”Tapus?”  tanong ni Klient habang nakasiksik kay brix.”Na-nalaman ba ang dahilan kung bakit nagpakamatay? At kung bakit nasunog?” sunod na tanong ni brix.

Umiling si zedrick saka tumingin kay Marvin kaya napatingin din kami dito. Pero nagtaka nalang din kami ng umiwas ito ng tingin.

”Hindi nalaman ang dahilan. Hanggang ngayon! Pero base sa balita isang multo at nagmumulto padin hanggang ngayon.”

Sabay sabay kaming napakuha ng kumot dahil sa Salitang Multo. Kung nang aasar man to? Sana bangungutin sana bukas.

”Teka sandali? Eh bakit sabi pinatay ang dating ssg president dito?”

”Tama ka.”

”Bakit pinatay?” tanong ko habang nananayuan ang mga balahibo ko. Tang*na gabi pa naman ngayon mga tsong.



“To be honest,  Bago si Nica Marie may isang Ssg president dito na namatay at yon ang simula kung bakit naging Mysterious University ang Paaralang ito.”


”Sino?”


”Si Ayesha. Ayesha Janice Safra s‘ya ang Ssg president na naging Mysteryuso ang pagkamatay. Simula non sunod sunod na ang patayan dito.”

”Teka,  Ba’t alam na alam mo lahat ng kwento Zed? Naku dre may lihim kabang hindi namin alam?”

“Teka nakakalito. Eh sino ba talaga ang totoong Owner nitong University.”



“Si mystein.”

Sabay sabay kaming napalingon kay Marvin. “WHAT?!” kaming lahat pati si zed nakiki what nadin amputang*na.


“What? Are you kidding me? What the h*ll are you talking dude?”

“Oo nga dre? What the h*ll are you talking?”


“Highschool non si Mystein at close bestfriend n‘ya si Ayesha. Bago dumating si alex kay mystein mas naging close si Ayesha at Mystein.  Dito nag aaral si mystein nong highschool silang dalawa ng kaibigan n’ya pero nong patapos na ang klase biglang nagbago lahat biglang nagkagalit si Mystein at ayesha hindi alam ng lahat na si Mystein ang may ari ng University nato.”

”Eh bakit,  Monteverde University to dati? At hindi Luxwell University?”


”Kinuha ni mystein ang apilyido na Monteverde nong makilala n’ya si Zedrick 11 years old si Mystein nong makilala n’ya si zedrick nalaman n’ya din ang Apilyido nito kaya naman nong nangako si Zed na pagmagkita sila ni mystein ay liligawan n’ya ito kaya naman nag hintay si mystein at nagpatayu ng paaralan. Nong una wala s’yang paki alam sa paaralan nato katuwaan lang tapus isang araw nagising nalang s’ya na sikat na University nato.”

”Diba dito din nag aral si Sk? Ba’t di sila nag kita nong mga bata pa sila.”

”Dahil wala pa si Sk dito.”

”Anong nangyari kay Mystein at Ayesha?”



”Nong patapos na ang klase bigla nalang di nagkasundo si Mystein at kaibigan n’ya. Hanggang sa isang araw nakita nalang nila si Ayesha na nagpakamatay simula non nabago ang takbo ng University wala ng paki alam sa isat isat kung may patayan na maganap. Nasunog ang dating lunch counter dahil sinunog ito ni mystein after non nagpasya si Mystein na Umalis sa University nato at don din ang time na pumasok ang kambal ni zed dito. Inanggkin ang University nato at pinalitang n Mysterious University dahil lahat ng nangyayari dito di nila maexplain.”


“Pano nabalik si mystein dito?” tanong ni Arvin nagkibit balikat naman si Marvin saka tumingin ulit ito kay mystein.

“Bakit ni Isa walang alam si mystein sa mga nangyari dito? Ba’t wala s’yang matandaan?”

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now