Napailing na lang ako nang si Klein mismo ang magbukas ng pinto para sa akin.

Ang tanong na iyon ay mas lalo pang nadagdagan nang makapasok kami sa loob ng isang hotel. Ang buong byahe nga namin ay halos hindi ko napagtuunan ng atensyon dahil inaantok pa ako pero nang bumulaga sa harap ko ang mga empleyado sa hotel ay agad na nawala iyon na parang bula.

Nakahanay ng dalawang linya ang mga unipormadong staffs. Sa kanan namin ang mga babae at sa kaliwa ang mga lalaki.

Isang may katandaang lalaki ang lumapit sa amin. Ang kanyang name plate ay may nakasulat na manager.

Ipinakilala ako ni Kleindro pero hindi na ako sumingit pa sa usapan dahil ibang lengwahe ang ginagamit nila.

Ang matanda rin ang naghatid sa amin patungo sa elevator habang ang mga bodyguard naman ay nakihalubilo sa crowd na parang normal lamang silang mga bakasyunista sa hotel.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Tahimik lamang akong sumunod hanggang sa maiswipe ni Klein ang isang keycard sa may pintuan. Kinailangan pa niyang mag enter ng six digits passcode para bumukas iyon.

Agad niya akong nilingon at nilahad ang pintuan. Nagkibit-balikat naman ako at lumakad papasok.

Literal yatang nahulog ang aking panga nang sumalubong sa aking mata ang biglaang pagliliwanag ng paligid dahil sa mga ilaw na bumukas lamang ng tumapak ako sa loob.

Hindi ko maiwasan ang paghanga habang hinahagod ng tingin ang pinagsamang moderno at kontemporaryong disenyo sa loob. Ang mga vases ay halatang antique ngunit ang mga kasangkapang namataan ko ay moderno. Classic at elegante.

"Nagustuhan mo?"

Hindi ko na kailangang magsalita dahil sa nakangangang bibig ko pa lamang ay kitang-kita na ang sagot.

Hinila niya ng marahan ang aking kamay at tahimik akong iginiya patungo sa isang silid.

Hindi ko na halos natingnan ang disenyo at ayos niyon dahil may remote control na pinindot si Klein at sa isang iglap dahan-dahang bumukas ang kurtinang nakatabing sa floor to ceiling glass wall.

Oh my God! Hindi to pwede!

Nanlalaki ang mga mata ko nang mapalingon ako sa kanya.

Ngumisi si Kleindro at muling iminuwestra ang napakagandang tanawin sa labas.

"Welcome to Santorini Greece..."

Hindi pa siya halos natatapos sa pagsasalita ay agad na akong tumalon para yakapin siya. Wala naman siyang nagawa kundi buhatin ako at suportahan sa pagkakalingkis sa kanya.

Goodness! Matagal ko nang gustong makarating dito! Highschool pa lang pinag-iipunan ko na ang trip para makapagbakasyon dito kahit saglit lang.

"P-Paano mo nalaman na..." nabasag ang boses ko.

"Alam ko lang," balewala niyang sagot at nanatili pa rin sa pagkakayakap sa akin.

Kumurap-kurap ako para pigilin ang nagbabadyang luha.

"Masaya ka ba, Vanilla?"

Tumango-tango ako kahit hindi naman niya kita.

Sobrang saya, Klein.

Hinayaan nya muna akong magpahinga at namnamin ang dagat na tanawin sa harapan. May kausap siya sa telepono kaya hapunan na nang akyatin niya ako.

"Magbibihis lang muna ako- Teka wala akong... Okay salamat."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon