Ayoko man ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Litaw ang mestisa niyang balat sa suot na long sheath dress. Kulay champagne iyon kapares ng stilleto at may slit sa magkabilang gilid.

Palihim akong napasulyap sa suot kong corset styled top at bulaklaking silk shorts. Nakaka out of place

"At talagang ramdam na ramdam mo ang pagka reyna rito? Palibhasa sinusunod ng anak ko ang lahat ng gusto mo."

Maging ang mga bodyguard ay nakita kong natigilan.

Nagkatinginan sina Roy at Jeff at saka parehong sumulyap sa akin. Ngumiti ako agad para siguraduhing ayos lamang ako.

"Tutulong naman po ako sa mga gawaing bahay..."

"Tutulong? Bakit marunong ka ba?"

Hinarap ako ng ginang kaya ilang ulit akong napalunok.

"Hindi po pero pagtutunan ko naman..." nakayuko kong sagot.

Tumawa siya ng pagak at saka ako sinipat mula ulo hanggang paa.

"Ano bang nagustuhan ni Kleindro sayo? Wala namang espesyal. Mas may kurba pa sayo ang katawan sekretarya ko!"

Lumapit siya ng ilang hakbang kaya natuod ako sa kinatatayuan ko. Pinakatitigan niya akong mabuti, tila reynang naghahanap ng butas para magpalayas ng alipin sa palasyo.

"Pinikot mo siguro ano?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi po! Hindi ko po pinikot-"

"Eh bakit pala nagmamadaling magpakasal sayo?"

Napipi ako.

Nasa pinirmahan ko na hindi maaaring malaman ng kahit sino ang tungkol sa six months contract. Lalo na ng ina niya.

"Oh kita mo na? Pinikot mo-"

"Kusa po akong pinakasalan ng anak ninyo!" Half lie. "Kung may problema po kayo sa kasal namin, kay Klein na po kayo dumiretso-"

"Inggrata!"

Nanlilisik ang mga mata niyang nakadirekta sa akin.

"S-Sorry po... H-Hindi po iyong ang ibig kong sabihin-"

"Wag mo akong hawakan!"

Tinabig niya ang kamay ko nang akmang hahawakan ko siya.

Ibinaba ko ang kamay at nagyuko.

"Makakarating kay Kleindro ang ginawa mo sa akin!" madrama niyang sigaw.

Namutla ako agad ng makita ang poot sa kanyang mata.

Hindi ako nag-aalala na baka malaman ni Kleindro dahil wala naman akong ginagawang masama, kundi sa posibilidad na tumaas ang alta presyon niya.

Nakatulala lamang ako habang nagmamartsya siya palayo kasunod ang isang bodyguard na may dalang payong at pamaypay at isang alalay na nag-abot naman ng tubig.

"Miss Vanna ayos lang po kayo?"

Tipid kong nginitian si Roy.

"Ayos lang..."

"Miss, kung gusto nyo po kami na ang magsasabi kay Mr. Lavaigne nang nakita namin."

"Hindi na, Roy. Marami nang pinoproblema si Klein, wag na nating dagdagan."

"Pero Miss-"

"Ayos lang talaga," sinulyapan ko ang pagkaing nakahain sa lamesa. "Kain tayo?"

Wala silang nagawa. Sinabayan nila ako sa pagkain, pagkatapos ay napagpasyahan kong lumabas para mamasyal sa park na nasa loob ng subdivision.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon