"Ah, okay lang, Sir. May naisip lang." tipid akong ngumiti.

"Troy nalang, wala naman tayo sa school."

Tumango ako at nag-iwas ng tingin, tahimik na tinuloy ang pag kain. Hindi ko naman alam  kung ano ang sasabihin ko eh.

"Eli, uh-"

"Can you call me Elise, Troy? Pasensya na pero hindi talaga ako sanay na tinatawag akong Eli." I smiled hesitantly.

Natulala siya saglit at bahagyang napanganga. "Oh, I'm sorry. Akala ko kasi okay lang."

Tumango ako at ngumiti. "Pasensya na, hindi lang talaga ako sanay."

We finally found a topic after that kaya may napag-uusapan na kami. It's more on about school, tungkol sa mga estudyante at trabaho namin.

It wasn't boring, but it wasn't fun either. It was entertaining but I don't think I can go out with him, or with someone else in general, again. Hindi ko na yata kaya.

He even confessed to me again that he liked me and that if I would let him, he'd court me. In the end, I still said no. I'm just not ready to love someone else again.

Nang makauwi ay ginawa ko nalang ang trabaho ko. Naghanda ako para sa topic ko bukas at nang mag-aya si Mama na kakain ng hapunan ay sumabay pa'rin ako dahil nagutom ako sa dami ng ginawa ko.

Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto ko para magpahinga na. Tapos na ang mga kailangan kong gawin kaya p'wede na akong humiga at matulog. May pasok pa ako bukas at malapit nang mag 10 ng gabi.

I was doing my skincare inside my bathroom when I heard my phone ring. Kaagad akong naghugas ng kumay at lumabas para kunin ang cellphone.

Zian was calling me. Inayos ko ang robe ko bago umupo sa kama ko para sagutin ang tawag.

"Elise, buti naman at sumagot ka!" salubong niya.

"Malamang sasagutin ko, tumatawag ka eh." umirap ako.

"Akala ko kasi tulog ka na." he chuckled.

"Matutulog palang." nangunot ang noo ko nang marinig ang ingay sa paligid niya. "Nasaan ka? Kasama mo si Mindy?"

"Kaya nga ako napatawag. Nasa bar kasi kami ngayon, nagpasama si Jace."

"Oh? Tapos? Bakit mo ako tinawagan? At alam ba 'yan ng asawa mo?" sunod-sunod kong tanong.

"Alam ni Mindy. And bakit ka tinawagan? Lasing na lasing itong si Jace, ayaw umuwi hanggat hindi ka daw nakikita."

"Ano?!" napatayo ako, gulat sa narinig. "Bakit hindi niyo sinita kanina? Alam niyong mabilis malasing 'yan."

I groaned and got rid of my face mask. I put my phone on loud speaker before going back inside the bathroom to wash my hands.

"Ayaw magpapigil eh. Pasensya na, Elise, pero p'wede ba na puntahan mo siya dito? Kanina pa 'to eh, ayaw talaga umuwi."

"Saang bar 'yan? Papunta na ako." sabi ko habang naglalabas ng isusuot.

He told me where and ended the call. I wore a plain hoodie and shorts and quickly went out. Hindi na ako nagpaalam 'kila mama dahil tulog na sila.

"Bakit niyo pinabayaan?" tanong ko nang makita si Joseph sa labas ng bar.

"Ayaw niya tumigil. Naka ilang bote, inom nang inom." aniya at sinundan ako papasok.

"Hindi ako uuwi! G-Gusto ko si Eli, papuntahin niyo si E-Eli!"

Napasimangot ako nang makita si Jace na nakahiga na sa pinagtabi-tabing mga upuan sa gilid.

"Jace, ano na naman ba ginawa mo sa buhay mo?!" I groaned and helped him to get up. Kaagad namang umalalay si Joseph at Zian.

"Ayoko umuwi, antayin ko si Eli ko!" he groaned again.

"Isa, Jace. Umayos ka nga." sita ko.

May binulong si Joseph sa kanya, pagewang-gewang naman siyang umayos ng upo.

"Talaga?" he asked.

Tumango ang dalawa at mas nagtaka ako nang kusang sumama si Jace at hindi na pumalag. Hinatid namin siya sa condo niya. Nakatulog siya kaagad 'nung linapag siya sa kama niya.

"Ako na bahala dito, umuwi na kayo." sabi ko sa dalawa na kaagad namang tumango.

Nang maiwan kaming dalawa ay bumalik ang simangot ko. Humihilik siyang natutulog, nakabalandra ang katawan sa kama, ang isang paa ay nakalawit sa gilid.

Linibot ko ang condo niya para maghanap ng damit pero natigilan ako nang makita ang frame na nasa nightstand niya.

"Bakit nandito 'to?" takang tanong ko nang makita ang pagmumukha ko sa picture.

Napailing ako at binalik 'yon. May nakita akong cabinet at nang makita ang mga damit niya ay kaagad akong kumuha ng t-shirt at shorts.

Kumuha din ako ng planggana sa kusina niya at pinuno ng tubig. May nahanap din akong bimpo kaya nagamit ko 'yun para punasan siya.

"Papalitan ko damit mo ha? Ang lagkit mo." paalam ko at sinimulan nang tanggalin ang shirt niya.

Puro ako lunok habang binibihisan siya, nag-iiwas pa ng tingin dahil kahit tulog siya, naiilang ako. Nang matapos ay inayos ko ang pagkakahiga niya para hindi siya mahirapan. Kinumutan ko siya at hinaplos ang buhok niya.

He moved a bit and reached for my hand. He held it tightly and hugged my wrist kaya mas nahila ako palapit sa kanya.

"S-Seselos ako, Eli ko." he groaned. I sighed heavily and tried pulling away but he just pulled me closer.

Napadapa ako at tumama ako sa dibdib niya, kaagad niya namang yinakap ang baywang ko.

"Mahal na m-mahal kita, Eli ko. Seselos si Sorin m-mo. 'Di ba siya lang love mo?" he mumbled.

Napangiti ako ng mapait at pilit na naman na lumayo. This time, I successfully succeeded.

"Eli ko, love kita."

Inayos ko ang kumot niya at nag-iwas ng tingin.

"Lasing ka lang."

How I wish you were sober right now.

. . .

Bukas nalang 'yung 28-30. Inaantok na ako eh.

After We EndedWhere stories live. Discover now