Chapter 10: First Kiss

5 2 0
                                    


First Kiss

Ashtria's POV


"Tigil muna tayo! Napapagod na ako!" nangangalay na reklamo ni Necky. Umupo siya sa may bench sa ilalim ng puno kung saan kami huminto.

"Sa'n na ba kasi yung babaeng yun?" halos nilibot na namin kasuloksulokan ng school na toh hindi pa rin namin siya nahagilap.

Halos kalahating oras na ata kaming naghahanap kay Xainna. Pero ni anino niya wala kaming nakita. San ba kasi nagpunta yung babaitang yun- or should I say saan sila nagpunta nung mga kasama niya?

Hayss, naupo nalang din ako katabi ni Necky.

"What if lumabas nalang kaya tayo ng school? Malay nyu umalis na pala sila, idi nagsayang lang tayo ng muscle cells sa paghahanap sa kanila!" sambit ni Necky. Nga noh? Bat di namin yun naisip? Baka nga nakalabas na sila ng school.

"Pero malay nyu din na andito pa pala sila at di pa nakakaalis?" napaangat ang tingin ko kay Ashelie. "Tyaka di pa naman natin nasilip buong building ng school, malay nyu andun pala sila sa may senior high's building!" may point si Ashelie. Hindi pa namin yun nasilip.

"Segi! Try natin dun sa senior high's building." baka naligaw sila dun.

Tumayo ako at hinila si Necky. Pero hindi siya tumayo sa kinauupuan niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Kayo nalang! Tinatamad na ako... antayin ko nalang kayo sa may gate. Dalian nyu ah."

Pinanliitan ko siya ng tingin pero hindi nalang din ako nagpumilit. Alam kong pagod na siya, ako din naman eh.

"Segi na nga! Tara na Ashelie!" hinawakan ko siya sa kamay at nag-umpisa na kaming naglakad patungong SH building.

Malayo layo ang SH building kaya nakakatamad din minsan pumunta dun. Pero dapat parin masanay kami lalo nat grade 11 na kami next year.

Nang saktong pagtapak namin sa aisle ng building ay may narinig agad kaming ingay. Sinundan namin ang ingay na yun at dinala kami nun sa isang room sa may second floor. May dalawang lalaki dun na sumisilip sa may bintana, hindi si Xainna kasi malamang lalaki nga eh, pero naaninag naming si Jack iyon at.... yung kumag na Phyzer.

Anong ginagawa nila jan? Bat sila sumisilip? Tyaka asan si Xainna? Hindi ba nila kasama?

Dahan-dahan kaming lumapit sa kanila. Napalingon naman sila samin.

"Jack--" tawag sana ni Ashelie pero pinigilan siya ni Jack.

"Shhhh..." suminyas siya na wag maingay.

Napatingin ako kay Phyzer na seryusong nakatingin sa loob. Lumingon siya sakin at bigla niya akong sinamaan ng tingin. Yung tingin na nagsasabing 'subukan mong gumawa ng ingay, patay ka sakin'.

Napalingon ako sa tinitingnan niya. Pero wala naman akong makita ah, parang wala ngang tao eh pero may naririnig akong nag-uusap sa loob.

Nagtataka akong napatingin ulit sa kanya. Ano ba yung tinitingnan nya?

Dahil sa kacuriousan ay sumingit ako sa kanya para makita ko ng maayos ang tinitignan niya. Nakahawak yung dalawang kamay niya sa bintana kaya para tuloy nacorner niya ako.

Nang mapatingin ako ulit sa harap ay malinaw ko nang nakita ang nag uusap. Si Mrs Dacua pala at may kausap siyang babae na hula ko istudyante ata niya. Nakangiti yung babae, di ko napigilang mapatitig sa mukha niya. In all fairness ang ganda ganda niya, hindi ko siya namumukhaan, mukhang bago lang siya dito. Siya ba yung tinitingnan nitong Phyzer na toh.

Napalingon ako sa kanya na nasa likod ko. Nang makita ko ang mukha niya ay nakatingin lang siya dun sa girl.

Ahh gets ko na! Ayaw niya kaming paingayin dahil baka marinig nung girl at mapalingon ito samin. Idi maboking siya pag ganun.

Love At First DoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon