"Hey. What are you guys doing here?" tanong niya agad sa mga ito.

"Ay, si Sungit!" nasabi kaagad ni Marius na parang natuwa. Bigla ring sumigla ang mukha ni Markus. Parang nakakita ng pag-asa kung papaano nila matunton ang ina.

Pagkarinig kung paano siya tinawag ni Marius, napasimangot si Magnus. Talagang nakatatak na sa isipan ng bata ang ginawa niya noon sa ina nito. Napailing-iling na lang siya.

"Nasaan ang mama n'yo?" tanong niya sa mga ito.

Sasagot na sana ang isa pero kinalabit ng mas madaldal. Nabatid ni Magnus na gustong pagtakpan ng mga bata ang ina. Nalaman tuloy niya na nasa paligid nga lang ito. Siguro naglako na naman ng paninda. Talagang ginawa nang habit ng babaeng iyon ang pagpunta sa opisina niya kahit ilang beses na niyang nasabihan na bawal ngang magtinda roon.

"Dito ka ba nagwo-work?" narinig niyang tanong ng isang kambal. Sa pagkakatanda niya, ito ang mas matapang sa dalawa.

"Oo. Bakit?"

"Pedeng makita ang opis mo?" tanong pa nito. Hindi ito makitaan ng takot kahit na pinakitaan na niya ng kagaspangan noon. Very confident!

Napangiti siya. And before he knew it, he walked them to his office. Napa-wow ang mga ito nang makita ang opisina niya. Pero mayamaya ay nilait-lait na ito ni Marius.

"Ito pala ang opis mo. Ampangit. Walang laman."

"Oo nga. Ba't ganito? Ba't sopang mahaba lang, mga upuan at mesa ang nandito?" sang-ayon naman ni Markus.

Hindi napigilan ni Magnus ang mapangiti uli. Napatingin siya sa kabuuan ng office. Maluwang iyon pero wala masyadong gamit sa loob. Minimalist kasi siya kaya isang wooden desk na gawa sa nara at isang malaking couch at dalawang katernong pang-isahang sofa lang ang nasa loob niyon. At siyempre pa, dalawang visitors' chair sa harap ng mesa niya.

"Paglaki ko, kapag nag-opis ako, hindi ganito ang gusto ko. Ampangit nito!" Si Marius uli.

Napangisi na si Magnus sa bata. Pinatong niya muna ang attache case sa ibabaw ng desk at sinampay sa likuran ng executive chair ang jacket ng suit at hinarap ang dalawa. Sinakyan niya ang mga komento ng madaldal.

"Bakit? Ano ba ang kulang sa opisina ko sa tingin n'yo?"

"Dapat kasi mayroong ref diyan, o," at itinuro pa ang espasyo malapit sa desk niya. "Para kapag nagugutom ka, tatayo ka lang at kukuha ng pagkain sa ref mo. Tsaka dapat may TV rin dito o," at inapak-apakan ang espasyo kung saan gustong ilagay ang TV. Sa harap daw ng desk niya. "Para habang nagwo-work, pede kang manuod ng cartoons."

Bumunghalit ng tawa si Magnus. Napatingin sa kanya si Marius at sumimangot. Napahalukipkip pa ito at tiningnan siya nang masama. Ginulo niya ang buhok nito. Tiningala siya nito at binelatan.

"I don't watch cartoons anymore," sabi niya rito. Nang naningkit ang mga mata nito sa sinabi niyang English, nagpaliwanag siya sa Tagalog. "Hindi na ako bata, e. Kaya hindi na ako mahilig sa cartoons."

"E di cartoons pang-matanda ang panoorin mo," sabat naman ni Markus.

"May gano'n ba?" kunwari'y wala siyang kaalam-alam do'n.

"Oo naman! May mga pinapanood ding cartoons si mama, e," halos sabay na sagot nilang dalawa.

No'n lang niya naalala ang ina ng kambal. Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Bakit niya hinayaang maggala sa building nang sila lang ang mga anak niya? Hindi ba siya natatakot na mawala ang mga ito? Talagang napaka-iresponsableng ina ng babaeng iyon! Nakakairita ang katangahan.

"Nasaan na pala ang mama n'yo?"

"Hala!" halos sabay nilang sabi at tumakbo na palabas.

"Hey! Wait!" habol niya sa dalawa.

icon lock

Show your support for Gretisbored, and continue reading this story

by Gretisbored
@Gretisbored
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--a...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 32 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @Gretisbored.
PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)On viuen les histories. Descobreix ara