36

539 59 7
                                    

Nanatili kaming naka upo sa gilid habang naka bantay kay mystein. Yong halikang naganap kanina?wala na samin iyon mabilis naming nakalimutan at nanatili nalang na tahimik.

“Alam n’yo ba kung bakit sobrang mahalaga sa’kin ang kapatid ko?” napatingin kaming lahat kay Marvin ng magsimula itong magsalita habang nasa gilid ni mystein at hinahagod ang  buhok nito.“Kasi s’ya lang ang nagparamdam sa‘kin na mahalaga ako.” he said.

Lahat kami tahimik.

Walang may balak magsalita.

At pinapakinggan ang bawat boses ni marvin na bumabalot sa pagilid namin.

“Pre?”

“Hindi ako nagdadrama mga dude kung iyan ang nasa isip n’yo. Gusto kulang iparating sa inyo na masasaktan ako kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.” tumigil ito sa pagsasalita saka tinignan ang mukha ni mystein.



“Sa tuwing dumadaing s‘ya sa sakit ng ulo n’ya nadudurog at nadudurog ang puso ko.  Kasi sa totoo lang kahit sabihin nating magdodoctor ako pero wala akong magawa sa kapatid ko. Ni hindi ko matulungan sa tuwing sasakit ng ulo n’ya.”

“Lahat ng bagay mula sa simula palang ako na ang inaalala n’ya. Kahit sabihing Galit na galit si papa sa kan’ya pero heto nanatili padin s’yang nasa tabi ko.”

“Bakit ba kasi galit na galit si teto kay Mystein?” tanong ni Lixian.


“Hindi galit si Papa gusto n’ya lang iparamdam kay Mystein kung pano mabuhay ng mag isa. Laging sinasabi ni papa sa’kin na kahit anong mangyari huwag kung pababayaan si Mystein na lagi akong nasa tabi nito. Pero ngayon muntik na s’yang mapahamak dahil sa kagaguhan n’yo.”

“Dude,  wala naman kaming balak sa kapatid mo.”

“Accedente lang ang lahat pre.”

“Pasensya na dre.”  Isa isa kaming humingi ng tawad sa kan‘ya.

Oo na nagsisi na kami sa kagaguhan na ginawa namin. ”Si mystein nalang ang nag-iisang kapatid ko na natitira sa‘kin. Ikakamatay ko kung mawawala s’ya sakin.” he said.

“Hmmmm.” sabay sabay kaming napatingin kay Mystein ng Umungol ito.

Ito ang unang beses na hindi kami matutulog para lang bantayan ang nag iisang babae at dahil kasalanan namin ok lang naman maging ganito kami noh?

“Zed? May Punish paba si mystein?”

“Oo.”

”What? Hindi mo manlang pinagtanggol si mystein?”

“Board Officer ang kalaban ko.”

”But dude,  alam naman nating ikaw ang owner ng M.U diba? Kaya wala silang magagawa kapag kinontra mo ang mga patakaran nila.”

”I’m not the owner.” sabay sabay kaming napatigil dahil sa sinabi ni zedrick.

Nagmarka sa isipan namin ang sinabi n‘ya at hindi iniisip kung totoo ba ito o nagbibiro lang.

“Kidding.” natatawa na sabat ni Riley.

”Naalala n‘yo ba nong time bago naging Mysterious University ito? Nong Monteverde University ito ako ang may ari at pinamahala ko kay Teto. Yon din ang time na hindi ko alam na buhay pala si Sk bawat nagaganap na kababaglahan sa University na ’to alam ko dahil laging may nag uupdate sa’kin except sa pagsabi ng totoo na buhay ang kambal ko.”


”Ano ba kasi ang story ng University na to bago naging M.U?” tanong ko.

“Base sa nalaman ko merong studyante dito na nagpakamatay. Na  naging dahilan kung ba’t nasunog ang  lunch counter sa kabila.”

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat