Masiyadong cold ang teacher na ito. Wala man lang siyang reaksiyon kahit ang daming nakasimangot at umaayaw sa quiz. Naalala ko tuloy ang dati ko ring mga teachers. Kahit ata saang school ako magpunta may teacher lagi na ganito. Hindi naman dahil sa wala siyang pakialam sa feelings ng students niya, pero isa siya sa puwedeng tawaging terror teacher.
"Salam—" Naputol ang pag-abot ko ng quiz. Umiwas ang papel.
"Not you. Hindi ka kasali sa quiz. I'm only giving this to you para ipasa mo sa row sa likod mo." Tinukoy ng teacher namin ang unang row, which is ang row na pinanggalingan ko noon na dati kong upuan.
"Doll, wish me a good luck." Tumuon ng kunti si Dare sa upuan para lumapit sa harapan. Kinindatan niya ako.
Bakit kailangan akoang magbigay sa row nila?
"Alex, you too! Stand here and give papers sa mga classmates mo. You're also not taking this quiz." Pahabol ng teacher.
Nakahinga ako ng maluwag at hindi lang ako ang free ngayon. Akala ko machi-chismis na ako bilang teacher's pet. Buti hindi at may Alex pang kasama.
"Suwerte mo, Alex." Mapait na bulong ni Theo nang lagpasan siya nito.
"I told you to study, you didn't listen." Bulong nito. Nakatanggap tuloy siya ng marami pang bitter comments sa mga kaibigan, habang tinaggap niya ang papel sa teacher namin.
"You will give these to half of the room, and si Jane na ang bahala sa right part."
Ginawa niya ang sinabi ng teacher. Pumunta siya sa half part ng klase kung saan ako currently nakaupo, at nagbigay doon ng papel.
"Ma'am! How about me? Bago pa lang po ako sa lessons, puwede po bang wag muna akong magtake ngayon?" Tumaas ng kamay si Kelly. Malungkot itong nakanguso, hoping na papalagpasin din siya.
"That's all the more you need to take this quiz. You're new, so what? You're still a student."
Natawa ng kunti ang iba. Pansin kong nabawasan ang tension at negative atmoshpere sa buong classroom. Kunting na-relax rin ang iba. Natawa na rin sina Theo. Si Thea na kanina ay neutral ang mukha at seriyoso, ngayon ay meron ng kunting ngiti. Buti naman.
Nagpatuloy ako sa pamimigay ng papel. Inipit ko sa dibdib ang mga iyun at sinubukang kumuha ng isa. Nag-abot ako sa sunod na pagbibi-bigyan. Naglalakad kami pareho ni Alex. Siya sa kaliwa, ako sa kanan.
"Oh." Nagulat ako nang may humatak sa aking kamay, naputol ang tingin ko sa kabila.
Nakangiting-nakangiti si Dare na nakatingala sa akin. Kapit niya ang kamay ko ng mahigpit sa baba ng desk niya na hindi kita. Lumingon ako sa teacher pero nakatungo ito at may ginagawa sa desk. Wala rin iba pang nakakakita sa akin dahil nakatalikod ako sa karamihan. Si Sam naman na nakaupo sa likod ni Dare ay nagpatay malisiya. Lumingon 'to kay Alex na parang nag-iintay ng papel, ngunit matatagalan pa ito. Kitang-kita ko ang ngisi sa mga labi niya.
Hindi ako makapaniwala sa Sam na ito. Mas iintayin pa niya si Alex kahit tumatakbo ang oras ng quiz, kesa sa tulungan ako?! Ako kaya ang pinaka-malapit na puwedeng magbigay sa kaniya ng papel!
"Doll, you should give me a luck." Nakatingalang nakangisi sa akin si Dare. Pinapatong niya ang kamay ko sa ballpen niya. Pinilit kong iniwas ang aking kamay doon.
Gusto niya akong magcheat!
"Tumigil ka. Isusumbong kita sa teacher."
"Just write something for me. Maybe circle some a-b-c-d too."
Di naputol ang natutuwa niyang tingin. Tumigin ako sa iba at di nagpahalatang nagcheck kung may ibang nakatingin. Nakita ko si Thea na may ngiwi at mapag-alalang umiling. Sinesenyas niya ang direction kung nasaan ang teacher.
YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...
23- How To Asked Something From A Nerd?
Start from the beginning
