33

609 65 3
                                    

Napatingin ako sa Groupo ni Mystein at Marvin na nasa gilid siguro nakinig sila sa usapan namin. Papalapit ako dito para dumaan pero huminto ako sa tabi ni mystein.

“Happy?” galit na tanong ko sa kan’ya.

“Sa tingin mo ba,  matutuwa ako pagnakikitang nasasaktan si Marvin dahil lang sa‘yu? One explaination is enough para maintindihan mo. At dahil bobo ka mas minabuti mong iwan si kuya kaysa manatili sa tabi n‘ya. Now,  tell me? Magiging happy ba ako?!”  walang pinag bago cold padin talaga s‘ya , hindi ko alam kung ayaw n‘ya sa‘kin o talagang ako ang dahilan kung ba’t kami naghiwalay ni Marvin.

Lahat ng nasa paligid namin halatang di nila alam kung ano pinag uusapan namin ni mystein.

“Huwag mo ding iisipin na ginunsto kung magkahiwalay kayo ni Marvin. Labas na ako d’yan kung magbabalikan kayo bahala na kayo sa buhay n‘yo at dahil ayaw n‘ya na better luck next time.”

Halos madurog ako ngayong araw. Napangiti ako saka tumingin ng diritsu sa mata ni mystein. “Hindi pa tayu tapus.” I said saka ko s’ya binangga at umalis.

___

√Alex Point of view√

•••••••

“Hala, ano problema non mystein? Ba’t galit na galit  sa‘yu? Inaway mo ba iyon?”

“Tinatang*na mo ba ako?” seryusong tanong ni mystein pabalik kay klient dahilan para mapanguso ito at siniksik ang mukha sa leeg ni brix.

Kung di lang member ng Cboys to? Baka naisipan kunang bakla ang mga ito eh.

“Ayan kasi masyadong matanong.” singit ni jay.

“Tumahimik kanga ,  Ang ingay mo.” pagsusuway ni Arvin dito.

“Anong maingay? Ngayon lang naman ako kumibo ah simula kanina,  kayo ’tong sobrang ingay eh akala n’yo naman nasa sabungan kayo. Dinaig n‘yo ang class 4-A sa ingay eh.”

“Anong class 4-A malay ko ba sa mga class 4-A na’yan ang sabi ko tumahimik ka kasi ang ingay mo.”

“ 4 words lang ’yon at 25 letters pano naging maging ingay agad ang kanong sinabi?”

“Ah wala akong paki alam sa 4 words at 25 letters mo. Maingay ka padin.” palipat lipat ang tingin namin sa dalawa. Nagtatalo ba sila? Para silang mga isip bata ah at bagay pa silang tignan.

“Best babe?” napalingon kaming lahat sa kaliwa ng biglang dumating si Marvin na tila.. Teka? Umiiyak ba’to? Amp!

”Hala,  umiyak ka dre?” pang aasar ni lixian.

“Walang masama sa pag iyak,  minahal ko din naman ang babaeng iniyakan ko.” He said saka tumingin sa gawi ko. ”Nilabas kulang ang nararamdamang meron ako dahil doble na ang sakit na nararamdaman ko ngayon.” dagdag nito habang nanatiling nakatitig sa‘kin kaya umiwas na ako at lumapit kay Riley.

“May problema ba babe?” tanong ni mystein.

“Nevermind,  by the way kain na muna tayu gutom ako eh asan ba canteen n‘yo dito?”

“WALA SILANG CANTEEN MARVIN DRE.” sabay sabay nilang saad na kinatawa ko.

“Eh,  anong kinakain nila dito?”

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now