22

631 62 2
                                    

Sumunod kaming apat palabas ng Conference room. Mabuti nalang at wala pa si mystein dito.

“Alam mo ba ang tugkol dito ken? Ba’t di mo sinabi samin na si Uno pala ay si Zedian Drake? Pano mo naitago to huh?”
Galit si jay jay na humarap sa‘kin kaya naman nasa may pinto pa kami nakatayu. “Tapus? Anong sinasabi n’yang mahal? May sekreto kabang di sinasabi sa‘min?” tumingin ako sa kan’ya. Diritsu sa mga mata n‘ya.

“Wala,  at kung meron man sa’kin nalang.”
Sagot ko saka tuluyang umalis.

Hinanap ko si Uno para kausapin. Pero tila di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung pano matumba si mystein dahil sa pagtulak nito.


___

√Alex Point Of View√

•••••••••••••

Papasok  kami ngayon ni mystein sa M.U , kung tatanungin n’yo kung ano ‘yong nangyari kanina sa bahay nila Lixian? Wala naman bumili lang sila ng isang dosinang yelo para sa pasa ni mystein sa mukha dahil sa natamong sampal. Tapus bumili ng isang dosenang tissue pamunas sa luha ni mystien na ang akala nila umiiyak talaga.

Eh hindi naman umiiyak si mystein non eh. Tawang tawa dahil sa inis. Nakakaloka diba?

Ngayon naman ito tulala at tila mas malamig pa sa ice kung titignan ang mukha nito.

Ang mas malala pa,  alam kung galit sa kan’ya si Ms Thea dahil sa nangyari dahil napahiya ito. Panigurado maibabagsak s’ya nito sa  math subject.

“Gusto mo bang kausapin ko Si Ms Thea para sa‘yu? Alam kung di n’ya alam kung sino si Marvin kaya naman ganon nalang ang galit n’ya sa‘yu kung ba’t mo pinatalo ang quiz.”

Sabi ko , pero tila isang hangin lamang ang nakakausap ko dahil ni isang boses na lumabas sa bibig n’ya wala akong natanggap.

Kung ilalarawan ko ngayon s‘ya.

Ang mukha n‘ya walang reaction,  nakalagay din sa bulsa ng shirt n‘ya ang isa n’yang kamay at ang isa hawak ang black envelope.

“Alam kung galit ka mystein,  ramdam ko ’yon kahit di mo sinasabi pero pakiusap. Kahit ngayon lang kalimutan mo muna ang problema mo.”

“Ayuko na makiaway.”

“Wh-what?”
Takang tanong ko sa sinabi n‘ya. Ano ba kasi nasa isip niyo? Ang hirap basahin.

“Ayuko na maki away,  ayuko na sa gulo. Sawa na ako! Sawang sawa na ako. Gusto kulang ang mapayapa na buhay ’yong walang paki alam sa mundo.”

Nanatili akong nakatitig sa kan‘ya.“Unti-unti kunang naaalala lahat. At tila hindi ko gusto ang mga nakikita ko sa mga nakaraan ko. Hindi pa ako handa na malaman ang totoo kung pagkatao at kung ano talaga ang nangyari sa’kin.”


“M-mystein?”

”Huwag kang kabahan alex,  alam ko namang hindi ka part ng nakaraan ko bago ako nawalan ng malay diba? Kasi nawalan na ako nang ala ala bago pa kita nakilala.” nakangiting sabi n’ya sa’kin.

My-mystein? Tanging hulong ko sa isip ko ng pangalan n’ya.

Nabalik din ako sa pag iisip ng mapansing nasa M.U na pala kami at halos bumangga ako sa likuran ni mystein dahil sa biglaang paghinto nito.

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora