Chapter 55 - Decisions

Magsimula sa umpisa
                                    

"H-ha? Bakit naman Ma?" Urirat ni JM sa ina na salubong pa ang kilay.

Hindi ko na kailangang marinig yun dahil alam ko ang ibig sabihin ni Mama. Mga bagay na kami pa lang ang nag-uusap ni Jamo. Hindi pwedeng malaman ni JM muna.

"Ma, hayaan na muna natin si Jamo. Alam niya naman siguro ang consequences ng actions niya saka matanda na yun." Pagputol ko sa topic. Ayoko kasing baka may nasabi si Jamo kay Mama at mabulalas niya din kay JM. Ayokong mapag-isip si JM kay Jamo.

Kami na lang ni Jamo ang nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay.

"Mas mainam ngang hayaan na lang muna natin siya." Pagsang-ayon naman ni Mama.

"Ang daya naman. Bakit ayaw niyong sabihin Mama? Ikaw Pare?" Bumaling ang tingin niya sa akin. "May alam ka din ba?"

"W-wala ha. Siyempre hindi ko alam ang nangyayari sa kanya pero instinct na lang." Pagsisinungaling ko.

"Ahhh." Tanging naging tugon ni JM.

"Anak, mag-iingat kayong palagi lalo na ikaw JM ha! Ang daming nagkalat na masasamang tao sa paligid kaya kailangan ingatan mo ang sarili mo. At ikaw din, Paolo! Huwag na huwag kayong maging kampante sa mga bagay bagay ha. Maging alerto kayo!" Pagbabala ni Mama sa amin.

"Opo Ma. Kaya nga plano ko na huminto muna sa pag-aaral para mahatid sundo ko ng maayos si JM." Inakbayan ko si JM pero kita ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

"Teka. Sinong nagsabi na hihinto? Kelan mo pa na plano yang paghinto? Bakit di mo sinabi sa akin?" May halong galit sa boses niya.

Minabuti kong magpakalmante dahil alam kong ikagagalit niya talaga ito. Ayaw niyang huminto ako sa pag-aaral dahil kailangan ko ito.

"Par, isang taon lang naman. Marami lang akong aasikasuhin na mga bagay. Di ako makaka focus sa pag-aaral. Saka, ayokong mag resign ka bilang guro dahil sa akin. Mas mabuting ipagpatuloy mo ang propesyon mo. Alam mo naman ang sitwasyon natin sa university di ba? Ayokong malagay ka sa alanganin kaya nagdecide ako na huminto na muna pagka-sembreak." Pagpapaliwanag ko.

Akala ko naintindihan niya agad ang eksplenasyon ko pero bigla siyang tumayo at tumungo sa kuwarto.

"JM..." Tawag ko pa pero hindi na ito lumingon.

"Hayaan mo na muna Paolo. Maiintindihan niya din ang rason mo pagdating ng takdang oras." Si Mama.

"Alam ko namang ikagalit niya talaga pag sinabi ko ito sa kanya Mama. Kaya nga gusto ko sanang sabihin sa kanya ang plano pagka sembreak. Pero sa nangyayari ngayon, gusto kong pagtuunan ng pansin ang problema ko. Alam kong madadamay siya sa mga nangyayari kaya gusto kong maging alerto at bantay sarado sa kanya." Tumayo si Mama sa kinauupuan at tumabi sa akin. Tinapik tapik niya ang likuran ko.

"Anak, wag masyadong mag-isip ng problema mo. Alam kong mahirap din ang pinagdadaanan mo ngayon pero hindi sapat na pagtuunan mo lang yun ng pansin. Mas maganda pa din na i-balanse mo ang lahat at huwag puro problema. Kung laging problema ang nasa isip mo, hindi ka lulubayan ng mga iyon." Huminto muna si Mama sa pagsasalita at napatingin sa kalawakan. "Gaya ng sinabi ko sa'yo, magaling ang attorney mo. Kahit hindi ka na kumilos, alam niya ang gagawin niya. May tiwala ako dun."

"Salamat Ma. Salamat!"

"Huwag mong banggitin yan. Di ka na din iba sa akin. Sa amin. Pamilya ka na din. Ang pamilya nagtutulungan. Nagbibigayan ng payo. Nagmamahalan. At higit sa lahat, nagkakaunawaan sa lahat ng bagay."

Tama ang sabi ni Mama. Ang pamilya, kahit di ko man naramdaman dati sa totoong pamilya, ang sandigan ng bawat isa.

Napayakap ako sa kanya sabay sambit ng pasasalamat.

