Pinalipas ko ang boredom sa pagsagot sa mga chat ng mga dati kong kaklase.

Nang sumapit ang tanghalian ay sinundo ako ni Manang para kumain.

"Manang tutulong ako ulit for dinner-"

Kusang naputol ang nga sasabihin ko nang mabungaran si Kleindro sa hapagkainan.

Aba himala.

Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin ang paninitig ko.

"What? Umupo ka na gutom na ako."

Inikot ko ang mata sa kawalan at naupo sa kanyang harapan.

Hindi ko talaga sya maintindihan. One day he's sweet and thoughtful then the other day he's uncaring, savage, and arrogant.

"What are you thinking?" tanong niya habang peraho kaming naglalagay ng pagkain sa aming mga plato.

"My wounds are healed..."

Ibinaba niya ang bandehado na may lamang kanin at tinaasan ako ng kilay.

"So?"

"I'll go for a swim. Mamaya pag hindi na mainit."

"Sa pool backyard?"

"No. Sa dagat."

Kahapon ay napagawi ako sa halamanan at nakita ko ang isang sementadong hagdan pababa sa dagat at gusto kong subukan na lumangoy doon.

"Sige magpapalagay ako ng sun lounger. Anything else?"

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Kailan tayo babalik sa Manila?"

"It's not safe yet."

Nanahimik ako at hindi na tumutol. The last time I did, maraming napahamak.

Pinalipas ko ang natitirang oras sa likod bahay. Wala akong ibang ginawa kundi humiga at tumitig sa kawalan. Presko ang hangin kaya ilang oras din akong nakatulog at pag gising ko ay pababa na ang araw.

Ang mga damit ko ay maayos na naka arrange sa malaking closet kaya doon ako dumiretso. Si Kleindro ay nasa kanyang opisina.

Napanguso ako nang maisuot ang nag iisang damit na panligo doon. Ilang ulit akong umiling matapos masipat ang sarili ko sa salamin.

Malaki ang uka ng one piece swimsuit sa likuran, may takip nga ang tiyan ngunit sikip naman sa parteng dibdib.

Tahimik akong nagpalit ng damit, isang puting t-shirt at denim shorts.

Bitbit ko ang polaroid camera palabas ng kuwarto kaya naisipan kong dumaan muna sa opisina ni Kleindro para ayain siya.

Kumakalabog ng malakas ang puso ko habang binubuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan.

"Yes, Chelsea. Do that please," narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Come on para ka namang iba, just like the old day shits- Vanna."

Ang ngiti niya habang nakaupo sa swivel chair ay biglang naglaho kaya naman ang malditang bahagi ng aking utak ay umiismid na.

"Hi! May kausap ka?" pilit kong pinasigla ang boses.

Obviously, meron.

Madali syang nagpaalam sa kausap. Parang isang batang paslit na nahuli sa kalokohan.

Humigpit ang hawak ko sa polaroid. Kung hindi iyon makapal siguradong durog-durog na iyon sa aking kamay.

"That's... Kara, a client," paliwanag niya kahit hindi ko hinihingi.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon