Chapter 8: Modules Distribution

3 1 0
                                    


Modules Distribution

Ashtria's POV

Today is Monday at time na para isauli ang mga modules namin. Ngayon kasi ang schedules ng modules distribution. At ngayon ay naglalakad kami patungong sakayan ng jeep.

"Ashtria! Are you done na ba? Come on make it fast!"

"Wait lang malapit na talaga! Promise" halos hindi ko na makilala sulat ko dahil sa sobrang bilis ng pagsusulat ko habang naglalakad papuntang sakayan.

"Wala bang mas bibilis yan! Hayss... kailangan na nating umalis."

"Ehto naah! Malapit na nga!"

"Ate! Bilisan mo! Aalis na yung jeep!"

Waaahhh... halos sasabog na utak ko sa kakadali. Tinatime pressure na naman nila ako.

"WAIT LANG! XAINA ANO YUNG EM WAVE? TULUNGAN NYU KO! ANOOO YUNGGG EM WAAAVVVEEE!!!" malakas na sigaw ko. Pressure na pressure na talaga ako. Dumagdag pa 'tong physics na 'to. Lalo lang akong nabaliw, ambobo ko pa naman sa science na subject huhu.

"Wag ka ngang sumisigaw!! Aytss. Sa jeep mo na nga lang yann taposin... kahit kailan talaga ang kupad kupad mo!" sermon na naman sakin ni Necky.

Pano ako madaling matapos, eh naglalakad ako habang nagsusulat, tas tinutulak pa nila ako. Ang hirap-hirap kaya nun. Samahan pa ng palaging pagkahulog ng ballpen ko kasi palagi kong nabibitawan. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, maprepressure din talaga kayo.

"Wag nyu na nga akong bulyawan... eh kung tulungan nyu kaya ako dito para matapos na 'to!"

"Hayss... akin na nga yann!" inagaw ni Necky sakin ang modules ko. "Pasok na dali!" tinulak niya ako papasok ng jeep. Tumama pa yung tuhod ko sa may sahig.

"Aray ko! dahan-dahan naman!" reklamo ko. Magkakasugat pa ako sa ginagawa niya eh.

"Ano?? okay na ba kayong lahat dyan? Patatakbohin ko na 'to!" rinig kong sigaw ni Mang Tope, yung driver ng jeep, nasa unahan na siya't sinisimulang paandarin ang makina ng sasakyan.

"Okay na po Mang Tope! Larga na po tayo!" sigaw naman ni Necky.

"Teka--" halos mapasigaw ako ng bigla nalang umandar ang jeep at nagsimula itong tumakbo. Eh hindi pa ako nakaupo eh, kaya ang ending natumba tuloy ako. Natamaan ko pa ang ibang pasahero.

"Aray ko!" daing ko habang bumabangon. Nang makabangon na ako ay tumingin ako sa mga pasaherong natamaan ko.

"Pasensya na po kayo!" hingi ko ng pasensya sa mga natamaan ko.

Dahan dahan akong pumunta sa may bakanteng upuan sa tabi ni Necky. Nang makalapit na ako sa kanya ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Ansama mo! kita mong di pa nga ako ready eh... natumba tuloy ako." nakanguso ko siyang tiningnan. "Tapatin mo nga ako Necky! May galit ka ba sakin hah?" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Oo! Pero kunti lang naman!" nakangiti niyang sagot. May pangiti ngiti pa siyang nalalaman eh. So may galit nga siya sakin?

"Anong nakakatuwa dun?" natuwa ba siyang nasaktan ako. Hmp, peyk prends talaga.

"Haysh! Ewan ko sayo, taposin mo na nga lang yang modules mo. Baka mahuli ka pa dyan at mabulyawan ka ni Ms Parrot! Ayaw pa naman nun ng nahuhuli." makabulyaw naman toh. Mabait kaya si Ms Parrot.

"Oo na nga po! Baka pwede nyu po akong tulungan?"

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago niya ibinigay sakin yung modules niya. Parang labag pa sa loob niyang ginawa iyon.

Love At First DoseWhere stories live. Discover now