EPILOGUE

13 8 1
                                    

EPILOGUE

BAGONG eskwela at bagong mga tao, pero never ko namang naisip na mahihirapan ako sa tuwing lumilipad ako ng school.

Thankful ako dahil nalaman ko ding halos lahat ng mga kaklase ko noong grade school ay dito rin pala nag aaral. Kaya agad kong kinon-tact si Client para samahann ako sa unang araw ko.

Nang una kong makita ang school ay maganda kaagad ang naisip ko. Madaming tao at unaasahan ko na ding dadami ang madadagdag sa magiging kaibigan ko.

Sabay kaming pumasok ni Client dahil hindi ko kabisado ang school, okay lang kasi kay Client dahil medyo matagal na sila rito halos lahat kasi ng mga naging kaklase ko ay malapit lang dito ang mga bahay na tinitirhan nila samantalang ako kailangan ko pang sumakay para makauwi.

"Ikaw... wag kang lalayo sakin baka mawala ka masyadong malaki ang school." Paalala sakin ni Client.

Natawa naman ako sa sinabi niya, para kasi akong batang walang muwang, at nakakatuwa lang dahil nag aalala din pala siya sakin.

Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng nakatulala lang sa building. Maigi ko siyang pinagmasdan at mukhang wala naman siyang ibang kasabay kaya agad na akong lumapit sa kaniya at iniwan si Client.

Huminto ako sa gilid niya at medyo nakakaramdam ako ng pag-aalinlangan, pero bahala na. "Ah.. Miss ayos ka lang?" tanong ko.

Bumuntong hininga lang siya. Ni hindi niya man lang ako pinansin.

Akmang mag lalakad na siya, kaya dali dali ko siyang hinarangan. "Miss ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Nakatingin lang siya sakin at parang may gulat sa mga mata niya. Magsasalita na sana ako nang biglang sumigaw si Client. "Hoy! baka maiwan kita. Sige ka baka maligaw ka!"

Napakamot ako sa ulo saka ko siya nilingon at kinawayan. . "Oo andiyan na saglit lang!" sigaw ko din sa kaniya, agad ko din namang binalik ang pansin sa babaeng nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nahiya ako bigla. "Distorbo kasi 'tong si Client."

I cleared my troat, hindi ko alam ang sasabihin. Napakamot ako ng sa ulo. "Ah... mukhang ayos ka naman. Sige.. see yeah!" nakangiting paalam ko sa kaniya saka ako tumakbo palayo papunta kay Client. Natawa pa ako nang asarin ako ni Client dahil sa babaeng kinausap ko.

Hindi naman big deal iyon dahil natural lang sakin na pansinin lahat, wala naman akong pinipiling tao basta tao kinakausap ko na.

Napalingon naman ako sa babaeng kinausap ko. Bahagya akong nagulat nang makita ko siyang ngumiti.

MATAPOS iyon ay nalamn ko ding kaklase ko pala siya. Nagulat pa ako nang malaman kong kaklase ko pala siya. Nahiya pa ako ng kunti dahil sa mga sinabi ko sa introduction kanina.

Simula noon ay lagi ko na siyang pinagmamasdan. May kung ano sa kaniya na wala sa iba. Tahimik nga siya pero parang sumisigaw naman ang mga bagay na nasa isip niya.

Nakwento ko na din siya sa mga naging babaeng closed friend ko noong grade school, sina Venus at Shaira. Na-iimagine ko na ding parang magiging masaya ang buong tao dahil lilipat sila sa pinapasukan namin ngayon.

Nakwento ko din sa kanila ang nararamdaman ko tungkol kay Arish na tinatawag kong AR. Bigla ko lang din siyang tinawag na AR, hindi ko lang alam kung bakit ko ba siya tinawag nag anon basta natawag ko lang siyang AR.

Hindi lang nagtagal ay lumipat na nga sila sa school namin. Aamin na sana ako kay AR nang bigla silang dumating. "Bakit ba naman kasi ang dami dami nilang mga asungot? Hindi ako makakilos ng maayos!"

Matapos ang pangyayaring iyon ay wala na akong pagkakataong makausap ng solo si Arish. Habang tumatagal kasi ay parang lumalayo siya sakin, mas dumadami ang taong lumalapit sa kaniya habang ako parang na pi-fade away na lang sa mga mata niya.

Hanggang isang araw, nagrepresenta akong lalabas para pumunta ng convience store. ang totoo wala naman akong bibilhin dahil wala naman talaga akong pakay. Ewan ko ba parang nagpadalos dalos na lang din 'tong bibig ko. Masyado naman ata akong nagiging mabait.

Pero

Ang ending, kaming dalawa ni AR ang magkasama. Parang may maganda ding na idudulot ang pagiging mabait ko minsan.

Nakasunod lang siya sakin, at masyadong tahimik ang buong paligid. Gusto ko sanang gumawa ng topic para hindi siya ma bored, pero parang walang nangyari noong nagsimula na ako. Gusto ko sana umusad kami sa kung anong meron samin pero wala parin ang hirap niyang abutin.

Huminto kami nang nag red na ang sign ng traffic lights. Napakatingin lang ako sa kalsada at tahimik lang din ang babaeng nasa likod ko. Ang dami ko kasing iniisip, at ang dami kong gustong gawin para lang ma express ko ang sarili ko sa kaniya pero heto kami ngayon para kaming mga daga.

"UMALIS KAYO DIYAN!" malakas na sigaw ng isang babae mula sa kabila habang dinuduro nito ang itaas.

Napatingin naman ako roon at nakita kong unti-unting nakakalas ang tali ng mga bakal mula sa taas. Nanlaki ang mata ko nang makitang bigla itong naputol kaya naman biglang nablangko ang isip ko at agad kong itinulak ng malakas si Arish. Matagumpay ko siyang naitulak nang akmang tatayo na ako bigla na lang may kung anong tumama sa ulo ko.

Bakit sa ganitong paraan?

Bakit parang ang aga naman ata?

May nagawa ba akong mali?

Huh? So, ganito mag tatapos pala ang buhay ko na hindi ko man lang naaamin ang nararamdaman ko.

"Your smile is my only light"

AOMINE

Solicitious Of Aomine [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon