Chapter 15: Electric Spark

Start from the beginning
                                    

"Ganiyan ang uso ngayon, Cleng-Cleng!" hirit ni Bey habang nakangisi nang malaki. "Sadyang kaunti ang tela niyan para mas lumitaw ang dibdib mo. Ikaw ang may pinakamalaking boobs sa 'ting tatlo. Flaunt your assets, girl!"

"A-Ano 'to? Bakit tali lang ang nasa puwit?"

"T-back ang tawag diyan! Ano ba, Cleng? Saang kahon ka ba nanggaling?" parangal ni Bey habang inilalagay sa maleta ang mga nirerekomenda niyang damit.

"Huwag mong kalimutan ang mga ito," dagdag ni Jeb. "Mga beach essentials. Sunscreen, Aloe Vera, lotion, at condom."

"B-Bakit kailangang magdala ng letter C?" Nag-init ang mukha ko at inagaw agad ito mula kay Jeb. "Ahh!" Nandiri ako nang mahawakan ito kaya tinapon ko sa malayo.

"Condom 'yan, Cleng! Hindi 'yan ipis!" pasinghal na sermon ni Jeb. "Hindi ka tutuklawin niyan!"

"Iba ang tutuklaw sa 'yo!" kinikilig na sundot ni Bey. "Si Joon—yor!"

Tinakpan ko na lang ang aking mga tainga para hindi marinig ang kanilang mga panunukso. Napasinghal na lamang ako at tuluyan na silang hinayaang ayusin ang mga gamit ko. Bahala na, sigurado namang lalangoy at matutulog lang ako roon.

***

Dumating na ang Sabado at naghintay ako sa labas ng aming bahay tulad ng sabi ni Cherry. Halos tumalon ang puso ko nang makitang paparating ang private bus ng Green Giants. Ito ba ang sasakyan namin papunta sa beach? Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog ng dibdib ko kahit huminto na ito sa tapat namin at awtomatikong bumukas ang pintuan.

I held my suitcase tightly and went inside the bus. Napanganga ako nang makita ang anim na nagguwaguwapuhang lalaki ng Green Giants. Doon sa dulo ay nakaupo si Cherry katabi ng isang lalaking mukhang tahimik at seryoso.

"Good morning, Cleng! Maupo ka rito!" Tinuro ni Cherry ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna.

"Wow! Ikaw pala si Cleng?" Tumayo ang isa sa kanila para alalayan ako sa 'king dalang maleta. "Kaya pala baliw na baliw si Joonieboy, eh. Ako nga pala si Tobin!"

May isang lalaking sumilip sa pagitan ng mga upuan sa harapan ko para ngumiti sa 'kin. Mukhang mabait at malambing naman ang isang ito. "Ikaw ba si Mommy Cleng? Ako si Gin!"

"M-Mommy?"

Nagulat ako dahil biglang may lalaking sumulpot mula sa 'king likuran. "Ako naman si Anlex! Kapag nagsawa ka na kay Joon, narito lang ako. Single pa naman ako," pabirong bati niya. "Iyon naman sina Nikko at Denz. Guwapo naman sila, pero mas guwapo ako."

"Hoy, Anlex! Layuan mo nga si Cleng," reklamo ng lalaking tinawag niyang Nikko. "Sige ka, isusumbong kita kay Joon!"

"Speaking of, bahay na nila ang sunod na pupuntahan natin. Titigil tayo sa Serendra para sunduin si Joon," bigkas ng lalaking nagpakilala bilang Denz.

"Cleng! Mahiyain lang itong katabi ko, pero siya si Bastiel!" sigaw ni Cherry mula sa likuran habang sinisiko ang kasama niyang lalaki. Tumango naman sa 'kin si Bastiel at tumango ako pabalik. Sa buong bus na ito ay tila kaming dalawa lang ang tahimik.

Pagtigil sa Serendra ay naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko. Nagulat ako nang biglang kumilos ang mga Green Giants. Nilagyan nila ng mga bag at iba't ibang mga gamit ang mga upuan sa bus. Tanging ang katabing upuan ko lamang ang naiwang bakante. Huh?

Bumukas na ang pintuan at tila may mga kabayong nagwawala sa dibdib ko. Narinig ko na ang kaniyang pag-apak sa hagdan at nasilip ko na ang silweta ng kaniyang katawan sa may pintuan. My heart dropped when I saw the handsome face of Joon Villamontano entering the bus. Magulo-gulo pa ang kaniyang buhok na bagong ligo, at nag-init ang mga tainga ko dahil sa sobrang guwapo ng hitsura niya.

"Oy, Joon! Isang upuan na lang ang bakante!" natatawang tukso ni Anlex.

"Ha? Ang aga-aga, bina-badtrip niyo na 'ko," walang malay na sagot ni Joon habang naglalakad papunta sa gitna.

He walked towards my row and finally turned to face my side. His eyes widened in shock and his jaw dropped on the floor after seeing me in the bus. "Cleng?!"

I gulped and greeted him with an awkward smile. "G-Good morning, Joon!"

"Paano? Bakit? Sino? Kailan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Did you like our surprise?" Nagkantiyawan agad ang mga Green Giants. Wala namang nagawa si Joon at umupo na rin sa tabi ko. Umurong ako palayo nang magtama ang mga siko naming dalawa.

"Of course, I like her..." mahinang sambit ni Joon sa kaniyang sarili habang nakayuko sa sahig. Napalunok ako nang marinig iyon, ngunit hindi niya yata napansin. Sinabayan niya kasi ito ng marahas na buntong-hininga.

"Hindi ka naman napilitan?" biglang bulong niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin kaya hindi ko agad natukoy kung ako ba ang kausap niya.

"H-Hindi naman. Excited na nga ako, eh. Buti at sumama ka rin." I smiled at him, but he still wasn't looking at me. My failed smile faded into a lip bite as I turned to the other side, facing the window. Bakit hindi makatingin sa 'kin si Joon? Iniiwasan niya ba 'ko?

Ang hindi niya pagsagot ang kumumpirma sa 'king hinala. I wondered why he was acting cold towards me? May nagawa ba akong mali? Naalala ko ulit ang huling pagkikita namin. Is he judging me because of what happened that night? Itinikom ko ang aking mga kamao sa ibabaw ng mga hita ko. Maybe Joon didn't want me to come after all...

Biglang huminto ang bus at napasubsob kami paharap, ngunit nasalo agad ako ni Joon. Hinarangan ng kaniyang braso ang aking katawan para hindi ako tumama sa bungad na upuan. Namula kami parehas at agad na niyang tinanggal ang pagkakahawak sa 'kin nang masiguradong maayos na kami.

Tahimik lang kaming dalawa buong biyahe habang maingay ang aming mga kasama. Isang beses ay nagdikit ang mga braso namin ni Joon at nagulantang kaming parehas dahil biglang may kuryenteng dumaloy nang magtama ang aming balat.

"Yiee, may spark!"

Gin's voice suddenly came out of nowhere, shocking us even more. Nakasilip pala siya sa pagitan ng mga upuan at nanonood sa 'min. Hinarangan agad ito ni Joon ng kaniyang bag para hindi na makasilip si Gin.

"Joon, sorry ha? Wala kang choice kanina kung 'di tumabi sa'kin..." Nanginginig ang boses ko habang kinakausap siya. "'Wag kang mag-alala, lilipat na lang ako ng upuan—"

Tumayo ako para lumipat, ngunit biglang tumigil ulit ang bus at napaupo tuloy ako sa kandungan ni Joon. I felt something bumping my butt from under his pants.

"C-Cleng, d-delikado ang inuupuan mo ngayon," babala ni Joon na halatang nahihirapang magpigil. "Bumalik ka na lang sa tabi ko."

He grabbed my arm and placed me back on my seat. I saw a flag ceremony happening inside his pants and he immediately covered it with a bag. My eyes went to his face and I saw him blushing. Nakasalumbaba siya at nakatingin sa malayo. Gosh, he's so handsome and it's making my heart beat faster.

Nilagay ko ang aking kanang kamay sa kaliwang dibdib bilang pagrespeto sa watawat, at upang pakiramdaman ang kalagayan ng aking puso. Will I be able to survive this beach trip?






#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now