08.

3K 109 83
                                    

Hello! To my silent readers, hi! If possible po, I hope you can leave a comment. I really love seeing what you guys think about the story. I would really appreciate it if you'd take some time to say something, hehe. Anyways, enjoy reading!

. . .

"Puwede akong maglatag nalang dito sa lapag. I know you're uncomfortable." sabi sa'kin ni Jace habang nag-aayos kami ng gamit sa hotel room namin.

"Huh? Hindi, okay lang. Maluwang naman 'yung kama, kasya tayo diyan." I smiled at him.

"Are you sure?" he asked. Tumango naman ako sa kanya.

Nauna akong natapos sa pag-aayos kaya umupo nalang muna ako sa kama habang inaantay siya. Magkikita kasi kaming lahat mamaya sa baba para mag dinner bago kami magpahinga.

"I'm done, let's go?" tanong niya. Tumango naman ako at tumayo na.

Our friends already ordered when we got there kaya umupo nalang kami at nakipagkwentuhan habang inaantay ang order.

"Abangan natin 'yung sunrise bukas, gusto niyo? Tapos mag island hopping tayo after." nakangiti at mukhang excited na sabi ni Shiela.

"Sure! Tapos after no'n, abangan natin ang sunset tapos mag bonfire tayo!" dagdag ni Diane.

We're staying here for three whole days kaya plina-plano talaga namin para masulit namin ang bakasyon kahit saglitan lang.

"Tapos sa susunod na araw naman, chill lang muna siguro tayo sa beach? Pero may jet ski sila tapos banana boat. Try din natin!" I suggested.

"Ay, oo, masaya 'yan. Tapos sa gabi daw, p'wede tayong mag bar. Nalaman ko kanina na may bar sila dito, open daw 'yun every wednesdays and saturdays." Mindy informed us.

"Oh, so settled na? Gising ng maaga bukas ha. 4a.m. palang nandito na dapat tayong lahat para maabutan natin ang sunrise. Ang hindi makakasama, may parusa!" Shiela smirked.

We settled our plans hanggang sa dumating na ang mga pagkain. Our table was noisy while we were eating dahil naaliw kami sa kuwentuhan at asaran. The other guests didn't mind though. Nakitawa pa nga ang iba 'nung inaasar namin 'yung mag asawa.

Nang matapos kumain ay sabay sabay kaming umakyat pabalik sa 3rd floor. Doon kasi ang rooms namin at magkakatabi lang.

"Good night, dearest friends. Gising ng maaga ha? Bubuhusan ko ng malamig na tubig ang hindi gigising." Mindy reminded.

"Yep, noted. Baka nga kayo pa 'yung magpuyat eh. Alam niyo na." ngumisi si Tessa at tinaas baba ang kilay kaya napatili kami at nagtawanan.

Nang makapasok kami ni Jace sa room ay nauna siyang pumasok sa banyo para magbihis. Habang inaantay ko siyang matapos ay humiga nalang muna ako at nag cellphone.

I uploaded a group photo of us on Facebook and on Instagram. I also posted an IG story of me and the girls.

Nang matapos si Jace sa banyo ay ako naman ang pumasok para magbihis. I did my usual skincare and brushed my teeth. After that, lumabas na ako habang marahang pinupunasan ng twalya ang mukha.

I saw Jace on the bed while he was facing his laptop. Mukhang may kausap dahil nagsasalita siya at may suot na airpods.

Tahimik lang akong gumalaw sa kwarto para hindi makagawa ng ingay at makaistorbo.

He was siting at the edge of the bed kaya nang maupo ako sa puwesto ko at napatingin sa screen ng laptop niya ay nahagip ako sa camera. Umisod nalang ako kaunti para hindi makita.

"Okay, calm down. Why are you suddenly screaming?" tumawa si Jace.

Mula sa cellphone ay napaangat ang tingin ko at napatingin ulit sa laptop. He was on a video call with someone pero kanina pa walang mukha ang kausap niya. Puting kisame lang ang nakikita.

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon