Chapter 17: Second Dose

9 1 0
                                    


Second Dose

Ashtria's POV

Naglalakad kami ngayon patungong VS building. Hindi na kami dun sa may gymnasium, iba na yung pinaggaganapan ng vaccination. Ngayon sa may building naman, mukha atang health center.

May malaking tent sa labas ng entrance at may nakalatag na mga upuan. Konti pa lang yung mga taong nakaupo, buti naman. Sinikap talaga naming makapunta dito ng maaga para naman di na kami mahuli sa list. Yung paggising ko pa lang ng alas singko, malaking effort na yun. Bihira lang akong magising sa ganung oras eh, hehe, kahit mag-alarm pa ko, wa epek pa rin.

Isa isa kaming umupo sa pang-unahang linya ng upuan.

Si Necky-Xainna-Ashelie-at ako.

Hindi namin kasama si Jack, sabay daw sila ng mga kaibigan niya. And speaking of kaibigan. Wala pa ang mga kumag.

Oh tingnan nyu, may pa'sabay na tayong pumasok' pa siyang nalalaman. Eh hindi naman na sa gym ang site ng vaccination ngayon. Nalipat na, pero malapit lang din naman yung gym dito sa kinaroroonan namin, nasa may left side lang katabi nung CR na nakaseparate sa health center.

Sinilip ko ang cellphone ko kung may text na ba siya. Hindi pa siya nagtetext? Balak ata kaming pag-intayin ng mokong na yun eh.

Haysss... bahala nga siya.

Ibabalik ko na sana ang selpon ko sa bulsa nang may tumawag. Sinilip ko ang caller. Yogurt. Agad kong pinindot ang answer botton.

"Hello Yogurt?"

[Huh?] weyt! hindi boses ni Phyzer yun ah.

"Hello?"

[Ayyy... Yooh ate Ashtria!] si Jack pala. Ba't nasa kanya selpon ng lalaking yun.

"Oh Jack! Bat na sayo selpon niya? At teka nga Asan na ba kayo? Andito na kami sa VS."

[Huh? Andito na kami sa gymnasium, pero mukhang wala atang tao.] si Luke ang sumagot.

Seryuso ba sila? Pfft... diba sila nainform na iba na yung site ng vaccination?

"Ba't kayo nandyan?"

[Huh?! Diba dito yung VS... wag nyung sabihing hindi natuloy? Wala namang tao dito ni isa.] si Meghan naman ngayon ang sumagot.

"Mga shunga ba kayo?" nagpipigil ako ng tawa. "Hindi ba kayo nainform na iniba nila ang site ng vaccination... sa may health center na. Katabi ng gym!" yan puro kasi katarantaduhan inaatupag.

[Ahhh... ganun ba ate Ashtria? hehe...]

"Pfft... bakit? kanina pa ba kayo dyan?"

[Hindi... kararating lang namin. San ba yung bagong venue para mapuntahan na?]

"Sa tabi lang ng gym, kumanan kayo, tas may makikita kayong mga tao... dun na--"

[Cut that crap!] narinig kong may parang humablot nung selpon at basta nalang akong pinatayan. Aba.... walang modo.

Hmp... bahala nga siya.... hindi ko siya papansinin mamaya. Bahala siya sa buhay niyang pagselosin yung pinakamamahal niyang ex.

Ikinross ko yung braso ko sa dibdib. Kainis!

Kinilabit ako ni Ashelie.
"Napano ka ate? Okay ka lang?"

Tumango lang ako sa kanya. Wala na akong gana magsalita.

Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may umupo doon sa bakanteng upuan. Hindi ko ipinahalatang nagulat ako nang makita siya, ngumiti siya sakin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Errr....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love At First DoseWhere stories live. Discover now