Prologue

38 5 0
                                    

Mahal kong Diary,

Today is vaccination day.

Medyo excited ako, na medyo natatakot, na medyo kinakabahan, na natatae. Basta, halo halo emosyon ko.

At ngayon ay naghahanda na kami para dun.

Pero napaisip ako.

Tama kaya yung rumors nila na hanggang 2 years nalang daw ang tagal ng isang tao kapag nabakunahan?

Parang ayaw ko na tuloy tumuloy.

Kasi paano kung legit yun?

Marami pa kaya akong mga pangarap... tulad ng pangarap na makatapos ng pag-aaral, makatulong sa family, magkaroon ng sariling bahay, lupa, negosyo and many to mention... tas syempre magpapakasal pa kami ni crush... ansama naman pag di natuloy yun.

Tyaka marami pa akong di naiiexperience at gustong subukan sa buhay...
Tulad ng pagkain ng kimchi, ddukbokki, tas yung rice cake, tyaka yung ano... ano tawag dun... sa pork na niluluto tapos kinakain directly sa pan. Basta yun..

Curious din ako sa lasa ng magnum, mapait ba yun??

Tyaka gusto ko ring maexperience sumakay ng eroplano, tas pag magte take off at nasa eri na, tyaka aku lalabas, dun ako papatong sa pakpak ng eroplano. Then gusto kong langhapin yung hangin, sariwa kaya??

Tyaka marami pa akong di napupuntahan, gusto ko pang pumunta sa London Bridge sa UK at tatanongin si Bridge kung bakit siya na fall, tas didiretso na ako sa france para makapagselfie dun sa may higanting tower. At magkikita pa kami ni Mickey Mouse sa Hongkong Disneyland tulad ng childhood dream ko. And then... ahm... ano pa?
Ahh basta, susuyurin ko ang buong mundo. Hindi lang yung mundo, pati kalawakan at planeta.

(lakas mo maka daydream, enchanted kingdom nga dito lang sa Pilipinas di mo pa napuntahan)

SHATTAP DIARY!! walang masamang mangarap.

(Okay, continue)

Yun na nga, pagkatapos ko masuyod ang buong mundo---(paturok ka na, hindi mo masusuyod ang buong mundo kung di ka fully vaccinated)

Epal ka talaga Diary. Ohh segi na nga... bye na. Tinatawag na ako ni mama.

Balitaan nalang kita, okay?

And cheer your boss up;)

Nagmamahal,
Ashtria

Love At First DoseWhere stories live. Discover now