CHAPTER TWO

12 7 0
                                    

CHAPTER TWO

          “HELLO Goodmorning. I am Alanderia, Aomine. Nineteen years of age, nakatira diyan lang sa malapit. My hobbies are playing tennis, playing piano, guitar, sketching at maraming pang iba. Ang gusto kong motto is… naiinlove ako sa mga taong pala ngiti 'yon lang tapos na.” nakangiti nitong sabi sa harapan ng klase.

          Pariho kami ng course at kinakabahan ako. Ang daming tao bakit?!

          “Uhh… naiinlove pala siya sa mga palangiti” rinig kong bulong ng isang babaeng nakatingin lang sa lalaking nasa harapan.

          MATAPOS nilang lahat magpakilala ay ako na lang ang naiwan. Nagdadalawang isip ako kung magpapakilala ba ako o hindi.

          Ang kaba kasi na nararamdaman ko ay parang domoble pa sa normal kung nararamdaman dati.

          “Next..Miss Del Nova.” Tawag sakin ng instructor.
          Bigla natumaas ang balahibo ko nang makirnig ko ang pagtawag sakin. Dahan dahan akong tumayo at nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin maliban sa lalaking nag ngangalang Aomine.

          Nakayuko lang akong naglakad papunta sa harapan. Nararamdaman kong namamawis na ang mga palad ko.

          Humarap ako sa kanila at tila hinihintay lang nila ako na magsalita. “Ah.. Ako nga pala si--” Hindi ako nakatapos sa pagsasalita nang biglang tumayo ang lalaking nasa harapan ko.

          Nagulat ako saka ko tinakpan ang mukha ko. “Oh! Ikaw yung babae kanina!” sigaw niya.

          Napatulala lang ako habang nakatingin lang sa kaniya.

          “Hoy Aomine, umupo ka nga.” Sabi ng lalaking sumigaw kanina habang hinihila nito ang damit ng lalaking nakatayo sa harapan ko.

          “Hello ako nga pala si Aomine. Ikaw anong pangalan mo?” aniya sabay abot ng kamay niya sakin.

          Tatanggapin ko ba o hindi?

          “Bakit ba siya laging nakangiti?

          Napalunok ako. “Ako nga pala si Arish Del Nova. Nagagalak akong makilala kayong lahat.” Pakilala ko saka ako bumalik sa upuan ko.

          Hindi ko tinanggap ang kamay ng lalaking 'yon kinakabahan ako at pakiramdam ko wala ako sa posesyon para makipag kamay sa kaniya.

          Sana lang wag siyang magalit sa nagawa ko.
 
 
 

Solicitious Of Aomine [COMPLETE]Where stories live. Discover now