. "You, Ree and Baste are mine too."

Isang malakas na buntong-hininga ang narinig ko bago ibinaba ni Gavin ang mansanas. Parang natalo ang mukha niya pero mayro'n pa rin namang ngiti sa labi niya.

A loud giggle took my attention, making me look at the nearest tree. Depore was sitting in the tree branch, swinging her legs and laughing cheerily. Nakabukas ang kanang palad niya at nilalaro niya dito ang isang dark chasm.

"Owshii. Better luck next time, bro~"

Depore jumped from the tree branch, landing on the ground with a small smirk. Gavin sighed and shook his head. Nakakunot lang ang noo ko sa buong interaksiyon nila. What did Depore mean by saying 'better luck next time'?

Nahagip ng mata ko ang kill-count board and didn't see Gavin's name in the Top Ten. Baka iyon ang ibig sabihin ni Depore. Better luck next time and makakasama siya sa rankings?

Lumapit ako kay Gavin at tinapik ang balikat niya. "Help you?"

"Ha? Help me saan?"

Itinuro ko ang kill-count board sa taas. Gavin frowned at it and at me. "Anong problema sa square na 'yan?"

"... Enter?"

"Enter? Enter saan? Kung hindi lang naman sa puso mo, huwag na lang."

I pointed at the squared-box at the sky again, ignoring the latter statement. Gavin's mouth is like a machine that frequently spouts cheesy pickup lines so I'm used to it.

"Wait... you mean sa rankings?" kunot-noong tanong ni Gavin na tinanguan ko. Umiling siya. "I don't wanna be part of it. Bakit mo naman naisip 'yan?"

Gano'n ba? Ano kaya 'yong ibig sabihin ni Depore sa better luck next time?

The woman who spoke up went in another fit of giggles. Napakamasayahin talaga ni Depore na kahit ang mga bagay na hindi ko naiintindihan ay tinatawanan niya lang.

She grinned at me. "What about me, Finn? Am I the apple to your eye too?"

"Mm. Cherish you too."

Depore squealed, hugging me. Mas maliit siya sa'kin kaya hanggang sa dibdib lang ang ulo niya. Kaya nga minsan ay nakakalimutan kong mas matanda siya sa'kin.

"Mabuti naman at tapos ka na sa mission mo, Finn." Depore turned serious. "Although, I don't know who that June person is at bakit siya pa ang nagnumber one. Biglaan lang tumaas ang rank niya kaya nakakapagtaka."

I only gave a slight nod, acknowledging what she said. Tumingala ako sa kill-count board na nasa itaas. The final set of rankings was really a shock for us all.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon