CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~

Start from the beginning
                                    

"I am Serenity."

"You're not-"

"Maybe I'm not. " I said, cutting him off. "But I won't go back to who I am before. I am no one, Waine. Maybe...I don't want to be anyone."

"Then if you want to forget everything then do so. Kalimutan mo ang lahat-lahat. Lahat ng pinagdaanan mo at lahat ng tao sa buhay mo. Kalimutan mo na lahat."

"I am doing that-"

"Forget about revenge. Stop what you are doing."

Binalot ako ng lamig sa sinabi niya. "A-Anong...anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Itigil mo ang ginagawa mo kung gusto mo na ng tahimik na buhay. I don't know how long your new identity can keep you safe but if you want to...if you really want to have another life then I will die trying to let you have it. Just stop."

"Waine..."

"You're threading a dangerous ground."

Namayani ang katahimikan sa paligid namin. He knows something. He knows what I've been hiding. Kung paano niya nalaman hindi ko alam.

What I told him was the truth. I don't remember anything from my past but sometimes I get flickers. But I do know what Wyatt Claw did to me. And abilities...everything I can do before, I can still remember them. But I don't consider it mine. I consider it as a borrowed thing. Hinihiram ko ang isang bagay na naging parte ng pagkatao ko. Patuloy kong hihiramin hanggang sa matapos na ang lahat.

I'm borrowing a part of her life. Making Serenity live a double life. Until I will no longer need to share what is hers. I just need to be patient. Dadating ang panahon na magagawa kong bumuo ng sarili kong identidad at kalimutan na ang lahat ng meron ako sa nakaraan. Including Serenity.

"I hope you know what you're doing."

"Waine-"

"Think about it. Itigil mo ang lahat ng ginagawa mo at gagawin ko lahat para lang hindi na mawala sa'yo ang buhay na gusto mo na malaya sa nakaraan."

"Wala akong ginagawa, Waine. Hindi nga ako makaalis dito, ano namang gagawin ko?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo na lang siya. Tahimik na tumayo na rin ako at kinuha ang mga pantabing ko sa mukha ko bago ko siya sinamahan hanggang makalabas kami ng gate patungo sa pinaradahan niya ng kotse. Wala pa ring umiimik sa amin hanggang makasakay na siya.

Ibinaba niya ang bintana at pilit akong nginitian. "Be safe."

"You too."

Nanatiling nakatingin lamang ako sa sasakyan niya ng pasibadin niya iyon paalis. Humugot ako ng malalim na hininga ng mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko. I'm sorry, Waine. But I cannot stop. Someday...I want to have a life where I don't need to feel this way. Kung saan wala ng sakit at wala ng paghihirap.

Wala ng galit. But I cannot have that. Not yet.

"Hoy."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko doon ang kapit-bahay ko na alien. Karga-karga niya ang anak niya na titig na titig sa akin. "Hoy ka rin."

"Bakit ba laging may nakatakip diyan sa mukha mo?"

"Bakit ba gusto mong malaman?" masungit na tanong ko sa kaniya.

"Nagtataka lang ako. Nakilala ko kasi ang Mama mo at ang sabi niya, sinigang na baboy ang ulam niyo."

Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Alam mo hindi ka lang pakielamero, alien ka pa. Anong kinalaman ng balabal ko sa ulam namin? Magiging manok ba ang baboy kapag inalis ko ito?"

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now