"O siya! Sundan mo na yun. Matutulog na din ako. Gigising pa ako ng maaga bukas para bumiyahe pabalik ng probinsiya."

"Sige Ma. Kakausapin ko lang din si JM tungkol sa plano ko. Saka, kami na din ang maghahatid sa'yo bukas sa terminal, okay?" Humalik ako sa pisngi niya bago ko pa siya pinagbuksan ng pintuan ng kwarto niya.

"Ipaintindi mo ng mabuti anak ha! Minsan may pagkamakitid at makasarili yang si Jessie Mari." Natawa pa ako sa pagbanggit niya ulitng buong pangalan ni JM.

Nang nakapagsarado ng pinto ay tumungo muna ako sa kusina at naghain ng ice cream. Alam kong makakausap ko si JM pag may kaharap na ice cream.

Pumanhik ako sa kwarto at nakita kong nakatagilid siya pakaliwa na nakahiga.

I heaved a sigh. Hindi ko kasi alam paano ko sisimulan ito.

"Pare..." Hindi siya kumibo. "Pare may dala akong ice cream!" Pang eenganyo ko sa kanya pero hindi pa din siya kumibo.

Umupo ako sa side ko ng kama.

"Pare... Pakinggan mo naman muna ako oh!" Sa malumanay kong boses. Ayoko kasing sabayan ang galit niya.

"Matutulog na ako. Saka na kita kakausapin pag di mo na itutuloy ang balak mo." Ang narinig kong sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Pare.. Ang sa akin lang naman.." Bigla siyang bumalikwas sa pagkakahiga.

"Ano? Tinatamad ka ng mag-aral? Dahil ayaw mong mag-aral? Napag-isip isip mong walang kwenta amg mag-aral? Ano?" Singhal niya.

"Hindi Pare..."

"Kaya nga sabihin mo! Give me a valid reason bakit binabalak mong huminto? Akala ko ba kailangan mo 'to? Akala ko ba ito lang ang dahilan para maangkin mo ang kayamanan ng mga magulang mo!?"

"Oo! This is the only way for me to inherit their riches. Pero wala na sa akin yun. Ayokong isipin na dahil sa kayamanang yun, may maaring mabuwis ang buhay. May maaring mamatay. Ang gulo! Hindi mo alam ang mga nangyayari dahil hindi ko sinasabi sayo. Pero maniwala ka. Para 'to sa security nating dalawa. Nanganganib ang buhay nating dalawa JM. Hindi mo alam yun. Pero ngayon sinabi ko na! Pwede na bang valid reason yun para tanggapin mo ang plano ko?"

He was stunned sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya sa rebelasyon ko. Alam kong it's too early para sabihin sa kanya amg lahat. But I need to para maipagpatuloy ko ang mga plano ko.

"It's for our safety! Ang tanga ko nga dahil pinilit kong di ka masama sa gulong ito. Pero hearing the plans sa mga di ko kilalang kumakalaban sa akin, part ka ng paghihigantihan nila. Sana maintindihan mong gusto kitang pangalagaan dahil mahal kita. Mahal na mahal kita at ayokong mapahamak ka dahil sa akin. Ayokong madamay ka sa problemang hindi ka naman talaga dapat kasama."

I can see him starting to cry kaya nabahala ako. Nilapitan ko siya para amuin.

"Tahan na. Sorry na kung hindi ko agad nasabi sa'yo dahil alam kong magagalit ka. Pero nandito na 'to. Kailangan kong mapangalagaan ikaw, si Mama.."

"S-si Mama? Ba-bakit nadamay si Mama?"

"Shhhhh. Naninigurado lang ako na hindi madadamay si Mama dahil alam kong parte mg pamilya mo ay kalaban na din ng mga kalaban ko. Ni hindi ko pa alam kong sino talaga ang kalaban ko pero may kutob ako kung sino. Kailangan ko lang ng matibay na ebidensiya bago ko siya masampahan ng kaso. Kailangan ko itong gawin." I kissed his forehead. "Promise, magpapatuloy ako sa pag-aaral once naayos ito, okay?" Hinalikan ko siya sa labi niya pero smack lang.

"Stop crying mg Baby Pare. Please..." Pakiusap ko pa sa kanya. "Naiiyak din ako pag nakikita kang umiiyak." At bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Sa gabing ito, sigurado na ako sa plano kong huminto sa pag-aaral pagka-sembreak. Hindi na importante sa akin ang kayamanan. Kailangan kong maprotektahan ang mga taong mahal ko. Kailangan kong maprotektahan si JM, si Mama.

Ang bago kong pamilya.

===
Itutuloy.

I Love You, Paolo! (Complete) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon