Pero mabilis nang nakalayo ang mga bulinggit. Sa pagmamadali, nadapa ang isa. Bigla itong pumalahaw. Natigil sa pagtakbo ang isa at binalikan ito. Lumapit ang mga staff niya sa dalawang bata. Aaluin sana nila. Nang makita siya, bigla silang natakot. Pautal-utal na nagpaliwanag pa na hindi nila alam kung paano nakapasok ang mga bata sa opisina nila.

Paano kasi, you came in late! Nainis siyang mas nauna pa siya sa kanilang lahat. Although alas otso ang starting time nila, he was expecting na may isa man lang sana na dumating nang mas maaga. Pero as usual, kararating lang nila halos.

May isang kakaladkad sana sa dalawa para pababain ito, pero sinigawan niya. Nainis siya. Paano kasi para lang tumataboy ng pusa.

"Ako na," sabi niya at inagaw niya ang dalawa sa kamay ng staff.

Nakita niyang may gasgas ang tuhod ng bata. Lumuhod siya at hinipan ito para mawala ang hapdi. Nang tumingin sa kanya ang bulilit na hilam ang mukha sa luha, may kung anong nakanti sa kanyang puso. Hinila niya ito at niyakap. Hinalik-halikan pa sa ulo.

"Sshh. Don't cry. Masakit ba?"

"Oo," sagot naman nito sa pagitan ng mga hikbi.

Itinayo niya ito at kinarga. Hinuli rin niya ang maliit na kamay ng kakambal nito at hinila pabalik sa kanyang opisina. Sinabihan niya ang sekretarya na dalhan siya ng band-aid at panlinis sa sugat. Mukhang na-shock ito sa nakita, pero kaagad namang tumalima.

Kino-comfort niya sa kanyang kandungan si Markus para hindi na masyadong indahin ang sugat nang may marinig siyang katok. Pinapasok niya agad ito thinking it was just his secretary na may dalang ice cream na pinabili niya sa canteen sa seventh floor. Pero hindi si Mrs. Roman ang sumilip kundi ang babaeng kanina pa niya kinaiinisan dahil sa pag-abandona sa dalawang bata sa loob ng building.

"Mama!" sigaw agad ni Marius at tumakbo sa ina. Yumakap ito. Mabilis itong nagkuwento kung ano ang nangyari kay Markus.

Nakita ni Magnus na parang may takot sa mukha ng babae nang lumapit sa kanya. Dapat lang. Ilang beses na niya itong sinabihan na bawal ngang magtinda sa loob ng building niya pero ang tigas ng ulo!

Inunat ni Markus ang dalawang maliliit na braso sa ina nang makita ito. Parang gustong magpayakap. Walang nagawa si Magnus kundi ipasa sa babae ang bata. Yumuko ito para kunin sa kandungan niya ang anak. Lumuwang ang neckline ng t-shirt nito at nahagip ng paningin niya ang cleavage ng babae at ang kulay itim nitong bra. Napasadahan din niya ng tingin ang makinis at flat nitong tiyan. Napalunok siya. Shit!

"Saan ka nagpunta at naiwang pagala-gala rito ang dalawang bata?" sita niya kaagad dito para pagtakpan ang namumuong init sa katawan.

"Pasensya na po, sir. Actually, sa ano po—kila Mrs. Legaspi ko po sila iniwan kanina," kinakabahang sagot naman ng babae.

"At ginawa mo pang yaya ang HR Supervisor ko?"

Hindi siya nakasagot. Napayuko ito at hinagud-hagod ang likuran ng anak na ngayo'y nakayakap na sa kanya.

"Didn't I tell you na bawal ang magtinda rito?" paalala pa niya. May idurugtong pa sana siya pero tinititigan na siya nang masama ng batang madaldal. Nakakuyom na naman ang mga kamao nito at kumakagat-kagat pa sa lower lip na parang nagpipigil ng galit.

"H-hindi na p-po mauulit, sir," ang sagot sa kanya ng babae. Hindi na ito nagtaray kagaya dati. Napagtanto rin siguro na siya ang may kasalanan.

"Halika na, mama. Umalis na tayo rito bago ko makalimutan ang bilin n'yo sa amin," parang matanda na sabi pa ng matapang na kambal sa ina. Hinila pa nito ang laylayan ng t-shirt ng mama niya. Pinagsisihan tuloy ni Magnus ang mga sinabi sa babae.

Nang makaalis na ang mag-iina, nanghihina siyang napasandal sa couch. Ba't gano'n? Bakit may espesyal siyang nararamdaman sa dalawang bata? Hindi kaya...? Pumikit siya at pilit na inalala ang mukha ng diyosang naka-one night stand niya noon sa Benguet. Posible kayang ang diyosang iyon at ang ina ng kambal ay iisa? Naalala niya ang payo sa kanya ni Tyler, ang kaibigang nakasama niya sa bar na iyon nang makilala niya ang dalagang nagpagulo sa isipan niya all these years.

"Hindi porke magkamukha ay magkadugo na. Marami ngang celebrities ang halos magkawangis pero hindi naman magkamag-anak. At ang lukso ng dugo na iyan, that's bullshit! Your brain dictates those feelings dahil sa kagustuhan mong mangyari ang isang bagay. I think you just want to have your own children."

Pero hindi siya nangangarap magkaroon ng mga anak. Not in the near future. Hindi pa siya handa. Kaya imposibleng ang nararamdaman niyang closeness sa kambal ay dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling pamilya. Inisplika rin niya sa kaibigan ang kakaibang warmth din ng mommy niya sa dalawa, pero may paalala na naman ito sa kanya.

"Pero come to think of it, pare. Kilala ang pamilya n'yo sa Benguet. For sure, namukhaan ka no'n nang kayo na lang sa kotse. Kaya nga siguro nagpaano sa iyo dahil nakilala ka. Hindi basta-bastang nagpapaano ang mga babaeng walang karanasan sa isang lalaking hindi nila kilala unless namukhaan ka nga. Baka inisip na naka-jackpot siya sa iyo. Tsaka kung totoong nabuntis mo siya, hindi ba't logical lang na hanapin ka't papanagutin sa ginawa mo sa kanya? Pero wala namang naghanap. So for sure, hindi mo nabuntis iyon."

Pero kung totoong namukhaan nga siya ng babaeng iyon gaya ng sinasabi ni Tyler, hindi ba't logical ding hanapin siya nito at papanagutin sa ginawa? I-blackmail. Huthutan ng pera. Magkunwaring buntis para may makuha sa kanya. Pero hindi rin nangyari iyon. Maybe, the girl was decent after all. Hindi siya gold digger o oportunista. Sa isang banda, naisip din niyang baka hindi rin siya naalala nito dahil sa kalasingan. Vague nga rin ang memories niya tungkol sa hitsura ng babae na kung tutuusin, he wasn't drunk that night. Ang alam lang niya, he thought she was very pretty nang una niya itong masilayan sa bar.

He has to do something about his weird feelings for the twins. Hindi pupwedeng he'll just wonder forever.

Tumayo siya at kinuha ang iPad sa attache case. Kinalikot niya ito. Hinanap niya sa kanyang contacts ang pangalan ng laboratory na sinasabi ni Tyler na nagsasagawa ng paternity testing. Mayamaya pa, kausap na niya sa telepono ang receptionist nito.

icon lock

Show your support for Gretisbored, and continue reading this story

by Gretisbored
@Gretisbored
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--a...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 32 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @Gretisbored.
PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)Where stories live. Discover now